Chapter 3
Vanessa pov's
Hindi ako mapakali habang nakatitig sa laptop. Feeling ko may mali. Dahil maling mali na ibinigay ko ang sarili sa lalaki g ganun-ganun nalang.
My god, nag-iisip ka ba vanessa? Paano mo naisuko ang boracay ng ganun-ganun nalang?
Hindi talaga ako mapakali. Every details ay bumabalik sa isip ko ang nangyari. Kung paano ako angkinin ni Klyde. Kung gaano siya ka hayp sa kama. Ay este sa kotse. My gad, Cassie.
Sa kotse talaga. My gad, Cassie. Ganun ako karupok.
Open, close ang ginawa ko sa aking laptop. Parang ayoko na mag online. Baka makita ko pa na online si Klyde.
Pagkatapos kasi ng nangyari. Nakatulog kami at nagising ako na tulog parin si Klyde. Mukhang nakainom siya ng time na iyon. At sobrang nahihiya ako. Sa sobrang hiya ko at pagmamadali naiwan ko pa ang panty ko sa kotse niya. My gad, nakakahiya. Ilan panty na ba ang naiiwan ko. Baka naman gawin ng collection ni Klyde ang panty ko. Sa pagmamadali ko hindi ko na pala naisuot ang panty ko at umuwi ako na walang panty. My gad. Nagmadali ako na lumabas at agad na pumara ng taxi. Without permission to leave.
Ano nalang kaya ang sasabihin ni Klyde? Puro kahihiyan nalang ang nagagawa ko.
Kaya ngayon wala akong mukha na maiharap sa kanya.
Dagdag pa ang masakit kong gitna. My gad, Cassie. Ganito pala nangyayari kapag isuko ang boracay. Kaya naman pala nilagnat si Tasha noong una nila ni Kyfier. My gad. Talaga.
Ayoko na muna mag online.
Nadatnan ko na kumakain si ate at ang pamangkin ko. Sabay sila na napalingon sa akin. Hindi ko malaman kung anong reaksyon ang gumuguhit sa kanilang mga mukha.
Umupo ako at tumabi sa makulit kong pamangkin.
"Tita, nakalimutan mo ba?" habang sumusubo pa ito ng kanin.
Anong nakalimutan ko? Yung panty ko kaya ang ibig sabihin ng pamangkin ko.
"Ano ba, Vane? Nakalimutan mo ba na OJT mo ngayon sa school ng pamangkin mo!?" nakakunot na sabi ni Ate.
My gad! Napasulyap ako sa wall clock. My gad, Cassie. Mag aalas otso na. Napasulyap ako sa aking pamangkin na ready na pumasok. Bakit ba nakalimutan ko iyon.
"Bakit parang lutang ka? Kagabi pag uwi mo. Iika ika ka na pumasok sa bahay. Nakita kita kagabi." dagdag pang ate ako.
Nanlaki ang mata ko, agad ko naman nabawi iyon.
"ah- huh!? Yung sandal ko kasi nabali ang hills kaya naman iika ika ako kagabi." palusot ko pa.
" Parang okay naman ang hills mo. Nakita ko kanina ang sandals mo at okay naman. " pambubuko ni ate saakin. My gad. Ate. Alam mo na iyon. Akala mo naman hindi nakaranas eh,!
Kalaunan tumawa si Ate.
"Alam ko na, huwag mo na ipagkaila." tukso ni ate. Nagpalipat lipat naman ang tingin ng pamangkin ko.
" Tita, hindi ka pa ba maliligo.?" ngayon ko lang ulit naalala na kailangan ko na pala magmadali.
"Mauna kana, Maine at mukhang lutang pa ang tita mo." utos ni ate sa pamangkin ko. Tumayo ito at nagpaalam na umalis. Humalik muna siya sa pisngi ko at tuluyan na nagpaalam.
Ngayon, kami nalang dalawa ni Ate. At ang mga tingin niya ay parang hindi ako paliligtasin. Yung parang sa mga tingin niya ay may gusto siya malaman. Naghihintay sa sasabihin ko sa kanya. Pero sorry siya hindi ako mag kukwento. Mamaya sasabihin pa niya kay mama. E di patay ako diba?
"Maliligo na ako!" nagmamadali akong tumayo at iniwan si ate. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. Baliw na!
