Chapter 07 “Ah! Sa wakas natapos din ang maghapon na Seminar. Nakakalungkot at kailangan na natin umuwi, gusto ko pa naman mamasyal pa dito sa Vigan.” “Kung gusto Jamie pwede ka naman na magpa-iwan ‘yun nga lang sino magha-handle sa klase mo? Ah! Bakit hindi mo pakisuyuan si Ms. Ellen o kaya si Ms. Lorie, pwede din naman si Ms. Faye.” Pahayag na suhestiyon ni Heaven habang inaayos ang gamit nila na ikinasimangot ni Jamie “Ayoko nga nuh! Baka kung anong gawin ng mga ‘yun sa klase ko.” Sagot ni Jamie na bahagyang ikinatawa ni Heaven. Umalis naman sa pagkaka-upo si Jamie sa kama niya at umupo sa tabi ni Heaven na napalingon sa kaniya at napataas ang isang kilay dahil sa klase ng tingin na binibigay ni Jamie sa kaniya. “Anong tingin ‘yan Jamie?” “Umamin ka nga langit, sino ‘yung mga gwap