Kanina pa napapakunot ang noo ni Pio at napapahilot sa sentido habang isa isang chinecheck ang mga research papers na ipinasa ng mga estudyante n’ya. Sa lahat ng klase na hinahawakan n’ya ay ang section na ito ang pinaka malala! His co teachers were praising him, though, for his long patience to teach and handle them. Wala namang kaso ‘yon sa kanya dahil sanay s’yang humawak ng matitigas ang ulong estudyante. Mula pa noong practice teacher pa lang s’ya ay madalas na doon s’ya naaassign sa mga sections kung saan halos hindi na kayang disiplinahin ng mga teachers ang mga estudyante. Kadalasan na halos ayaw ng pasukan ng mga co teachers n’ya ang section na ‘yon dahil sa sobrang pasaway ng mga estudyante. Para sa kanya ay hindi tama iyon. Kahit gaano pa katitigas ang ulo ng mga estudyante, re