Calista NANG MAGISING ako ay masakit ang aking ulo. I keep cursing myself dahil nagpadala ako sa alak. Halos hindi ko na nga malaman kung ano sa mga nangyari kagabi ang totoo sa panaginip. Nang bumangon ako, napahawak ako sa aking ulo. Damn, ayoko nang uminom! Hindi ko gusto ang natatamo kong hangover ngayon. Bukod pa roon ay nanunuyo ang aking lalamunan. I am dehydrated. Tatayo na sana ako nang may makita akong tray sa side table ko. May tubig doon at gamot para sa headache na nararamdaman ko. Kinuha ko agad ang tubig at pinangalahatian agad iyon. Kinuha ko rin ang gamot at ininom iyon. Sana ay tumalab agad para mawala na ang sakit ng ulo ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding hangover dahil kagabi lang din ako uminom nang ganoon kadami. Hindi ko alam kung anong kahihiyan ang gi