-------
Habang tinatahak ko ang daan papasok sa gate ng Saint Mary Academy. Kung saan ako mag OJT. Akalain mo na magtuturo ako ng highschool student. May tinatago din naman akong katalinuhan. Sadyang pagdating sa mga kaibigan at pag-ibig nagiging mukhang bobo talaga ako.
First year highschool. Math teacher. Wow! Math?. Hingang malalim. Okay, first day ko 'to kaya dapat memorable ang first day ko. At dahil memorable ang first day ko. Isa na doon ang pagiging late comers ko. It's better to be late than never! Diba?
At dahil private school at ang school na ito ay may mga madre. Naka longsleeve at mahabang palda ang mga suot ng estudyante. Maging ako ay ganun din ang suot. Akalain mo 'yon nagawa kong magsuot ng mahabang kasuotan. Samantala ayaw na ayaw ko nun. Para sa career kakayanin ko. Right, Cassie?
Kamusta naman ang lovelife ko. My gad, Cassie.
" Good morning!" bati ko sa kay mader na nakasalubong ko. Hindi ko pa sila kilala dahil bago lang talaga ako.
Ngumiti ito sa akin at biglang yumuko bilang pagbati. My gad, Cassie. Talaga bang puwede ako dito. Hindi ako mabait. My gad, Cassie. Pakiramdam ko dito na ako titino.
" Good morning Miss, Guidicili." bati nito sa akin. My gad. Puwede ba talaga ako dito. Feeling ko na guguilty ako sa mga kasalanan ko.
"Ikaw ba si Miss Guidicili. Yung bagong intern?"tanong nito sa akin.
Tumango naman ako kaagad. "Opo! Pasensya na po na late ako." paumanhin ko, ngumiti naman ang madre.
"Okay lang, alam mo na ba kung saan ang klase mo?" sa totoo lang hindi ko pa alam dahil nung una kong punta ay hanggang principal's office lang ako at hindi pa nila tinuturo sa akin kung saan room ang tuturuan ko.
"Sumama ka sa akin. Ihahatid kita kay Mr. Villamar. "sabi nito sa akin. Wow! Lalaki pala ang sasama sa akin papunta sa klase na iyon.
Dati lang kami ang tinuturuan. Ngayon ako na ang magtuturo. Wow! Hindi ko akalain ito.
Mahaba haba din ang nilakad namin. Naaalala ko tuloy dati kung paano kami noon nila Tasha sa pagiging estudyante. Nasaan kaya ang mga kaibigan ko na iyon. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon. As usual nagpapakatanga nanaman iyon si Tasha sa asawa niya.
Pumasok kami sa principal's office. Nadatnan namin doon ang mga iba pa na teacher. Isa isa akong nagpakilala sa kanila.
"I'm Marco Villamar. Science teacher." pakilala ng lalaking nasa harapan ko, ngumiti ito at magalang na nagpakilala sa akin. Gwapo siya at nakasuot siya ng sunglasses pero hindi iyon kabawasan sa kaguwapuhan niya. Genius na genius ang kaniyang dating. As in, guwapo. My gad, Cassie. Naglalandi nanaman ang isip at utak ko. Alalahanin mo Vanessa, pinapaligiran ka ng mga santa. Kaya tumigil ka. Nasa banal na school ka. Wala ka sa bar. Para maglikot ang isip at mga mata mo.
Nabigla ako sa paghawak ni Marco sa aking kamay.
"Natulala ka na. "ngumiti nanaman ito sa akin. Kumurap kurap ako at ibinalik sa katinuan ang sarili. Ang rupok mo Vanessa para matulala sa isang lalaking genius na nasa harapan mo.
"Vanessa Guidicili." pagpapakilala ko. " A math teacher." patuloy ko.
"Ang ganda." komento niya.
"Excuse me!?" pakiwari ko.
"I mean, your name suit to you. You have a beautiful name just like you!" he playfully said.
Hindi naman siya bolero noh?
" Mr. Villamar, sa iyo ko na iiwan si Miss Guidicilli. " paalam ng madre . Ngumiti naman ang lalaki at magalang nagpaalam na din.
"So, Shall we."yaya nito na sa akin sabay abot ng kaniyang kamay sa akin.
"Puwede naman siguro tayo pumunta dun, na hindi nakahawak kamay noh?" biro ko. Tumawa siya.
"Ofcourse, binibiro lang kita." sabi pa niya.
Sa wakas, nag- umpisa na kaming maglakad patungo sa room kung saan ako magtuturo. Kinakabahan ako sa unang ara ko na ito. Feeling ko ang kukulit ng mga estudyante dahil alam ko kung gaaano kami naging makulit noon.
"Are you alright?" sinipat niya ang aking mukha. Napansin niya kasi ang pananahimik ko.
"Oo naman, okay lang ako." sagot ko dito
"Don't worry, mababait ng mga studyante dito." nakangiti iya na sabi.
" Kinakalma ko lang ang sarili ko. First time ko kasi na magturo kaya ganito ang nararamdaman ko." paliwanag ko dito.
"Naiintindihan kita, ganyan din ako noon. Pero masasanay ka na rin katagalan." paliwang niya.
Nanahimik na lamang ako.
Pgdating ay agad na nagtayuan ang mga estudyante. Binati naman kami kaagad ng mga ito. Ang iba pa ay napapansin ko ang panay nila tingin sa kasama ko. Si Marco. Sa guwapo ba naman nito kasama ko. Hindi maikakaila na walang hahanga na estudyante dito. Kung hindi ko nga lang siguro gusto si Klyde. Baka nagustuhan ko na rin siya. Pero walang makakatalo kay Klyde sa puso ko. kahit napaka strikto at cold ang dating ay siya parin ang gusto ko.
Speaking of Klyde. Ayaw ko na muna siya pag-usapan. Ayaw ko maalala ang nangyari sa amin. Nakakahiyang pangyayari.
"Miss, Guidicili!" untag sa akin ni Marco. My gad. Natutulala nanaman pala ako.
"Uh-huh!" sagot ko dito. Ngayon ko lang napansin na nasa harapan na ako ng mga estudyante at lahat sila nakatingin sa akin. My gad, Cassie. Lutang kana naman. Huwag mo naman sana dalhin dito ang pagiging shunga mo.
"Uh-eh. Hehe. " ngumiti ako at nag wave sa kanila. "Anyeong hasseo" lahat sila napatingin sa akin. My, gad Cassie. Resulta na nga ba ito ng panonood ko sa korean eh!. Binabati ko na tuloy sila sa korean words. Napansin kong napangiti si Marco.
Napalunok ako at umayos nang tayo. Nakakahiya! Nakakahiya ka Vane. Resulta na ba iyan sa pagkawala ng virginity mo. Lutang kana.
"Ayos ka lang?" nakangiti na tanong sa akin ni Marco.
Halata naman na hindi. Lutang at mukhang tulog pa ako sa lagay na ito. Grabe! Akala ko si Tasha lang ang shunga. Pero nahawa na rin pala ako dito. My gad, Cassie. Talaga!
"O-ofcourse! Okay lang ako" hinawi ko ang aking buhok at matuwid nanaman na tumayo.
"Ma'am, mahilig ka rin po ba sa korean drama?" tanong ng isang estudyante na babae.
Ngumiti ako dito. " Slight lang!" sagot ko. Mas lalo natawa si Marco. Bakit ba tinatawanan ako ng kulukoy na ito?
"Same po tayo, Ma'am. Mahilig din po ako sa Korean drama. Lalong lalo na po iyon. True beauty." dagdag pa nito. Nakakatuwa, mukhang magkakasundo kami ng mga estudyante ko.
"Sa wakas po may magiging teacher kaming napakaganda."sabi naman ng estudyanteng lalaki na tumayo pa para makuha niya ang atensyon ng lahat. My gad, ang kukulit ng mga estudyante ko.
"Mukhang magkakasundo kayo ng mga estudyante mo. Miss, Guidicili." sabi naman ni Marco.
"Tawagin mo nalang akong Vanessa. Hindi ako sanay sa last name ko. Mas prepare ko ang pangalan ko." sabi ko dito.
"Okay, miss Vanessa." sabi pa ulit nito. "Paano, maiiwan na kita. Kailangan ko na rin kasi na pumunta sa klase ko."paalam nito. Ngumiti ako at pinayagan na siya na umalis.
"Hi, Class ako nga pala si Vanessa Guidicili. Intern teacher. Math teacher niyo sa ngayon." Pakilala ko sa mga ito. Naghiyawan naman ang mga lalaki. Nagpalakpakan naman ang mga babae.
"Sana forever ka na po namin teacher. Ma'am Vanessa." sabi ng isang estudyante na babae.
"Sana all may forever!" sumagot naman ng sigaw ang isang estudyante na lalaki. Inirapan naman siya ng babaeng kanina lang ay nagsasalita. I smell something fishy sa dalawang ito.
-------
Klyde pov's
Padabog akong umupo sa couch. Itinapon ang coat sa kabilang couch. Habang hawak hawak ko ang panty ni Vanesa. What the f**k! Umuwi na walang suot na panty ang babaeng iyon. Habang pinagmamasdan ko ang kaniyang panty na hawak hawak ko. Bakit ko ba pinagmamasdan ito. Tss.!! Ako ang nauna sa kanya. I was her first. Dammit! Hindi ko dapat ginawa iyon. Tss.! Ang sakit ng ulo ko.
Iniwan niya lang ako na walang paalam. Bakit ba sa dinami daming maiiwan niya ay panty niya pa. Nananadya ba ang babaeng iyon. Tss.
Red underwear. Talaga ba na mahilig siya sa pula?
Tinungo ko ang lagayan ng mga damit kong labahin at doon itinapon ang kaniyang panty. What the f**k! Panty niya lang iyon pero ang lakas ng impak sa akin.
Napasulyap ako sa cellphone na nasa tabi ko. It's ringing. Elder brother calling. Masakit pa ulo ko. Ano naman kaya ipapagawa nito sa akin.
Napapagod na sinagot ko ang tawag ni kuya.
"Where are you?" bungad niya agad sa akin. Ano nanaman ba ang problema nito at parang nakabusangot ang boses.
"Nasa condo ko, why?"
"Anong oras na? Wala ka ba na balak pumasok? " sungit na sabi nito.
Ipinaglihi ata 'to sa ampalaya eh, hindi ko nga alam kung bakit siya nagustuhan ni Tasha.
Kawawa naman si Tasha at palagi niya nalang pinapaiyak. Kung sa akin si Tasha hindi ko kailanman paiiyakin si Tasha. Kahit isang butil ay hindi mangyayari iyon.
"I'll be right there! Maliligo lang ako." sagot ko dito.
"Sure it! " agad na pinatay ang tawag.
Vanessa pov's
Pangalawang araw ko na sa Saint Mary Academy. Bilang Math teacher ng first year highschool. Thanks god at mababait naman ang mga estudyante ko. Lahat sila ay mga masunurin. Puwera nalang sa mga estudyante ko na lalaki. Karamihan mga makukulit pero keri naman ng beauty ko. Napapatahimik ko naman sila kaagad. Ayaw daw nila na ma stress ako dahil baka mabawasan ang beauty ko. Aysus!
Nasa canteen ako at kumakain. Mag-isa. My gad, Cassie. Bakit ba kasi matatanda na mga kasamahan ko dito. Ako lang ata ang pinakabata. My gad, Cassie. At si sir Marco. Siya din ang pinaka bata sa mga lalaking teacher.
Dahil tsismosa ako ay nakikinig ako sa usapan ng may usapan. Juice colored. Ang tatanda na may gana pa na magkagusto. May mga asawa na nga ata pero kung makatilit makapag kwento ng guwapo ay natalo pa ako. Hays! Napaka harsh ko naman ata at ganito ang iniisip ko.
"Hindi niyo ba nakita yung lalaking nag donate ng five hundred thousand para sa mga estudyante dito na working student." rinig ko na sabi ng co- teacher ko.
"Ang sabi napaka guwapo daw." sagot naman ng isa. Nanatili lamang akong nakikinig sa kanila. Grabe naman ang mga ito. Magkakasala ako sa mga ito. My, gad. Cassie.
"Yes, hindi lang napaka guwapo. Sobrang guwapo. " sabi naman ng isa.
