Kanina pa tapos kumain si Pio at sadyang hinihintay na lang n’ya si Cathy na matapos sa kinakain nito bago n’ya ito simulang kausapin tungkol sa nakita ng estudyante n’ya. Sa totoo lang ay mayroon s’yang tiwala sa mga estudyante n’ya kahit na nga ba sabihing pinaka walwal at pinaka pabaya sa pag aaral ang mga nasa section na hawak n’ya. Sa halos isang taon na pagsasama sama nila ng mga ito ay nakuha na n’ya ang ugali ng mga estudyante n’ya at alam na rin n’ya kung paano mapapasunod ang mga ito sa kanya. At sa sinabi ng mga ito sa kanya ay alam n’yang hindi s’ya lolokohin ng mga ito. Alam ng mga kaklase n’ya, o halos lahat ng mga estudyante sa Maligalig National High School kung gaano sila kalapit ni Quin, kahit na nga ba lingid sa kaalaman ng mga ito na mas madalas pa sa pagsikat ng araw