Kanina pang parang isang timang na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Amara, lalo pa siyang naging isang parang baliw dahil patuloy rin sa pag luha ang kanyang mga mata habang nag hihiwa ng sandamakmak na sili pula at green. Ingat na ingat pa siya sa pag hawak ng kutsilyo habang titig na titig sa mga sili na halos isang dangkal na lamang ang layo sa mukha niya. Naroon lamang sa hinihiwa ang kanyang atensyon, tuloy ay hindi niya na namalayang kanina pa pala siyang pinapanuod ng iba pang mga katulong na kasama niya sa kusina. “Amara iha, maayos ka lang ba?” Nag tatakang tanong sa kanya ni nanay Unday, hindi naman nag abala pang tingnan ito ni Amara sa halip ay tipid lang itong tinanguan bilang sagot habang tuloy pa rin sa ginagawa. Ayaw niyang pumalpak sa simpleng pag hihiwa lam