Walang pagsidlan ang kasiyahan ko nang masilayan ko ang kauna-unahan ang aking anak. Napakaganda niya, ang puti ng kanyang balat at ang tangos ng ilong. Napapaluha ako sa sobra kong saya. Ganito pala ang pakiramdam ng isang ina parang paglagyan ang kasiyahan ko. Lahat ng pasakit na dinanas ko ay tila bolang biglang naglaho. “Wife, can I hold our baby?” Napaangat ako ng tingin at si Zaynard na nakaupo pala sa tabi ko. Parang gusto kong ipagdamot sa kanya ang anak ko pero naiisip ko hindi rin ako magkakaroon ng ganitong kagandang anak kung hindi rin dahil sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang ipahawak sa kanya. Maingat ang mga kamay ni Zaynard kaya hindi nagising ang anak ko. “Hello, precious little one.” Napangiti ako nang piyok ang boses ni Zaynard. Maging siya ay napapaluha sa a