Pag pasok pa lamang sa loob ng mamahaling hotel na iyon ay sinalubong agad sila ilang grupo ng mga kalalakihan. Katulad ni Xavier ay naka suot rin ang mga ito ng Americana, kung wala lamang sila sa isang mamahaling hotel at na napapaligiran ng magandang beach ay iisipin niyang nasa isang business gathering sila. At kung hindi lamang mukhang mayayaman ang mga taong palapit ay iisipin niyang laking kanto ang mga ito dahil sa tawanan at ingay na para bang ilang taon na nilang hindi nakita ang hudas na si Xavier. Amara smiled with the thought. By the way they acted when they spotted Mark Xavier Peralta coming in the hotel, she guessed that the guys are actually her grumpy boss’s friends. “Isipin mo iyon? May mga kaibigan ka pala sir?” Puno ng pang aasarsa tinig na sabi ni Amara, pasimpl