CHAPTER TWENTY FOUR "Cassidy saan ka pupunta? Sa kuwarto mo ikaw dumeretso. Doon ka matulog," istriktang sabi ni Manang Soling . I grinned at her and flashed her a peace sign. "Sorry," natatawang sabi ko sa kanya. Nakapameywang siya saaming dalawa. Nagkamot naman ng ulo si Aaron. "Matatanda na kami, hindi na po kami bata," Aaron reasoned while still holding my hand. Umiling-iling si Manang. "Aaron, anak. Hindi porke’t dinala mo ako rito ay puwede na ang mga ganyan , ha? Nako!" Na-miss ko talaga ang pagiging overprotective ni manang . Nai-explain na rin namin sa kanya ang dahilan kung bakit kami nasa Bicol at naintindhijan naman niya. "Manang naman e! Sige na po! Kahit isang gabi lang," pamimilit pa ni Aaron habang nakasimangot na. Nangingiting nakatingin lang ako sa kanila