Maricris POV Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Napalingon ako sa paligid ngunit walang tao. Tinignan ko ang kama ko ngunit wala ang anak ko kaya nataranta ako at halos talunin ko pababa ang kama. "Atticus!" malakas kong sigaw habang umiiyak na ako. Bigla namang bumukas ang pintuan ng silid at napatda ako sa kinatatayuan ko ng isang matipunong lalake ang bumungad sa pintuan. "Sino ka? Nasaan ako, nasaan ang anak ko?" umiiyak kong ani. "Shhhhh, relax ka lang. Huwag kang mag-alala sa anak mo dahil ligtas kayong pareho. Buti na lamang at dumating kami ng kaibigan ko at nakita namin ang mga nangyari. Kasama ko ang kaibigan ko sa speed boat ng makita namin ang unti-unting paglubog ng barko. Lumapit kami upang tumulong sana sa mga nalulunod pero alam namin na hindi namin