“First meeting is not an accident; it can be the start of something new that will be the cure of the broken hearts.” MS. R.A
Chapter 01
Sa Underground Society North bound ay nagpatawag ng meeting si Taz sa kanyang mga Underbosses kasama ang Phantom Dx Gang. Nasa malawak silang opisina ni Taz at nakaupo sa malawak na pabilog na lamesa kung saan may sarili silang mga pwesto. Kumpleto silang lahat maliban kay Demon na hindi na nila makakasama sa mga ganitong ganap nila dahil isa na itong cartier ng bagong Uno which is ang asawa nito na si Ayane. Buong puso na ipinamigay nina Taz si Demon kay Ayane kahit na nagkaroon ng dramahan sa kanila. Hindi na nila makakasama sa mga lakad nila si Demon dahil magpo-focus ito bago nitong tungkulin bilang bagong cartier ni Uno. Though lagi itong bumibisita sa North Bound pag hindi ito abala at kahit na wala na ito sa North bound ay pagdating sa lakad bilang magka-kaibigan ay hindi ito nawawala dahil ito ang ipinangako nito sa kanila.
Inaantay nalang nilang na magsimula si Taz ng pa meeting nito, nasa loob pa kasi ito ng opisina nya at katawagan si Gail. Habang hinihintay ang lider nila na lumabas ay kanya-kanya silang kwentuhan.
Nakikipagtawanan sina Travis, Sergio at Blue kina Devin at Audimus, may sariling mga mundo naman sina Exxon, Mount, Yori at Devil sa mga upuan nila, tahimik at walang pakielam sa ingay sa paligid nila. Magkakausap naman sina Tad, ToV, Lu, Shawn, Balance, Ford at Leroi tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa loob at labas ng Underground. May sariling topic din sina LAY, Ribal at Paxton dahil sila ang magkakatabi ng upuan.
Tahimik lang si Devil sa kinauupuan nya habang nakatitig lang sa cellphone nya na hindi naman nya ginagalaw. Nakatuon lang ang mga mata nya sa screen ng cp nya at pag namatay ang ilaw nito ay bubuhayin nya at tititigan nya ulit. Ito ang ginagawa ni Devil para maabala ang isip nya at hindi pumasok sa isip nya si Gail. Ilang taon narin ang lumipas pero hindi magawang bitawan ni Devil ang nararamdaman nya kay Gail. Tinatanong nya ang sarili nya minsan kung bakit nahihirapan sya kalimutan ang nararamdaman nya pero hindi nya rin maiwasan na tanungin ang sarili kung ‘yun ba talaga ang ginagawa nya.
Sa tuwing nagkakaroon sya ng pagkakataon na makita si Gail ay nawawala ang plano nyang kalimutan ito na sa bandang huli ay sinesermunan nya ang sarili dahil sa ginagawa nya. Alam nyang masaya na si Gail sa piling ni Taz at nakikita nya ang mas lumalalim na pagmamahalan ng dalawa na hindi nya maiwasang masaktan pero tinatago nya nalang. Gusto nyang mawala na ang nararamdaman nya kay Gail hindi lang para sa sarili nya upang hindi na sya masaktan, gusto nya ng mabitawan ang matagal nya ng nararamdaman kay Gail para narin kay Taz nirerespeto nya hindi lang bilang lider nila kundi bilang kaibigan nila.
“Biruin nyo nuh, nakakamiss din pala ang kaingayan at kawirduhan ni Demon. Ilang linggo palang sya na hindi natin kasama ay nakakapanibago na.” Pahayag ni Travis na sumandal sa kinauupuan nito na bahagyang ikinalingon ni Devil sa mga ito.
“Kailangan na nating sanayin ang mga sarili natin na hindi na natin makakasama si Mondragon II sa mga lakad natin. Dumadalaw naman sya dito sa bound pag hindi sya busy.” Pahayag na sambit naman ni Balance na ikinalingon nito kay Devil
“Nakakadalaw pa ba sa bahay nyo ang kambal mo at si Ayane?” tanong ni Balance kay Devil na ikinabalik nito ng tingin sa cellphone nya.
