Hindi ako sumulyap kahit isang beses kay Captain Erwin na nagdi-discuss na sa harap ng klase. The moment na pumasok siya ng klase namin ay hindi ako nagtaas ng tingin kahit alam kong sa akin na kaagad nakatutok ang kanyang paningin. Ramdam ko ang mabibigat niyang titig at hindi ko alam kung kaya ko bang umakto ng ganito hanggang matapos ang period namin sa kanya. Bumuntong-hininga ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Iyong alaala ng mga nangyari kasi kahapon ay sariwa pa sa aking alaala. Ayaw ko man itong ilagay sa aking isip ngunit kusa itong nagsusumiksik lalo na at nasa harapan ko lang ang taong dahilan kung bakit sobrang wet ako na umuwi ng bahay. Sa pagmamadali ko na makaalis sa kanyang harapan dahil ayaw ko ng komprontasyon ay nakalimutan ko na naman ang aking panty! Hindi ko