Sino naman kaya ang lalaking iyon. May mas guwapo pa ba sa crush ko. Ang pagkakalam ko para sa akin. Si Klyde lang ang guwapo. Ah, may isa pa pala. Si sir Marco. Yummy din iyon.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at mamaya maya din ay babalik na ako sa pagiging teacher. Na miss ko tuloy ang mga kalog kong bestfriend. Ano kaya ginagawa ng mga iyon.
Road to forever na ako ay este patungo na ng classroom ng mahagip ng mga mata ko ang lalaking nakatalikod at kausap ni Mader teresa. Ang unang madre na nakita ko dito sa academy. Si mader teresa iyon naghatid sa akin sa principal office.
Likod palang ay guwapo na. Sino naman kaya ang kausap ni Mader teresa at bakit naman hindi naka teacher uniform. Mukhang hindi siya dito nag tatrabaho.
Paliko na ako pero narinig ko ang pangalan ko na tinatawag. Hindi ako nagkakamali tinatawag ako ni Mader Teresa.
"Teacher Guidicilli. "napalingon ako dito. Tinatawag ako nito na kinawayan pa ako at sinenyasan na palapitin sa kanila. Ano kaya kailangan sa akin ni Mader Teresa.
Wala akong magawa kundi ang lumapit dito. Nakatalikod parin ang lalaking kausap niya.
Nang makalapit ay binati ko kaagad si Mader Teresa.
"May ipapakilala ako sa iyo, teacher. Guidicili. "sabi pa nito. Unti-unti naman na humarap ang lalaki.
Halos mapako ako sa aking kinatatayuan ng makilala ang lalaking nasa aking harapan. Bakit di ko nahalata na siya pala ito. Dapat likod palang niya ay kilala ko na.
Napalunok ako at hindi makapagsalita. Bakit sa dinami daming lugar na puwede kami magkita ay dito pa at kaharap pa namin ang isang taong banal. Nahihiya ako. Parang gusto ko nalang tumakbo at nagsisi ako kung bakit dito pa ako dumaan.
"Mr. Serapina, this is Vanessa Guidicili. New intern teacher."pakilala ni mader Teresa sa akin. " si Klyde Serapina. Ang tumutulong sa mga estudyante dito na working student." pakilala ni mader Teresa kay Klyde. My gad Cassie. Sa dinami daming skuwelahan bakit dito pa siya nag dodonate ng mga nag uumapaw niya na blessings. My gad.
Lahat ng nangyari sa amin ay nag flashback. Lalong lalo na ang naiwan kong panty. Ano kaya ang nasa isip nito.
Ang kaba ko at hiya ay nadagdagan ng ngumisi ito sa aking harapan. My gad. Ang pilyo naman ng kumag na ito at nagagawa niya ngumisi na kasama namin ang isang banal. Juice colored.
"I know her, mader Teresa. Actually she's my friend bestfriend." sabi niya kay mader Teresa.
Medyo umirap ako sa sinabi niya na iyon. Friend bestfriend huh!? Wala lang ba sa kanya ang nangyari sa amin. Tss.!
"Ah, hehe. Opo! Mader. Magkakilala po kami." pag sang ayon ko. Ngumiti naman si Mader Teresa
"Nakakatuwa naman at magkakilala pala kayo!" sabi nito sa amin. Ngumiti din ang kumag. Nahuli ko siya na nakatingin sa akin. Inirapan ko siya.
Akalain mo iyon. Tumutulong pala siya sa mga estudyante na working estudent dito. May tinatago din palang bait ang kumag na ito. Akala ko kasi snob lang ang alam niya.
Lahat ata ng co teachers na dumadaan ay napapalingon kay Klyde. Sa guwapo ba naman ng kumag na ito ay mapapalingon ka talaga. Dagdag pa ang dimple nito na sarap tanggalin.
T-teka, wait! Hindi kaya siya ang pinagtsismisan ng mga co-teacher's ko sa canteen. Napakaguwapo. Huweeeh.. Saan banda? Well lahat.. Guwapo sa kanya.
" I'll go ahead, mader Teresa!" basag niya sa katahimikan at tumingin sa akin. " Bye, miss Guidicili. Sana sa susunod huwag mo ng kalimutan ang mga gamit mo. Lalo na at napaka importante ng gamit na iyon." ngumisi ito at alam ko ang ibig niya sabihin.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Alam ko ang ibig niya sabihin. Nang- aasar ba siya?