KABANATA 2

2448 Words
Maririnig ang malakas na tawa ni Apollo mula sa loob ng sasakyan habang si Keith naman ay nakanguso lang at hinihilot ang medyo namamaga nitong kamao, “Nai-imagine ko ‘yong itsura no'ng lalaki. Nabasag mo ba ‘yong ilong n'ya?” Tanong niya habang tawang-tawa. “Pwede ba, mag-drive ka na nga lang. ‘Di ka nakakatuwa.” Angil ni Keith na hanggang ngayon ay nag-aapoy pa rin sa galit. “Yes, ma’am~” mapaglarong sagot ni Apollo. Nakita niya na hindi pa nakakabit ang seatbelt ni Keith at base sa itsura niya ngayon, halatang wala itong balak na ikabit. Kaya naman siya na ang nag-initiate ng pagkakabit nito. Lumapit siya ng bahagya para maabot niya ang seatbelt, to which earned him a view that he can’t help but indulge himself with. Ang mukha ni Keith ay sobrang lapit sa kaniya, kahit hindi ito nakaharap ay talagang napakaganda pa rin sa paningin niya. Sa sobrang lapit niya ay halos maamoy na niya ang pabango at ginamit na shampoo ng kaibigan niya. Napababa na lang ang tingin ni Apollo sa mga labi ni Keith na kagat-kagat nito dahil sa sobrang iritasyon, at dahil dito naglaro nanaman sa imahinasyon niya ang panaginip niya at pantasya. Hinayaan niya na maglibit ang mapupusok niyang mata mulansa labi pababa sa leeg ng dalaga, at natagpuan na lamang niya na kagat-kagat na pala niya ang kanyang labi. Kaya naman bago pa kung saan pumunta ang kanyang wild imagination ay inilihis na niya ang kanyang tanaw at nagpanggap na umubo para linisin ang kanyang pag-iisip, “Do you want to eat?” tanong niya na medyo napiyok pa sa dulo. “Yes, please…” Pabuntong hiningang sagot ni Keith. “‘Kay~ where do you want to eat?” tanong niya at nagsimula nang magmaneho. “Sa bahay…” walang ganang bulong ng dalaga. “What? Why?” he whined once again, “we can have dinner at a five-star restaurant near here.” “No.” “Four-star?” “No.” “Three?” “Lockser, no. Umuwi na lang tayo, ipagluluto na lang kita.” Ingit nito, “Kailan mo ba maiisip na hindi mo naman kailangan gumastos ng malaki para lang kumain…” she mumbled before letting herself drift to sleep due to her throbbing head. Sa himbing ng tulog ni Keith hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila sa pupuntahan nila, natauhan na lang siya ng maramdaman niya na parang siyang inaalon. Her eyes snapped wide open when she realized she’s indeed being carried by someone. “Apollo!” pabulong na hiyaw nito ng makita niya na naglalakad papunta sa isang restaurant na kahit nasa labas palang sila ay naamoy na nito ang pagka-expensive ng lugar, “Put me down this instant!” “Eh~ but why? I’m enjoying this,” he pouted and pulled her closer to his chiseled chest. “It feels like we're on a date.” “Well, I am not! Now, put me down!” Angil ni Keith. Binababa naman ni Apollo si Keith pero hindi pa rin nito napapayag ang dalaga, “I am not going in! I told you I don’t want to—” Nabitin naman ang sasabihin sana ni Keith ng buhatin siya ulit ni Apollo, this time he throws her on his shoulder, “No can do~” “What the—” “Sabi mo kanina gusto mo kumain, and I was pretty hungry too! So, let’s go in!” “This way, young master Apollo,” bungad ng isang waiter kay Apollo. At nito lang napansin ni Keith na dinala pala siya ni Apollo top restaurant ng lugar nila na pagmamay-ari ng binata. “Your reserved table is that way.” “Thank you, Max,” he smiled at him and proceeded to walk, “please don’t mind us.” He smiled at all the people who he passed on the way. Samantala, ang mukha naman ni Keith ay namumula sa sobrang kahihiyan, “Apollo Satoru Lockser! Pag ‘yang leeg mo nahawakan ko, hindi ko talaga bibitawan!” Nang makaupo na sila sa reserved table nila, ay bigla na lang sinipa ni Keith ang binti ni Apollo sa ilalim ng mesa, “What the hell were you doing?!” singasing ni Keith. “What? I booked a reservation in my restaurant while you were asleep,” he nonchalantly smiled at her. “Yes, I know that! But I said—” Apollo cuts her off with a sigh, “Keith, Keith, Keith, alam kong matalino kang tao, degree holder, pero bakit hindi maintindihan na hindi ka marunong magluto? For sure, masusunog mo lang ang bahay ninyo.” Hindi naman agad nakasagot ang dalaga dahil sinampal siya ng masakit na katotohanan na sinabi ni Apollo, “Pasalamat ka head chef ka dati, kun’di nabigwasan na kita.” Pero nawala ang iritasyon ni Keith ng ma-realized niya ang isa pang bagay, “Pero oo nga, tama ka, degree-holder pero walang maayos na trabaho. Parang napakawalang-kwenta naman ang tinapos ko.” Malungkot niyang saad habang