LOU "How are you, princess?" narinig kong sabi ni Papa nang ilang segundo rin akong nakatunganga lang sa harap niya. Pagkaalis nina Nic at Genesis, siya ang nabungaran ko sa labas ng pinto. At hindi siya nag-iisa. "Hi, Ate Nessa!" bati ng binatilyong nakatayo sa tabi niya. Kahit ang inosente at aliwalas ng ngiting ibinibigay ni Cedric, hindi ko naman magawang gumanti ng ngiti. "Nagkita kami ni Nica kahapon," tukoy ni Papa sa Ninang ko na Mama ni Nic. "Nabanggit niya na umuwi ka ng bansa. At nang sabihin ko iyon sa kapatid mo, nag-insist siyang puntahan ka namin dahil gusto ka niyang makita." May kung anong sumundot sa puso ko nang marinig ang sinabing iyon ni Papa. Kapatid... lihim kong sambit sa sarili ko. Hindi ko akalain na nanaisin pa ni Cedric na makita ako pagkatapos ng marami