Hindi alam ni Amara kung ilang minuto na ba ang naubos niya sa pag tanga sa labas ng isang mamahaling shop, isa sa mga paborito niyang branded stores, halos lahat marahil ng mga gamit niya ay mula sa brand ng tindahang iyon. Noon… Kay sakit lamang isipin na sa isang iglap ay nawala sa kanya ang lahat, sinong mag aakala na darating ang araw na ang isang Amara Channel Aragon ay walang magawa kung hindi ang tumanga lamang sa labas, pag sasawain ang mga mata sa pag tingin-tingin ng mga gamit na dati ay mayroon siya? Mapait siyang napa ngiti saka sunod-sunod na kumurap sa pagbabaka sakaling mapigil niyon ang nag babadyang luha sa kanyang mga mata. “Hey, let’s go.” Agad siyang napa lingon sa may ari ng baritonong tinig na nag salita mula sa kanyang likuran. Xavier… he was holding a huge ba