Calista HINDI AKO makakain nang maayos. Wala akong gana kahit anong pilit ko, para akong masusuka sa hindi malamang dahilan. Bumabaliktad ang aking sikmura. Masayang nag-uusap sina Mama kasama si Penelope. Magkatabing kumakain sina Penelope at Rage. Sa aming lima rito, ako lang ang hindi maipinta ang mukha. “Sabi nga po ni Papa, bakit pa pinapatagal kung sa pagpapakasal din naman namin ni Rage mauuwi ang lahat. Pero gusto ko pong makapagtapos muna ng pag-aaral. Even Rage, graduating pa lang siya. Then mag-aaral pa siya ng master’s niya. I can wait naman for the right time. I’m sure, pareho kami ni Rage na gusto munang makamit ang mga pangarap namin bago magsimula ng pamilya.” Mahigpit kong hinawakan ang kubyertos ko. Kung kaya nga lang, baka nabali ko na ito. “Oo nga naman. Mga bata