nilalaro ang puting tela sa harap niya. “Keith, listen babe. Hindi ikaw ang may kasalanan sa part na yon. Sadyang mataas lang talaga ang standard dito sa Pilipinas, sa sobrang taas, hindi na sila ma-reach ng sahod. ‘Wag mo ngang nila-lang-lang ‘yang course na tinapos mo. Hindi lahat kayang gawin ‘yan.” Malumanay na sabi ni Apollo habang nakahawak sa kamay nito, kaya naman mabilis na gumaan ang loob ni Keith. Napangiti siya dahil alam na alam talaga ni Apollo ang mga salitang makakapag-palubag ng loob niya. Isa pa ito sa katangian na sobra talagang hinahangaan ni Keith kay Apollo, alam niyang makibagay sa tao at sa mga kaganapan. Alam niya kung kailan dapat ang biro at kung kailan dapat seryoso. Alam na alam ni Apollo ang mga bagay pagdating sa pakikipag halubilo. Bahagya namang ngunit si Keith at magpapasalamat na sana ang dalaga ng muling magsalita si Apollo habang nakatingin ito ng direkta sa mga mata niya, “Huwag mong binababa ang sarili mo, ‘kay? Umibabaw ka sakin.” Malanding bulong nito sabay kindat. Muli namang sinipa ni Keith, at sa pagkakataong ito, mas malakas. “Now, let’s just enjoy the view… ‘shall we?” Nangingiwing ngiti ni Apollo bago namili ng pagkain sa menu. Habang namimili ng pagkain si Apollo, sumandal si Keith sa backrest ng upuan niya habang nakahalukipkip ang mga braso nya. At sa mga sandaling ito, pinapanood niya ang napakagandang tanawin– mga city lights na talaga namang nakakaagaw pansin. At ang mga sasakyan na nagmistulang mga alitaptap kumpara sa laki ng mga billboard sa itaas. Kung iisipin para silang nagdi-dinner sa isang million-star restaurant. Habang nakatingin siya sa labas, ang diwa niya ay naglalakbay, imagining what would be the reaction of her family if she was able to take them here and have a fine dinner. Umiling-iling siya upang malinis ang kanyang isipan bago niya buksan ang menu, para makakain siya ng kahit isang decent meal lang sa loob ng nakakapagod at nakakapagngitngit na araw. Pero halos malaglag ang mga mata niya ng makita nito ang presyo ng pagkain, “Apollo!” “What?” “Ano kaba? ‘yong dalawang libo ko halos centavo lang sa mahal ng pagkain dito!” gustong sigawan ni Keith si Apollo pero hindi niya magawa dahil may kahihiyan pa siyang natitira sa katawan niya. “What do you mean? I got you!” paninigurado niya, “Basta pumili ka na lang.” “Baliw ka ba? Dapat umuwi na lang tayo ‘edi sana nagluto nalang ako ng–” Napabuntong hininga nalang si Keith dahil alam niya na kahit anong sabihin niya kay Apollo ay tiyak na papasok lang sa isang tenga at lalabas sa kabila. At this point, her friend was the one who will end up taking care of her. Ganito naman mula pa noong mga bata pa sila, may bagay na susubukan si Keith pero at the end of the day si Apollo pa rin ang sasalo sa kaniya. Sinenyasan na niya ang waitress para kuhanin na ang order nila, pero habang tumatagal na pinanoanood niya ang waitress mas nakikita niya ang motibo nito, she can tell by the looks of it that the waitress was trying to flirt with him, “Apollo is a good-looking man, he’s literally good at everything, business, cooking, well, maliban sa academics, mediocre, pero… why can’t he get himself a girlfriend?” Napakunot nalang ang noo ni Keith ng maalala niya, “I get it, it’s because he’s too childish…” Tinungo naman ni Apollo ang tingin niya sa kaniya, “Ano bang gusto mo, Keith?” “Anything…” “Okay, she can have this… and that… uh… no seafood please, she’s allergic to that, especially shrimps.” Sinabi niya sabay turo sa ilang mga putahe. “Now, we’ll wait~ tingin mo Keith, para tayong magka-date—” Napunit naman ang masayang ngiti ni Apollo nang biglang tumunog ang cellphone ni Keith na kinuha naman agad ng dalaga, pero halata sa mukha niya na nagugulumihanan siya dahil sa unknown number ang tumatawag sa kaniya, “Hello, this is Keith Daryl Dresnos, how may I help you?” Her calm demeanor suddenly changed into a grim expression, kaya naman alam na agad ni Apollo na may masamang nangyari, “Yes, yes, I will be there. I said yes! sorry, thank you.” Dali-daling tumayo si Keith at tumakbo palabas ng restaurant. Mabilis namang sumunod si Apollo, hindi na siya nag-abalang asikasuhin pa ang mga pending orders nila. “Apollo… please… hospital…” Sapat na ang mga salitang iyon para maintindihan ni Apollo ang nangyayari. The whole ride to hospital seemed like an entire eternity to Keith, ang pagtibok ng puso niya ay sobrang lakas na para bang tinatambol ito sa tabi lang ng kanyang tenga. Ni hindi nga rin