“Sometimes.” Maikling sagot ni Devil na ikinatayo ni Blue sa kinauupuan nya at tumabi ng upo kay Devil na poker face nyang nilingon.
“Hindi mo ba namimiss ang kambal mo baby Devil?” tanong na usisa ni Blue na sinamaan ng tingin ni Devil dahil sa pagtawag nito sa kanya.
“Should I throw you in a pit you gayish motherf*cker! Call me f*cking baby again and I’ll punch you Ynarez.” Masungit na banta ni Devil na ikinanguso ni Blue at ikinatawa ng karamihan sa kanila.
“Oi Ynarez, sabihin mo lang na bakla ka pwede naman kitang i-entertain.” Asar na pahayag ni Audimus na pinakitaan ng middle finger ni Blue bago umalis sa tabi ni Devil at bumalik sa tabi nina Sergio na inaasar sya.
Naiiling naman na tumayo si LAY sa kinauupuan nya at iniwan sina Ribal at Paxton na nag-uusap at sya naman ang umupo sa tabi ni Devil na hindi sya tinapunan ng tingin.
“Are you good Vil?” tanong na sambit ni LAY na ikinatigil ni Devil sa ginagawa nya sa cellphone nya.
“I know that it’s your nature to keep quite at this time like Yo, but your quietness now is different. Something that bothering you?” kalmadong tanong ni LAY kay Devil
“There is but not that important to tell off.” Seryosong sagot ni Devil na ikinangiti ni LAY
Kilala ni LAY lahat ng mga kaibiga nya sa tagal na nilang magkakasama, tinuruan din sya ng kanyang ama kung paano bumasa ng emosyon kaya alam nya kung totoo o hindi ang sinasabi ng mga ito na hindi nya nalang kinokompronta to give them respect for their privacy.
“Is that so, so iba nalang ang itatanong ko. How’s tita Sylvia and Tito Henry?” pag-iibang tanong ni LAY.
“Mom is still adjusting with Lucifer and he give mom time to feel comfort when his around.” Sagot ni Devil na ikinatango ni LAY
“How about your relationship with your mom?”
“I’m still adjusting too but having mom around was good.” Sagot ni Devil na ikinatapik ni LAY sa balikat ntya
“That’s natural, matagal nyo ding inakala na wala na ang mom nyo and now that she’s alive there will be a mother who will now take care of her children. But mukhang ikaw nalang ang aalagaan nya since Irish and Demon are already have their own family, how about you?” tanong na pahayag ni LAY na ikinalingon ni Devil sa kanya
“Not planning to have one, that f*cking love was a sh*t for me.” Seryosong sambit ni Devil na bahagya lang na ikinangiti ni LAY ng sabay-sabay silang mapatingin kay Taz na kalalabas lang sa pintong pinanggalingan nya at deretsong umupo sa upuan nya.
“So what’s the meeting all about Emp?” salubong na tanong ni Paxton sa lider nila na ibinigay nila ang buong atensyon dito habang sinasabi ang dahilan ng pagtawag nya ng meeting sa Underground.
Napag usapan nila na kailangan nilang hanapin ang isang tao na dating member ng North bound na parang bulang nawala na may hawak itong dokumento na kailangan ni Taz. Wala pa silang clue kung saan mahahanap ang taong ‘yun pero mapapabilis nila ang paghahanap dito kung makikita nila ang dating Emp ng North bound na si Ahmon dahil ang lalaking hinahanap nila ay may kaugnayan pa rin dito nan g magpasyang umalis si Ahmon sa North bound ay ang biglang pagkawala ng kailangan ni Ta na lalaking kailangan nilang makita upang makuha ang ilang dokumento na para sa North bound. Kaya lang kahit ang dating Emperor ay mahirap hagilapin, kahit ang mga underbosses ay walang clue kung nasaan ang dati nilang lider.
