Sa pagdaan ng mga araw ay hindi niya sukat akalain na magiging maligaya siya sa piling ng asawa. Ganado siyang bumangon bawat umaga upang ipaghanda ang kanyang asawa. Maaga rin umuuwi si Zaynard at palagi itong may dalang bulaklak sa kanya. Pakiramdam nga niya ay nililigawan siya nito gusto niyang itanong ‘yon kay Zaynard pero nahihiya siya. Kapag weekends namay pinapasyal siya ni Zaynard at sa gabi ay nanood sila ng movie. Depende sa genre kaya kung minsan may naghahalikan ay hinahalikan rin siya ni Zaynard at kung saan na humahantong. Sana nga ay mabuntis na siya para mas lalong sasaya ang pagsasama nilang dalawa. Nakakapagod din naman maglinis sa buong mansyon pero kinakaya niya. Kumuha ng kasambahay si Zaynard pero nang tawagan siya ng agency na hindi Pinay ang makukuha nila ay inaya