Tahimik kami ni Ysrael habang pauwi kami ng mansion nina Grandma. Wala pa naman regular class. Nagpasa lang naman ako ng iba ko pang projects sa iba kong propesor kaya hindi rin kami nagtagal sa school at heto nga at pauwi na kami sa bahay ng grandparents ko. Hindi ko kinikibo si Ysrael dahil may malalim akong iniisip. Hindi rin niya ako kinikibo na ewan kung bakit. Siguro mas gusto niyang tahimik na mag-drive para makarating na agad kami sa bahay. Pagod siya at kagagaling lang niya ng mahabang biyahe. Pero heto siya at sinamahan pa niya ako sa school kahit sinabi ko naman na ang driver na ang maghahatid sa akin para makapagpahinga na sana siya. Maraming naglalaro na katanungan sa isip ko kaya ayos naman at tahimik siya. Bakit kaya ako sinadya ni Captain Erwin sa school kanina? Ano kaya