“Y-You want to see me?” Kagat-labing sabi ni Amara pag pasok niya pa lamang sa loob ng opisina ni Xavier. Kung hindi lamang kunot na kunot ang noo ng kanyang boss, malamang sa hindi ay nag assume na siyang na miss siya kaagad nito. Patapos ba naman ng kalandian nila sa kwarto nito kanina, at dahil sa dakilang asumera siya at hindi niya naman iyon itinatanggi, malamang talaga ay iyon ang agad niyang iisiping dahilan. Kaya lamang kung pag babasehan ang itsura nito ngayon na halos mag dikit na ang makakapag na kilay at manghaba na rin ang nguso ay pinilit na lamang ni Amara ang magpakabait kahit paano. Sandaling nangunot ang noo ni Amara nang manatiling tahimik ang kanyang boss, masama pa rin ang tingin nito sa kanya kaya binilisan na lamang ni Amara ang pag kilos. Agad niyang isinara a