Kanya-kanyang kilos ang ginawa nila upang matunton ang pakay nila, ang underbosses ay nakatokang humanap ng impormasyon kung nasaan ang dating Emperor na si Ahmon at ang Phantoms ay nakatoka naman na hanapin ang lalaking nag-ngangalang Dior Montalvez na may hawak ng kailangan ni Taz.
Matapos ang meeting nila ay nagkasundo sila na mag-inuman kina Taz bago maging abala sa bagong misyon nila. Hindi na sila nakakapag chill simula ng makabalik uli ang Underground at ng tumulong sila sa laban ni Ayane sa mga Coresseti na nasugpo din nilang lahat.
Nakatanggap man silang lahat ng mura kay Taz ay pinayagan parin nito ang gusto ng mga kaibigan nya na ikinatuwa nila lalo na nina Travis na kinontak agad ang mga asawa nila upang magpaalam. Hindi naki-join sina Ribal dahil magsisimula na silang humanap ng trace kung saan makikita ang dati nilang emperor na hinayaan ni Taz.
Nang makarating sila sa bahay ni Taz ay sinalubong sila ng malawak na ngiti ni Gail na ikina-iwas ng tingin ni Devil na napansin naman ni LAY, dumeresto na agad sila sa malaking garden nina Taz habang sina Travis at Sergio ang kumukuha ng iinumin nila at tumaas muna sa kwarto nila si Taz kasama si Gail upang silipin ang dalawa nilang anak.
Nagsisimula ng mag ingay sina Blue na sinasaway lang ni Lu dahilan para mas lalo itong mag-ingay na sinabayan na rin ni Paxton. Tahimik lang sa upuan nila si Yo na sinasabayan ni Devil habang ang isipan ay nasa magandang ngiti ni Gail na ibinigay nito sa kanila na may apekto sa kanya.
“Inuman time na!!!” excited na pahayag ni Travis habang buhat buhat ang isang case ng alak katulong si Sergio na kagat-kagat na plastic na may laman na pulutan nila at inilapag ito sa lamesa na agad inilabas nina Blue ang laman ng plastic na ikinatanga nila.
“Ano to Fritz? Sugo at boy bawang? Bakit puro tigpi-piso to? Langya wala man lang piatos o nova ah.” Simulang angal ni Blue kay Sergio na pumwesto na ng upo
“Bakit umaangal ka Ynarez? May ambag ka? Wala naman kayong binigay sa amin ni Amadeus na ambag sa iinumin at pupulutanin nyo ah. Be greatful Ynarez kahit sugo at boy bawang may dadamputin ka.” Sambit ni Sergio kay Blue
“Kumakalat na din ba ang virus mo dito Torres?” pahayag ni Lu na ikinatawa ni Shawn
“Huwag mo kong sisihin Lieutenant, lahat tayo dito ay may dugong kakuriputan na dumadaloy sa mga ugat natin.”
“Mas okay nang may ngunguyain tayo kaysa wala, pasalamat tayo kay Fritz at utang na loob pa yata natin na bumili sya ng sugo at boy bawang.” Sambit naman ni Paxton na ikinalingon ni Sergio sa kanya.
“Bakit parang kasalanan ko pa Ignacio?”drama ni Sergio na nakatanggap ng batok kay Tad na nakasimangot na nilingon ito.
“Tangna! Nanlibre ako ng pulutan Han bakit may batok kang tangna ka?!” angil ni Sergio na ikinaupo ni Tad sa tabi nya
“Wala lang, parang free ko lang mambatok eh ikaw ang malapit sa akin.”
“Bakit hindi si Lu ang binatukan mo eh mas malapit sya sayo?!” angal pa ni Sergio na nginisian ni Tad
“Ayokong makasuhan ng physical injury.” Sagot ni Tad na naiinis na sinakal si Tad sa leeg nito na natatawang inaalis ang pagkakasakal ni Sergio sa kanya na ikinatapik naman ni Ford sa kanilang dalawa.
“Tama ng asaran, baka maabutan pa kayo ni Taz na ganyan parehas pa kayong makatanggap ng physical injury.”
Binitawan ni Sergio si Tad na natatawa lang ng mapalingon ssilang lahat kay Gail na may dalang dalawng bowl nan g makalapit ay inilapag nito ang dala sa lamesa na ikinatuwa nina Travis.
“Wow Gail! Isa kang hulog ng langit na sasalba sa amin sa sugo at boy bawang. Salamat Mrs Westaria sa libreng masarap na pulutan.” Ngiting pahayag ni Travis na ikinangiti ni Gail sa kanila.
“Bihira na kasi kayong mag-inom sa bahay kaya masaya ako na narito kayo, though kulang nga lang kayo ng isa pero mukhang hindi parin nabawasan ang kakulitan nyo.” Sambit ni Gail kay Travis
“Nagbibihis lang si Taz pero pababa narin ‘yun kasama si Knight, mag enjoy lang kayo dito dahil mukhang magiging abala na naman kayo sa U.S.” pahayag pa ni Gail sa kanila na hindi na napigilan ni Devil na pakatitigan ito.
“Mukhang wala talagang inililihim si Boss Taz sa kumander nya ah, pinapaalam lahat ng gagawin mapa-Underground ah.” Ngising pahayag ni Blue na bahagyang ikinatawa ni Gail
“Nasanay lang si Taz na sinasabi sa akin lahat para hindi ako mag-alala sa kanya, alam nyo naman na hindi ako mapapalagay pag hindi ko alam ang ginagawa ni Taz o nasaan sya.” Sagot ni Gail na ikinapalakpak ni Sergio
“Iba talaga ang wagas na nagmamahalan, kaya hindi kayang maghanap ni Boss Taz ng iba kasi ikaw lang Gail sap—SH*T, SINO SUMIPA SA BINTI KO?” putol na bulyaw ni Sergio na bahagyang ikinagulat ni Gail
“Mag rent aka ng imbistigador pahanap mo Fritz, tapos pasakan mo nalang ng yakult yang bibig mo dahil nakakasakit kang hudyo ka.” Sitang puna ni Paxton na naguguluhang ikinakunot ng noo ni Sergio habang hinihimas ang binti.
“Bakit ano bang nakakasakit ang sinabi ko? Gago ka Ignacio ikaw ba sumipa sa akin?” masamang tinging singhal ni Sergio na ikinangisi ni Paxton.
“Wala kang ibedensya Yakult boy.”
Napatingin nalang silang lahat kay Devil ng tumayo ito sa kinauupuan nya at seryoso lang na nakatingin sa kanila.
“I’m going home.” Paalam nito na umalis sa pwesto na bahagyang napahinto ng makaharap si Gail na naguguluhan.
“Aalis ka na Dex? Pero hindi pa kayo nagsisimula ah?” takang tanong ni Gail na ilang segundong tinitigan si Gail bago iniwas ang tingin dito at bahagyang matigilan ng makita si Taz na nakatayo di kalayuan sa kanila habang hawak nito si Knight na may katulad na tingin ng kanyang ama.
“I’m not in the mood to drink right now.” Plain na sagot ni Devil bago naglakad palayo kay Gail at sa mga kaibigan nya na natahimik.
Tumigil naman si Devil sa tapat ni Taz na mataman na nakatitig sa kanya na ikinayuko ni Devil dito.
“I’m sorry Boss Taz.” Sambit nya lang na buntong hiningang ikinatapik ni Taz sa kanya.
“I understand Mondragon, I know its f*cking hard for you and I’ll still give you time to move on just make it faster not because I don’t want you to have that feelings for my wife but I don’t want to see anyone of you in this kind of situation.” Seryosong pahayag ni Taz na lihim na ikinakuyom ng kamao ni Devil dahil sa pinapakita ni Taz sa kanya.
“I’ll f*cking do that.” Sagot ni Devil bago tuluyang umalis at naiwan ang lahat na alam ang dahilan ng ikinilos ni Devil na tanging si Gail ang naguguluhan sa nangyari.