Pigil ang luhang pilit pa ring iniwasan ni Amara ang masamang tingin ni Xavier. Kasabay ang tahimik na tanong na- Ano ba ang nangyayari sa iyo? Tanong na alam niyang hindi naman na niya kailangan pang isa-tinig. Amara knew the answer, clear and visible through his eyes. Mark Xavier Peralta is punishing her. Pero para saan? Okay, she gets it, he was mad, at malamang sa hindi ay dahil iyon sa kalokohan niya kanina. Naki usap itong huwag siyang magpakilala bilang katulong sa hindi niya alam na dahilan, pero kasi sa tingin niya ay mas mahihirapan siya kung mag papangap siyang hindi. Naiintindihan niya naman na galit nga ito, kaya lamang sa tingin niya ay hindi pa rin naman sapat iyon upang ipahiya siya nito sa mga kaibigan-s***h-business partners nito. Sige Amara, i-justify mo pa ang