Maricris's Pov
Hindi ako pinanganak na mayaman, isa lamang akong nerd kung tawagin ng lahat. May suot akong salamin sa mata dahil malabo ang aking paningin. Bulag ang tawag sa akin ng ilang kapitbahay namin na kasing edad ko. Nakatira kami sa gilid ng riles ng tren at pinagtagpi-tagping sako at kung anong mapulot lamang namin na mga karton o kaya ay tarpaulin na napupulot namin nila lolo ang tirahan namin. Si lola at lolo na lang ang nakagisnan kong mga magulang dahil sabi nila si tatay daw ay babaero at si nanay naman ay iniwan ang aking ama dahil hindi na daw natiis ang ugali ni tatay. Eighteen years old pa lang ako ngayon at upang makatulong ako sa pamumuhay namin ay tumigil ako ng pag-aaral.
Nuong una ay tutol si lolo pero dahil matanda na rin naman siya at may sakit pa si lola ay wala na din namang nagawa pa si lolo kung hindi ang pumayag.
Kung ano-ano lang ang tinitinda ko na hinahango ko pa sa kapitbahay namin na may tindahan at para ako kumita ay pinapatubuan ko ito at inilalako sa kalye. Minsan ay kumikita ako ng sixty pesos sa loob ng maghapon, sapat na 'yon para makabili ako ng bigas, instant noodles at itlog na ipanglalaman namin sa sikmura namin sa loob ng maghapon at panibagong kayod kinabukasan.
Sabi ni lola ay maganda ako, pero hindi ako naniniwala sa kanya kasi lagi akong tinatawag na nerd sa lugar namin at tinatawag nila akong bulag at pangit. Makapal kasi ang suot kong salamin at halos wala na akong makita kapag hindi ko ito suot. Mahaba ang buhok ko pero lagi ko lang itong pinupusod at banat na banat pa ang anit ko kaya pati mukha ko ay nababanat na din.
Ngayong araw ay hindi ako magtitinda, suma-sideline kasi ako sa isang karinderya na taga hatid ng pagkaing inoorder ng mga empleyado ng isang malaking building sa Makati. Dito ko din nakilala si Sammy, ang lalaking nagpapahalaga sa akin, ang lalaking sobrang gwapo na nagmamahal sa akin. Sabi nya kasi ay mahal na mahal niya ako pero hindi ko pa siya sinasagot.
Excited nga akong pumunta ngayon sa karinderya dahil makikita ko na naman siya sa building na 'yon dahil balita ko ay pag-aari niya ang building na 'yon. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya dahil baka isipin niya interesado ako sa pera nya pero hindi 'yon totoo.
Sinuot ko ang sapatos ko, luma na ito at pudpod pa ang swelas, pero wala naman akong ibang maisusuot kung hindi ito. Inalok ako ni Sammy na ibibili nya ako ng bagong sapatos pero tumanggi ako. Hindi ko naman kasi kailangan saka nahihiya din ako. Muli akong humarap sa salamin. Maliit na salamin lang ito na hiningi ko pa kay aling Midred. Nagpahid ako ng pulang lipstick, kay lola pa nga ito kaya pulang-pula. Inayos ko ang buhok ko at sinigurado ko na walang nakalaylay na hibla sa mukha ko.
"Apo, kanina ka pa nakaharap sa salamin, hindi ka pa ba matatapos sa pagbanat ng buhok mo? Baka naman magkabunot na 'yang mga buhok mo ha." ani ni lola.
Mahinang tawa naman ang narinig ko kay lolo kaya ngumuso ako.
"Aalis na po ako, baka po mapagalitan ako kapag na late ako. Sayang din po kasi ang kikitain ko ngayon, eighty pesos din po 'yon." ani ko at humalik na ako sa kanila.
"Mag-iingat ka apo, maraming masasamang tao na nasa paligid na nag aanyong anghel kaya huwag kang padadala sa matatamis nilang salita." ani ni lolo. Araw-araw ay ganyan kung magpa alala si lolo. Sinusunod ko naman siya pwera lang kay Sammy kasi alam kong mahal ako ni Sammy. Napakagwapo at napaka kisig nya kaya lagi akong nasasabik na makita siya.
Pagkarating ko ng karinderya ay iniabot agad sa akin ni Ate Chona ang basket na may lamang mga pagkain na nakabalot na.
"Bilisan mong kumilos at baka magreklamo na naman ang mga umorder sa akin, kapag nakatanggap ulit ako ng reklamo ay palalayasin na kita." ani ni Ate Chona. Tumango lamang ako sa kanya at mabilis na akong tumawid at tinungo ko na ang napakataas na building.
Hindi ako pwedeng pumasok sa loob, hanggang labas lang ako at pinupuntahan lang ako ng mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng building.
"Kuyang guard, pakisabi po sa kanila nandito na po ang mga inorder nila, salamat po." ani ko. Umupo ako sa may harapan ng building at hinintay ko ang paglabas nila. Hindi naman nagtagal ay isa-isa na silang lumalapit sa akin at kinukuha ang mga pagkaing inorder nila. Pagkatapos kong matanggap ang bayad nila ay hindi agad ako umalis, hinintay ko si Sammy dahil lagi kaming nagkikita dito at sinesenyasan ako na magkita kami sa tapat.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko na siya at pagsenyas niya ay mabilis akong bumalik sa karinderya at ibinigay ko ang basket at ang pera kay Ate Chona. Inabutan naman ako ni Ate chona ng eighty pesos at pinapabalik mamaya dahil dadalhan ko pa ng meryenda ang mga empleyado sa building na 'yon.
