Calista “CALI!” Nagising ako dahil sa pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako kanina. Nang marinig ko ang boses nang mama ko, naalarma ako dahil ang huling naalala ko ay kasama ko si Rage sa kuwarto. Iginala ko ang paningin ko ngunit wala nang sign ni Rage rito. Umalis na ba siya? Bumangon ako at naglakad patungo sa may pinto. Pinagbuksan ko si Mama at nakangiti niya akong binati. “Akala ko kung ano nang nangyari sa ‘yo. Hindi ka na lumabas ng kuwarto mo.” Kinagat ko ang aking labi. Naalala kong sinabi ko kay Mama na lalabas ako kanina pero hindi ko nagawa dahil sa sobrang pagod sa ginawa namin ni Rage. Naalala ko bigla ang nangyari, pinamulahan ako ng pisngi. “Cali, get ready. Aalis tayo. Isasama tayo ni Romeo sa isang dinner kasama ang mala