Chapter 10

1063 Words
Alex POV... Nakarating na kami sa Ferro Academy... nakakamangha ang laki at ang mga students ang yayaman. Bumaba na kami sa bus at 10 lang kaming nakapasa sa exam dito. Di ko masyadong makita ang mga taong nagwelcome saamin nasa likod ako eh. "Welcome, newbees ako nga pala si Dyown Gee Ferro ako ang pinsan ng may ari nitong Ferro Academy and ako ang dean dito kaya enjoy lang kayo sa pagstay dito." Sabi nung babae. Maganda siya mukhang bata pa. "Nice meeting you din po." Sabi nila at ako nakatingin lang sa mga buildings dito. Marami pa silang pinag usapan di naman ako nakikinig. "Follow me." Sabi nung dean at naglakad na kami nilibot lang naman kami ng dean at ang masasabi ko ang layo ng lalakarin. Natapos din ang paglibot namin doon at may nakita akong isang lalaking nakahiga sa sanga at mukhang natutulog may libro pa nga sa mukha niya. Di ko nalang pinansin at naglakad na din. May mga dorms kami dito mabuti naman may ganito dito wala akong matirhan dito. Nakahiga ako sa higaan ko dito at nagisip isip baka sugurin ako o di kaya magtransfer dito si Young Master. Ang laki ng problema ko itulog ko nalang ito... Kinabukasan... Nakauniform nako at lumabas ng room ko. Naglakad ako palabas ng dorm house at may mga students na papuntang school. "Ang cute nung boy na nakita namin kahapon nung nakahiga sa may puno." Sabi nung babae. "Oo nga narinig ko siya yung isa sa mga prinsipe dito kinatatakutan siya at you know siya ang anak ng sikat na artista na si Christian." Sabi nung isang babae. Christian.... Oh? Di ko pa yun nakikita. Di kasi ako mahilig tumingin sa tv. Dumiretso nako papuntang school ng may narunig akong bangayan ng mga estudyante este nag riot na pala. "Go! Go! Kaya mo yan! Prince Flare!" Sigaw nung mga babae at pagtingin ko nakita ko yung lalaking sinusuntok ang isang nerd boy. Kawawa naman siya. Sa ayaw ko ng bully. May kinuha akong bato at pinitik ko ito kaya ayun sapol sa noo niya. "s**t! Who did that?!" Sigaw nung lalaki. Lumakad nako at nakita kong nahihirapan na si Nerd. Kaya itinayo ko siya at nagulat naman siyang tumingin saakin. "W-what are you doing?" Sabi nung nerd. "I'm just helping you." Sabi ko sa kanya. Mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko. "Let's go." Sabi ko lalakad sana kami ng may nagsalita. "What are you doing?!" Sabi nung lalaking sumuntok sa nerd kanina. Humarap ako sa kanya at nakita kong galit na galit siya. Malamig ko siyang tiningnan. "Ikaw ba ang tumapon saakin ng bato?" Inis niyang sabi. Mukhang toh.... mukhang nakita ko na siya. "Yes." Sabi ko at mukhang nainis ko pa siya ha. "Why did you do that... do you think who i am?" Lumapit na siya saakin. Pinaupo ko si Nerd sa sahig at umayos ako ng tayo at malapit padin ang mukha namin. "Magsalita ka....." di na natuloy ang sasabihin niya ng sinuntok ko siya sa mukha at napaupo naman siya sa sahig. "What the hell! you woman!" Sigaw niya at pinatayo ko si Nerd at tumalikod sa kanya. Dinala ko si Nerd sa Clinic. "Sana di ka na nangialam doon... nadamay ka pa tuloy." Sabi niya. Kawawang nerd napadiskitahan siya ng mga bully dito. "Bakit ka ba niya binugbug? May ginawa ka ba?" Sabi ko sa kanya. Napailing siya at humarap saakin. "Nakasanayan na nilang bugbugin ako araw araw." Sabi niya. Di toh pwede noh. "Sa susunod lumaban ka. Ano palang pangalan mo?." Sabi ko. "Paul." Sabi niya. "Ako naman si Alex. Basta yung sinabi ko sayo lumaban ka." napailing siya at mukhang wala nang pag asa ang buhay niya. "Hindi sila isang ordinaryong estudyante.... isa silang Mafia." Sabi niya. Eh? For the first time ha nakabangga ako ng mafia at ikinuwento niya kung sino ang lalaking yun at siya si Flare. Napaisip ako mafia pala siya? Noon kasi marami akong nakakabangga like assasins, ninja, gangster at marami pang iba para maprotektahan lang si Young Master diba ako ng maid niya at sila young master ang ika top 5 na mayaman sa boung mundo kaya alam ko na noon pa lang nakabaon na ang paa ko sa lupa at ngayon sa bewang na kasi you know hinahanap na din ako nila. Hay masaklap talaga buhay ko. "I don't care, ang saakin lang ayoko ng may umaapi." Sabi ko at tumalikod na. "Iiwan na kita if you need me call me." Sabi ko sabay tapon sa kanya ng card ko. Lumabas nako at naglakad papunta kung saan ang building ako naka assign. Di ko inaasahang kasabay ko yung lalaking nasa puno kahapon na natutulog nalaman ko yun dahil hawak niya ang librong nakatakip sa mukha niya at ang buhok niya ma mocha ang kulay. Siya talaga ito. Tahimik kaming naglalakad. Nakakaatract ang itsura niya kung iisipin ba naman para siyang si Gabriel na nasa lupa. "Stop looking at me." Malamig na sabi niya. Walang hiya toh ha. As if naman na tiningnan ko siya ng matagal. "Stupid, aanhin ang mata kung di gagamitin. At for your info di kita tinitingnan." Sabi ko sabay alis doon. Tsk di pala siya si Gabriel siya na yung demonyo na Gabriel. Tsk. Nakarating na ko sa room na naka aasign saakin. Mabuti at walang mga asungot sa gilid. Umupo ako sa pinakalikod. "Good Morning Class, ako nga pala si Angelie your new teacher blablabla..." hanggang sa matapos na ang klase. Lunch Time... Nakatingin ako sa isang grupong mukhang kinatatakutan sila at once dumadaan sila nagsisitabihan ang iba. Nakita ko doon yung lalaking sinuntok ko kanina at may band aid na siya sa may labi niya. Serve him right. "You nerd!" Napatingin ako sa tinuro niya. Oh si Paul yung tinuro niya. Ang mukha ni Paul mukhang mahihimatay or whatever. Lumapit yung bully at hinarap siya. "Pagbabayaran mo este yung kasama mo kanina ang ginawa niya sa mukha ko!" Sigaw niya at susuntukin sana niya at tumayo nako at hinawakan ang kamao niya. "Ako ang harapin mo not him." Sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya kasi di niya akalaain na mas malakas pa ko sa kanya. Poor him. "Sino ka ba talaga?" Biglang sabi niya. "Ako lang naman ang worst nightmare mo kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbubully dito." Malamig na sabi ko. Nagulat naman siya. "What?!" ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD