Calista NANG MAGISING ako ay naramdaman ko ang yakap ni Rage sa akin. Agad kong naimulat ang aking mga mata at gumalaw ako nang mapagtanto ko ang posisyon namin. Ang bumati sa akin ay ang matigas na dibdib ni Rage. He’s topless. Napabalikwas ako. Noong una ay inaasahan ko na magigising ko si Rage pero isang pagdaing lamang ang ginawa niya at nagpatuloy sa pagtulog. Napahawak ako sa katawan ko, and the memories from last night assaulted me. Napatakip ako sa aking bibig. We did. We f**k—we had…sex. Mabilis kong naramdaman ang pagtibok ng aking puso. Inihilamos ko rin ang aking kamay sa aking mukha. Regret filled my gut. Hindi dapat namin ginawa iyon ni Rage! How can I face him now? Wala ako sa sarili kagabi at hinain ko ang sarili ko. I am a bit sore. Nararamdaman ko ang resulta ng gi