Nagpunta na ako sa tapat sa may poste at mayamaya ay dumaan ang sasakyan ni Sammy at pinasakay ako. Nagpunta kami sa isang park, hindi naman kami bumaba ng sasakyan niya at nag-usap lang kami sa loob.
"Mahal na mahal kita Maricris, hindi mo pa ba ako sasagutin?" ani niya. Napayuko naman ako at hinawakan niya agad ang kamay ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya bumilis ang pagtibok ng aking puso. Hinalikan niya ako at mas pinalalim nya pa ito kaya mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napapikit ako, may kung anong kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan. ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng t-shirt ko kaya nabigla ako at naitulak ko siya.
"I'm sorry." bulong niya. Hindi ako makatingin sa kanya, nahihiya ako dahil naitulak ko siya.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Tumango ako at hindi ko pa rin siya tinitignan.
"Isang buwan na akong nanliligaw sa iyo, hindi mo pa ba ako sasagutin? Mahal na mahal kita at nangangako ako na aalagaan kita." wika niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Baka sasaktan mo lang ako." ani ko sa kanya habang nakatitig ako sa mukha niya. Hinawakan niya ang baba ko at idinampi ang kanyang labi sa aking labi.
"Hindi ko gagawin 'yon, mahal na mahal kita." wika niya kaya napangiti na ako. Dahan-dahan akong tumango sa kanya na ikinagulat niya.
"Totoo? Sinasagot mo na ako?" gulat na gulat niyang ani kaya muli akong tumango. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan ako sa aking labi. Hindi ako marunong humalik pero ginagaya ko ang ginagawa niya. Inihiga niya ang upuan kaya kinabahan ako at pinigilan ko siya.
Hindi siya kumibo at patuloy lamang niya akong hinahalikan at kumikilos na ang kanyang kamay sa katawan ko.
"Hi-Hindi ako handa sa ganyan, so-sorry." ani ko. Huminto naman siya at pinakatitigan ako. Hinalikan niya akong muli sa labi at itinaas ang suot kong malaking t-shirt. Hinimas niya ang aking dibdib kaya napapitlag ako at mabilis na inalis ang kamay niya.
"Mahal mo ako hindi ba? Kung mahal mo ako hahayaan mong gawin ko ito sa iyo. Boyfriend mo na ako ngayon kaya may karapatan na ako sa katawan mo. Mahal na mahal kita at hindi naman kita sasaktan at pananagutan din kita." ani niya.
Hindi ako kumibo, nakayakap lang ako sa dibdib ko dahil hindi naman ako sanay sa ganito. Huminga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.
"Susunduin kita mamayang gabi sa karinderya, may pupuntahan tayo, gusto kong patunayan mo sa akin mamayang gabi na mahal mo ako." ani niya. Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa aking mga mata kaya niyakap niya ako.
"Mahal na mahal kita, promise hindi kita pababayaan." ani niya. Hinalikan niya ako sa aking noo at niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagmamahal niya kaya tumango tuloy ako sa kanya. Bahala na, ang sabi naman niya ay mahal niya ako at pananagutan niya ako. Mahal na mahal ko din siya kaya willing akong ibigay sa kanya ang gusto niya. Tama naman siya, sinagot ko na siya kaya kasintahan na niya ako. May karapatan na siya ngayon sa akin.
"Huwag mo akong sasaktan Sammy, mahal na mahal kita." ani ko.
"Hinding-hindi kita sasaktan magtiwala ka sa akin." sagot niya kaya napangiti na ako.
Bumalik kami sa tapat ng building at ibinaba na niya ako. Bumalik ako sa karinderya at masaya kong kinuha ang basket na may lamang mga kakanin.
"Dalhin mo ulit 'yan doon at hinihintay na nila ang mga 'yan." ani ni Ate Chona.
Walang pagsidlan ang aking mga ngiti hanggang sa makarating ako sa building.
Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na ako. Naligo ako at naglagay pa ako ng baby cologne na bigay ni lolo sa akin. Matagal na niya itong binigay sa akin at inuunti-unti ko lang ang pag gamit nito para hindi agad maubos.
"Lolo, lola may puntahan po ako mamaya pero babalik din po agad ako. Baka po matanggap ako sa isang trabaho sa fastfood chain." ani ko.
"Bakit naman gabi apo?" ani ni lolo.
"Kasi po kanina wala pa po ang manager, pero ngayon po nanduon na. Uuwi din po agad ako." pagsisinungaling ko. Kinagat ko ang dulo ng aking dila at hindi na ako makatingin pa sa kanila lalo at pinayagan pa nila ako.
Nagluto ako ng instant noodles at nagsaing. Ganyan ang madalas naming pagkain at hindi ko naman pwedeng sabihin na nagsasawa na ako dahil wala naman kaming pagpipilian.
Dumating na ang gabi, siguradong naghihintay na sa akin si Sammy ko kaya nagpaalam na ako kay lolo at lola at mabilis na din akong umalis at nagpunta na ako ng karinderya kung saan niya ako susunduin.