niya marinig ang mga sinasabi ni Apollo sa sobrang lakas nito. Ang mga palad niya ay nagsimula ng magtubig at ganon din ang mga mata niya. “Please be safe, please be safe,” Bulong ni Keith sa sarili niya habang balisa niyang kagat-kagat ang dulo ng kanyang hinlalaki. Nang makarating na sila sa hospital ay napatakbo siya sa hallway papunta sa emergency room na kung saan nakita niya ang isang duguang babae sa stretcher kasama ang mga doktor na tumutulak sa rito papunta sa operating room. Naramdaman niya na ang buong katawan niya ay nanigas na lang ng mga sandaling ‘yon, na para bang nawalan siya ng kontrol dito nang makita niya ang isang pamilyar at duguang kamay na lumupaypay sa gilid ng stretcher. Gusto niyang isipin na namamalikmata lang siya pero hindi niya maitanggi sa sarili niya ang pamilyar na pulseras na suot nito. At nang makita niya ito ay para bang nabulunan siya sa sarili niyang hininga at ang puso niya ay parang bang gusto nang lumabas mula sa kanyang dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito. “‘Nay…” Nabasag ang boses niya ng mapagtanto niya na iyon ang parehas na pulseras na binigay niya sa kanyang nanay noong mga bata pa sila. Sinubukan niyang tumakbo papalapit dito pero pinigilan siya ng mga nurse bago pa siya tuluyang makalapit, “Ano ginagawa ‘nyo? Bitawan ninyo ‘ko! That’s my mom!” Sigaw niya sa pagitan ng mga nakakasakal na hikbi habang sinusubukan niyang makawala sa mga pumipigil sa kaniya. “Please, hayaan ninyo akong puntahan siya.” “Ma’am, huminahon po kayo. Pwede niyo po siyang puntahan after ng operasyon.” Pagmamakaawa ng isang nurse na nakayap sa kanya para hindi siya makalapit pa. “She’s gonna be alright, everything will be alright, ma’am. We will do everything we can to save her.” Kumalma si Keith pero patuloy pa rin siya sa paghikbi, ang mga luha niya bumabasa sa maganda niyang mukha, na nagdudulot naman kay Apollo ng kirot na hindi niya maipaliwanag, “Keith, please, trust them. They know what they’re doing…” Niyakap siya ni Apollo at paulit-ulit na hinahaplos ang likod nito. “Apollo, that’s not my mom… please tell me, that’s not my mom… that bracelet…” pagmamakaawa ni Keith habang mahigpit siyang nakasabunot sa buhok niya. Ang mga luhaan niyang mata ay nakatingin sa kanya, nagsusumamo na sabihin niya na hindi nga iyon ang kaniya magulang kahit pa tumawag na mismo ang hospital sa kaniya at nakita na niya ang handmade bracelet nito. Napalunok nalang si Apollo dahil ‘di niya kayang sabihin ang mga salitang gustong marinig ni Keith, dahil sa ayaw niyang bigyan ito ng comfort sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, kaya naman niyakap na lang niya ito ng mas mahigpit, “We have to trust them, Keith.” Ilang oras silang naghihintay sa waiting area ng hospital, at kahit sa tagal ng paghihintay nila ay hindi pa sila nakakain dahil anumang sandali ay maaari ng matapos ang operasyon. Pero kahit na ganoon, sinubukan pa rin ni Apollo na patulugin muna si Keith o bigyan man lang ng tubig, pero lahat ng ‘yon ay tinanggihan niya. “Keith, please, just eat something.” Bulong nito ngunit wala siyang natanggap na sagot. At ang matagal na paghihintay nila ay natapos na, mabilis na tumayo si Keith at sinalubong ang doktor, “Doc, kumusta po ang nanay ko?” Tanong niya habang ang mga mata niya ay umaasa sa magandang balita. Pero nabasag ito ng malungkot na umiling ang doktor, “I’m sorry, we did everything we can do. But we lost her. The damage in her frontal lobe was too severe.” Hindi naman lang natigilan ang doktor ng sinabi niya ang masamang balita. Para bang isa itong robot na naka-program kung ano ang sasabihin sa bawat sitwasyon. Naramdaman na lang ni Apollo na para bang may nababasag din sa loob niya, “Keith…” he called her with his voice so low it barely even considers as whisper. “I see, thank you for your hard work,” Nakangiting sagot ni Keith sa doctor bago sila nito iwan sabay talikod din at umalis na. “Keith…” Muling tinawag ni Apollo ang pangalan ng dalaga para sana yakapin ito, pero marahan lamang siyang tinulak palayo. Dinantay ni Keith ang kamay niya sa dibdib ni Apollo na para bang sinasabi niya na ‘wag na niyang ituloy kung ano man ang gagawin niya. “Let’s just go, Apollo…” bulong niya habang nakatingin sa lupa ang maga at pagod nitong mga mata. But Apollo can tell, that smile was not the happy one. Even though her lips are curved up, he can almost hear her heart shatter deep within.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD