Tahimik

1808 Words
Lunch break at kasalukuyang ka kwentuhan ni Quin ang kaibigan, co-teacher at kababata rin nila ni Pio na si Robie, short for Roberta Rodriguez habang naglalakad sila papunta sa kiosk na madalas nilang tambayan at kainan tuwing break time. Sa katunayan ay anim sana silang magkababata na nagtatrabaho ngayon sa Maligalig National High School pero kapwa napag desisyunan ng dalawa nilang kaibigan na sa ibang bansa na lang magtrabaho. Kaya naman apat na lang sila doon at sila sila pa rin ang magkakasama kahit sa lunch break. Kahit na mga propesyonal na silang apat ay hindi pa rin nawawala ang pag aasaran at pagkukulitan nila. Para pa rin silang mga elementary students kung magharutan at magbangayan. Their group were the closest among all the teachers there, kaya naman madalas makainggitan ang grupo nila lalo na at parehong matatalino sina Robie at Fred, short for Godofredo Lim. Si Pio ay kilala rin sa eskwelahang iyon hindi lang dahil sa pagiging likas na babaero nito kung hindi ay matalino rin talaga ito at likas na talentado kahit na may pagka tarantado talaga ito pagdating sa kanya. She remembers how girls among their batch swooned over his amazing voice. Magaling itong kumanta at magaling ding tumugtog ng drums at gitara. At isa din sa kinababaliwan ng mga babae dito ay ang looks nito. Pio is undeniably handsome and attractive kahit na nga ba ubod ng baho pa ang buong pangalan nito. Aminado naman s’yang hindi talaga nagkakamali ang mga babaeng nasisilaw sa kagwapuhan nito dahil itsura naman talaga ito, pero kahit kailan ay hindi n’ya pa iyon nasabi sa harapan ni Pio. At mukhang mamamatay muna s’ya bago n’ya ito mapuri sa harapan mismo nito! Isa pa ay walang araw na hindi s’ya nito pinipeste kaya naman kahit na may itsura pa ito at lutang na lutang ang pagiging simpatiko ay kahit kailan ay hindi n’ya iyon napagtuunan ng pansin. Mas nangingibabaw sa kanya ang iritasyon sa tuwing makikita ito. Wala na kasing lumalabas na matino sa bibig nito kapag magkausap sila. Idagdag pa na sa kanilang apat ay ito pa ang naging kapitbahay n’ya kaya naman kulang ang sabihing sawang sawa na silang dalawa sa pagmumukha ng isa’t isa! Madalas pa silang napagkakamalang mag kamag anak dahil malaki daw ang pagkakahawig nila nito na hindi n’ya makita kung saang banda hinugot ng mga taong nagsasabi no’n! Lalo pang nagpapatindi sa hinala ng mga ito na mag kamag anak nga sila ay ang mga pangalan nilang hindi alam kung saan hinugot! But like Pio, she was also blessed with pleasing and appealing facial features. Kaya kahit na sobrang pangit na pangit s’ya sa pangalan n’ya ay hindi naman iyon nakakabawas sa self confidence n’ya. Marami s’yang manliligaw pero wala sa mga iyon ang natipuhan n’ya bukod kay Marco na matagal na n’yang lihim na iniibig, na ngayon ay hindi na lihim dahil matapos ang matagal na panahon ay napansin na s’ya nito. Noon ay hindi talaga s’ya umaasang mapapansin nito dahil sa sobrang taas ng standards nito sa babae kaya naman hindi n’ya talaga maitago ang sayang naramdaman nang biglang magtapat ito ng feelings sa kanya. Kaya kahit na nabibilisan s’ya sa mga pangyayari ay agad na sinagot n’ya ito at hindi na pinatagal ang panliligaw. She was secretly loving him for so many years, kaya bakit pa n’ya patatagalin ngayong ito na mismo ang kusang lumapit at nagpahayag ng pag ibig sa kanya? Napangiti s’ya nang maalala na naman ito. Noong nagdaang gabi ay ipinakilala na n’ya ito sa wakas sa mga magulang n’ya makalipas ang dalawang linggo mula noong naging magkasintahan sila. Natural ay nagulat ang mga magulang n’ya sa biglaang pagpapakilala n’ya dito na nobyo na n’ya samantalang isang beses lang naman itong dumalaw sa bahay nila para opisyal na manligaw. Ang Papa n’ya ay nagulat pero hindi naman na nagkomento at pinakiharapan ng maayos si Marco kahit na nga ba pilit nitong ipinagduduldulan sa kanya na si Pio na lang ang gustuhin n’ya tutal ay pareho naman daw sila nitong single! Pagod na s’ya sa kakapaliwanag dito na kahit kailan ay hinding hindi mangyayari ang pantasya nito at ng Tatay ni Pio na silang dalawa ang magkatuluyan sa huli dahil sobrang labong mangyari ang bagay na iyon! Bukod sa hindi n’ya type si Pio ay ayaw na ayaw rin n’ya ang pagiging sobrang maharot at sobrang dalas na pagpapalit nito ng babae! Daig pa nito ang nagpapalit lang ng medyas sa sobrang bilis mag palit ng nakakarelasyon! Si Pio ang tipo ng lalaki na kahit kailan ay hindi magseseryoso sa iisang babae lang. Hindi rin lihim sa kanilang magkakaibigan na walang wala sa hinagap nito ang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. He’s so vocal about saying that happily ever after doesn't really exist because of what his Mom did to his Dad. Hindi rin ito naniniwalang kayang baguhin ng pag ibig ang isang tao. He was so firm about his beliefs that two people are bound to be together but not for a lifetime. Hindi rin ito naniniwalang kapag nagpakasal ang dalawang tao ay nagmamahalan na ang mga ito. For him, marriage wasn’t really a lifetime commitment. Dahil kung totoo daw iyon ay hindi sana naghiwalay ang mga magulang nito. Kaya naman allergic ito sa mga salitang commitment, love at marriage. Para dito ay walang totoo sa mga iyon kaya nga nakatatak na sa isip nitong maging binata na lang habangbuhay. At doon sila numero unong magkaiba. She believes in love and happy endings. Naniniwala s’yang hindi magpapakasal ang isang tao ng gano’n gano’n na lang. Masyadong sagrado ang kasal para sa kanya, na once na pinasok n’ya iyon ay wala ng atrasan pa! Gagawin at mamahalin n’ya ang lalaking papakasalan n’ya at pagsisilbihan n’ya ito sa abot ng makakaya n’ya. Napangiti s’ya nang mamutawi sa isipan n’ya ang imahe ng nobyo n’yang si Marco. She was already imagining him beside the altar, waiting for her while walking at the aisle when suddenly, Robie poked her. Napatingin s’ya dito at naabutan itong nakataas ang kilay sa kanya. “Anong balak mo at huminto ka sa gitna ng tirik na tirik na araw?” nakataas ang isang kilay na tanong nito. Napakurap kurap s’ya at napatingin sa paligid. Medyo malayo pa nga sila sa gawi ng kiosk kung saan ang tungo nila. “Don’t tell me balak mo nang i-advance pati ang pagpipinitensya para sa mahal na araw?” buska nito kaya napangiwi s’ya at hinatak na ito para makapagpatuloy sila sa paglalakad. Ngiting ngiti s’ya nang muling maalala na naman si Marco pero agad ding nag init ang ulo nang maalala ang pangyayari sa harapan ng gate nila noong nagdaang gabi. “Alam mo ‘yon, Robie? Nandoon na eh! Huminto na ang oras at nagkaroon na ng mga stars sa paligid. Moment na ‘yun eh! Ando’n na sana! Only me and Marco under the night sky. Perfect na sana! Konting konti na lang maglalapat na ‘yung mga labi namin-” “Kung hindi lang dumating si Pio at binusinahan kayo?” pagpapatuloy ni Robie sa kinukwento n’yang ‘supposed to be first kiss’ nila ni Marco kung hindi lang talaga sa bwisit at pakialamero n’yang kapitbahay na daig pa ang nakulangan ng aruga! “Aba, Quin, hindi lang sampung beses mo nang naikwento ‘yan sa akin. ‘Yung totoo? May balak ka bang magpa-quiz tungkol d’yan sa pagka udlot ng first kiss mo?” buska nito sa kanya habang umuupo na sa tambayan nila. Napairap s’ya at umupo na rin doon. “Ugh! Nakakainis talaga ang walang hiyang Pio na ‘yon!” patuloy pa rin sa pagsisintir na bulalas n’ya. Kung pwede lang sigurong magpalit ng kapitbahay ay matagal na matagal na n’yang ginawa! Hindi s’ya makapaniwalang masyado yata ang galit sa kanya ng tadhana dahil hindi lang n’ya ito naging kababata at kapitbahay kundi naging kasama n’ya pa ito sa trabaho kaya sobrang imposibleng lumipas ang isang araw na hindi n’ya ito nakikita! At kagabi nga ay halos hindi s’ya nakatulog dahil sa sobrang inis n’ya dito. Kaya naman kinaumagahan nang muling bwisitin s’ya nito ay hindi na n’ya napigilang saktan ito. Inis na inis s’ya at pikon na pikon dahil pati ang lovelife n’yang ngayon pa lang nagsisimula ay nabubulilyaso dahil sa ka walang hiyaan nito. “Haynaku, Quin! Pwede bang palipasin n’yo naman ang isang araw na hindi kayo nagbabangayan? Can’t you at least be nice to each other? You’re both grown ups. You shouldn’t act like a kid seeking attention. Grow up, okay?” mahabang litanya nito kaya tuluyan na s’yang napalingon dito at matamang tinitigan ang kaibigan. “Wow naman, Roberta! Bakit kaya hindi na lang Home Economics ang pinili mong major? Mukhang may future ka sa Parenting and Livelihood!” buska n’ya dito. Sunod sunod na umiling naman ito. “No, thanks, Quirina! I love English and I will die teaching it!” nakangiti at kumukurap kurap pang sagot nito. Naiiling na inabot n’ya ang bag para ilabas ang packed lunch n’ya. Napasimangot s’ya nang makita ang isang tupperware doon na sadyang dinala n’ya para ibigay sana kay Marco pero tumanggi ito dahil hindi daw ito sanay na kumain sa school kaya umuuwi pa ito tuwing tanghali para sa bahay kumain ng lunch. Nagtatampo man ay hindi na n’ya ipinahalata iyon. As much as possible ay ayaw n’yang magkaroon sila ng iringan ni Marco. She doesn’t want any complications in their relationship. Kaya hangga’t maaari ay s’ya ang mag aadjust para dito. She was more than grateful to him for reciprocating her feelings after more than a decade of waiting. Ngayong sa wakas ay nobyo na n’ya ito ay gagawin n’ya ang lahat para hindi ito madisappoint sa kanya. She would try to be a perfect girlfriend for him. And she’s very much willing to change for him if he would ask her to. Natigil ang pag de-daydream n’ya nang marinig ang boses ng kaibigan nilang si Fred. “Hi, girls!” masiglang bati nito sa kanila ni Robie. Nag-angat s’ya ng tingin at nakitang papalapit na ito sa kiosk kasama si Pio. Kumunot ang noo n’ya nang mapagtuunan ng pansin si Pio na nakatungo at mabagal na naglalakad habang ang isang kamay ay nakalagay sa bulsa ng uniform nitong itim na slacks at tumatadyak tadyak pa sa mga damo na nadadaanan nito. Muntik ng umabot sa hairline n’ya ang mga kilay n’ya sa sobrang taas lalo na nang tahimik na tahimik ito hanggang sa makaupo na sa harapan nila. Blangko rin ang ekspresyon nito at mukhang tumatagos lang sila sa paningin nito kahit na nasa harapan lang naman sila nito. Gusto n’yang mapahawak sa dibdib at mapasapo sa bibig dahil sa pagiging tahimik nito. No emotions. No annoying words. Walang nakakabwisit na ngisi sa mga labi. Oh my God! Magugunaw na ba ang mundo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD