Chapter 19

1002 Words
Alex POV... Nandito ako sa labas ng kwarto nila Mr. Ferro. "Pumasok ka na." Sabi ni Mr. Ferro napatango ako at pumasok. Nakita ko na humihikbi si Mrs. Ferro. Feeling ko masakit saakin na makita siyang umiiyak... 'Mom!' 'I love you so much, Mom.' Napahawak ako sa noo ko may mga memories na nag fla flashback sa ulo ko. At di ko sila masyadong makita. Basta bata ang isa at ang isa ay mama niya... Nakaramdam ako ng mainit na butil ng luha sa mga mata ko at bigla ko nalang niyakap si Mrs. Ferro. "Tumahan na po kayo. Nadadamay po ako sa iyak niyo eh." Pagpapatahan ko sa kanya. Nafeel ko na napahinto siya sa paghikbi at niyakap din ako. "Wayne...." sabi niya. Namimiss na niya ang anak niya. Di nako nagsalita hinayaan ko nalang siya. Humiwalay siya ng yakap saakin. "Alex, wag ka nang lalayas ha." Sabi niya. Napatango nalang ako at ngumiti. "Mom...." napahinto ako ....bakit ko yun sinabi? "Alex... did you call me Mom?" Parang di makapaniwala niyang sabi. Napalunok ako nako naman oh! "Uhmmm ano po.. bigla ko nalang po nalabas sa baba ko ang katagang yun." Panik kong sabi. "Ikaw talaga. Simula ngayon parte ka nang pamilya namin. Inaampon na kita hindi ka na katulong okey." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Po?!" ****** 3 weeks later... Nandito ako sa mall este kami ni Tita Lorien... kahit nakakailang tinawag ko na siyang Tita. Sabi niya eh. "Ito, bagay tong dress na toh." Sabi ni Tita at isinukat ko na. "Ang ganda mo talaga! Mana saakin." Nakangiting sabi ni Tita. Napangiti nalang ako at lumakad na kami palabas ng mall ng makaramdam ako na may nakamasid saamin. Hinanda ko sarili ko at di ko yun pinahalata kay Tita. Naglakad na kami ng makita ko na ang sniper at bumaril na siya at... *Bang* Niyakap ko si Tita at tinamaan ako sa dibdib banda. Inilabas ko ang b***l ko at binaril yung lalaki at patay na siya. Kasabay nun sa pagbagsak ko ay ang pagkatama ng ulo ko sa sahig. At dun nako nawalan ng malay. 3rd Person's POV... Nagpapanik si Lorien sa nakita niya. Iniligtas ni Alex ang buhay niya. *Bang bang bang* Wala na siyang maintindihan kinuha niya ang b***l ni Alex at pinagbabaril ang mga kasamahan ng sniper. At dumating din doon ang mga kasamahan ni Cloud. "M-maam Lorien..." tawag nila. Napahinto naman siya sa pagbaril at agad niyakap si Alex. "Let's go to the Hospital!" Iyak niyang sabi. Hospital... Lorien POV... Dumating sina Cloud, Lerian, Chris, Flare at Wenzel. "Ate, alam ko na kakayanin yun ni Alex." Sabi ni Lerian. Umiiyak pa din ako di ko alam napamahal na saamin ang batang yun... "Mahal, tama si Rian kakayanin ni Alex yun. Malaki ang utang na loob natin sa kanya dahil sa niligtas ka niya." Sabi ni Cloud. "Ayokong mawala siya. Please do everything to her!" Iyak kong sabi. Tahimik lang sina Chris sa gilid at si Wenzel parang wala lang sa kanya ang nangyari kay Alex. Tumayo ako at kinuha ang cellphone niya nakita ko ang inilagay niya sa sss. 'Mabuti nga sa kanya. Sana matuloyan na yang babaeng yan. Sampid lang siya sa pamilyang ito. Tsk... #RIP Alex #Happy! Tulala ako habang nakatingin sa cellphone niya at bigla ko nalang itong tinapon. At napatayo siya. "My Phone! Mom, why did you do that!" sigaw ni Wenzel isang malakas na sampal ang nakuha. Napahawak naman sa mukha si Wenzel. "How dare you to do that too! Alam mo pinalaki kita ng tama... at ngayon kahit si Alex ang nag iisang taong lumigtas ng buhay ko sinasabihan mong mamatay o matuluyan na! Di ka man lang naawa sa kanya?!" Galit na sabi ko. "Mommy...." Tumalikod ako sa kanya at umupo agad. Tumakbo siya at hinabol ito ni Flare.. Napahawak ako sa ulo at bigla nalang lumabas ang doctor. "Mr and Mrs Ferro.... ang pasyente ay okey na sa pagkuha ng bala sa dibdib niya at himala di ito nagpatama ang bala sa puso niya at kinakailangan niya ng dugo naubusan kasi siya ng dugo." Sabi ng doctor. "Anong type ng dugo niya?!" Panik na sabi ko. "Type A." Sabi ng doctor. "Type A ako." Napatingin ako kay Cloud. "Okey sir. Sumunod ho kayo saakin ngayon." Sabi ng doctor napatango nalang si Cloud. "Doc, paano pag gising niya..." ako "Tungkol sa paggising niya....di natin alam kung may makakalimutan siya o may mga memory na nagpermanent dahil sa pagkabagok niya sa sahig. May nakita din kaming peklat sa ulo niya yung parang nangyari na ito noon sa kanya at nagkaamnesia siya." Sabi ng doctor... "Nagka amnesia siya noon?" Di makapaniwalang sabi ko. Napatango ang doctor. "Sige po una na po ako. Mr Ferro sumunod po kayo saakin." Sabi ng doctor. At lumakad na... "Mahal, dito ka lang muna ha." Sabi ni Cloud. Napatango ako at hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako. "Maliligtas si Alex." Sabi niya. Napatango ako at sumunod na siya sa doctor. Inalayan naman ako ni Chris. "Tita, ito po tubig." Sabi ni Chris at binigyan niya ako ng tubig. "Thank you." Sabi ko. Sana panginoon maligtas si Alex. Please.... *Phone Ring* "Hello?" Napatingin kami kay Lerian na sinagot ang tawag sa phone niya. "What?! Who the hell are you!" Galit na sabi niya. Nakatingim lang kami sa kanya anong nangyayari? "Okey.." binaba na niya. Galit siya ngayon di ko alam kung bakit. "Anong nangyari?" Sabi ko. "Tumawag yung leader ng grupong tumangkang patayin ka at ngayon hawak nila si Wenzel." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "Di ko sila mapapatawad. Maghanda ng sasakyan bukas aatakehin natin sila." Sabi ko. "But..." Lerian "Tita, sama ho ako also my members pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Alex." Sabi ni Chris. Tumango naman ako malaking tulong sila. "Ipapaalam natin kay Cloud pagkalabas niya." Sabi ko. Tumango naman sila. Humanda kayo kung sino man kayo binangga niyo ang Top1 na mafia sa boung mundo. Sisiguruhin kong mauuna kayo sa impyerno. Mark my words... ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD