Chapter 14

1128 Words
Alex POV... Naglilinis ako dito sa may sala nang makita ko na nakaline ang mga butler at mukhang magja jogging sila. Maaga kasi akong nagising kaya naglinis nalang ako. Nagform sila at mukhang araw araw na nila itong ginagawa. Gusto kong sumali sa kanila. Kaya lumapit ako sa namumuno sa mga butler. "Uhmm, pwede ho bang sumali sa inyo?" Sabi ko. Napatingin naman siya at ngumiti at tumango. "Salamat po!" Sabi ko at agad nagbihis ng athlete attire. Nasa pinakalikod nila ako at nagjogging na kami palibot sa mansion ang laki talaga ng mansion. Hindi ako hinihingal dahil sa mataas ang hangin ko. "Okey push up position." At nagpush up position ma kami at mga 200 push up yun ha. Lahat ng exercise ginawa na namin. Hanggang matapos na. "Mukhang matagal mo nang ginagawa ang mga yun iha." Sabi ni Head Butler. Napangiti ako at tumango. "Ayoko po kasing tumaba hehehe." Sabi ko nalang kaysa sabihin ko na kasali akong lumalaban sa mga hindi ordinaryong tao. "Okey, magbihis na tayo." Sabi ni Head Butler. Tumango kaming lahat at pumasok na sa mansion. Nagbihis nako at dumiretso sa living area at naglinis na dun at nakita ko si B*tchy Witch na bumaba sa hagdan mukhang bagong gising. Tinawag ko siyang Witch dahil sabog ang buhok niya. Tsk. "Magandang umaga, Young witc... lady." Sabi ko. Mukhang napataas ang isang kilay niya. "What? English please." Sabi niya. "Good Morning, Young Lady." Sabi ko. Lumapit siya saakin. "Tsk. Gawan mo ko ng Gatas." Sabi niya at umalis na. Eh? Umiinom pala ng gatas ang mga Witch? Gumawa nako ng gatas at dinala sa kanya. "Here's your milk, Young Lady." Sabi niya. Binigay ko naman. At umatras. "Mamaya pumunta ka sa kwarto ko at gawin ang mga assignment ko." Sabi niya. "Di ba po kayo po dapat ang gumawa sa mga takdang aralin mo hindi ang katulong niyo?" Sabi ko sa kanya. Napatayo siya at humarap saakin. "Ako ba ay dinidesiplina mo?" Galit na sabi niya. "Oo." Sabi ko. Mukhang natamaan ko ang pagkainis niya at sasampalin sana niya ako ng ..... "Wenzel!" Napahinto siya sa gagawin niya. Dumating kasi ang isang babae mukhang nasa mga 50+ na ang edad niya. "Grandma." Sabi niya at napayuko. "Di mo dapat ginaganyan ang mga katulong. Tama siya ikaw dapat ang gumawa ng mga assignment mo at hindi siya." Sabi nung babae. "Tsk. Pakialam nitong matandang toh." Mahinang sabi niya at lumakad na. "Pasensyahan mo siya ha.... napaka spoiled ng batang yun." Sabi niya. Ngumiti ako at tumango. "Okey lang po. Pasensya na po kung sinabi ko sa kanya yun. Ayoko po kasing mga tamad na tao." Sabi ko napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo... gusto ko ang katangiang nasa sayo dahil straight to the point ka." Sabi niya. "Ah di pa pala ako nagpakilala sayo. Ako nga pala ang ina ni Lorien. Ako si Lorrien call me Grandma." Sabi niya. "Kinagagala ko po kayong makilala... Grandma." Sabi ko sabay bow. "Ikaw talaga napakagalang mo. Kung buhay sana ang apo ko sigurado ako magkasing ganda kayo." Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. "Si Wayne ho ba ang mean ninyo?" Sabi ko. Tumango siya at ngumiti. "Alam mo nung buhay pa siya napaka jolly niya gaya ng mama niya. Parating naka ngiti yung batang walang problema sa buhay. Nung nahospital ang ama ni Cloud pinagaan niya ang loob ni Cloud at sabi niya na patawarin ang ama ni nito at magbagong buhay wag magpakain ng galit. Ganun ka swerte namin nung batang yun." Sabi niya. Habang kinukwento niya yun may mga imahinasyon na lumalabas sa isipan ko at mukhang nangyari na yun. "Pero alam namin sa puso namin na buhay pa si Wayne." Sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Me too di ko alam pero feel ko buhay siya. "Magandang umaga ma. Oh Alex magandang umaga din." Sabi ni Mrs. Ferro. "Good morning anak. Alam mo tama ang pinili mong katulong. I know maaasahan natin siya." "Tama ka ma. Malaking tulong siya saatin. Iha nakakain ka na ba." Tanong niya. "Hindi pa po. Mamaya na po ako makikisabay lang po ako sa mga katulong." Sabi ko. Nagbow ako at umalis na. Nakarating ako sa garden at nambisbis ng halaman. "Ang gaganda ng mga bulaklak!" Napatingin ako sa isang bulaklak na agaw atention sa mga mata ko. "Ang ganda naman ng mga pink na rosas." Inamoy ko ito ang bango. "Alam mo yan ang paborito ni Wayne." Napahinto ako sa pag amoy ng may nagsalita sa likod. Pagtingin ko isang magandang babae. Napatayo ako at umayos ng tayo. "P-pasensya na po kung inamoy ko yan.... eh?" Nabigla ako nang hawakan niya gamit ang dalawang palad niya ang mukha ko. "Wayne?!" Eh?! Hindi ako si Wayne. "Alex po name ko hindi si Miss Wayne." Sabi ko nalungkot naman siya at napabitaw sa mukha ko. "Pasensya na, may pagkahawig kayo ni Wayne eh." Sabi niya. Talaga? May pagkahawig kami? "Siguro sa pagkaulila ninyo sa kanila." Sabi ko. "Maybe. Alam mo everytime pumupunta ako dito para bisitahin ang tanim ni Wayne. I miss her napalapit na siya saakin eh." Sabi niya. Marami talagang nagmamahal kay Wayne. "Naintindihan ko." Sabi ko sabay dilig sa halaman ni Miss Wayne. Alam mo miss wayne napakaswerte mo lahat ng tao dito miss ka na nila. "Uhmmm Alex right?" Sabi niya. Tumango ako. "Ah, i forgot ako nga pala si Lerian kapatid ko sina ate Lorien at kuya Lerion. Nice to meet you Alex." Sabi niya. Napangiti ako at nagsalita. "Nice to meet you din po, Miss Leria..." "Mrs nako noh. Ang asawa ko pala nasa ibang lugar and he's Dave." Sabi niya. Ah... "Pasensya na po." Sabi ko. Napangiti siya at umiling. "Ikaw talaga. Di mo naman alam eh." Sabi niya napangiti nalang kami. ***** Kitchen... "Kasundo mo na ang mga kasapi sa Ferro family. Alam mo ba na mahirap kunin ang tiwala nila. Kaya wag kang gagawa ng ikinawala ng tiwala nila sayo." Napatingin ako sa gilid at si Chris pala yun. Ang cold niya talaga. "Wala naman akong gagawing masama sa kanila. Nagpapasalamat nga ako dahil tinulungan nila ako sa mga pangangailangan ko." Sabi ko sa kanya. "We don't know? Baka bumaligtad nalang ang mundo." Sabi niya at lumakad siya palapit saakin at napakalapit ng mukha niya. "Tell me who exactly are you?" Malamig na sabi niya. Eye to eye contact kami at di ako kumurap ha. "Ako lang naman si Alexandra Saphire Gomez. Gets na?" Sabi ko at tinulak siya. Tiningnan niya ako ng masama. "Siguraduhin mo lang, tsk." Sabi niya at umalis na siya. Napabuntong hininga nalang ako. Sino kadin Christian sa buhay ko bakit ang bilis ng t***k ng puso ko pag nandyan ka? Bakit parang kilalang kilala na kita? Sino ka ba talaga? ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD