Chapter 1

1776 Words
-May- "Siya na ba yun?" "Ooh. Ang ganda ah." Napayuko na lang ako. Kanina pa ako pinagtitinginan at kahit nagbubulungan lang sila ay naririnig ko pa rin. Mukhang maling desisyon ang lumabas ng cottage. Ugh. Ito na nga ba ang mahirap kapag wala kang kaalam-alam sa nangyayari at wala ka pang maalala. Ang Raven na 'yon ang tangi kong kilala dito. Not to mention na hindi pa kami ganoon ka close. May choice pa ba ko? "Sino ang hinahanap mo?" Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang isang lalaki. He has this boy next door look and his dimples are really cute. Parang ang bait niya. Nahiya naman daw ako sa smile niya. Abot tenga eh. It's like his smile can light up the whole room. "Uhm. Si Raven Grey," sagot ko. "Ang alpha?" "Alpha? Anong alpha?" "The leader of the pack." Leader? Siya ang pinuno ng mga werewolves? "Siya nga." "Tara samahan na kita." Tahimik lang akong sumabay sa kanya. Ang awkard naman nito. Hindi ako komportable, buti na lang sinimulan niya na ang usapan. "Ako nga pala si Zach Collins, bestfriend ng ugok na alpha," sabi niya ng nakangiti. "Ako si err. May." May ang pangalan ko di ba? Ang hirap talaga nito. Ni pangalan ko, hindi ako sigurado. "Narinig ko sila kanina, yung mga uhm yung mga kasama niyo. Kilala ba nila ako?" tanong ko. "Oo kilala ka nila because you're a vampire." "Alam ko." "Alam mo kasi, hindi ko alam kung paano ka napunta dito sa lugar namin, basta na lang sinabi ng alpha na dito raw titira ang isang bampira which is you." "Bakit kaya ako napunta dito? Ugh. Wala talaga akong maalala. Nga pala, ilang araw na akong tulog?" "Matagal na rin. I think mag iisang buwan na." "Whoah. Ang tagal naman." Ang tagal ko na palang natulog. "Yup. Nung una kang dinala dito, sinilip kita sa cottage. Grabe ang payat mo nun. Parang buto't balat ka na lang. Lagi ka ngang binibigyan ni Raven ng gamot galing sa mga witch eh. Kaya siguro bumalik ka na sa normal." Mas lalong gumulo ang isip ko. Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Bakit nagkaganun ako? Bakit wala akong maalala? At bakit ako kinupkop ni Raven? "May iba pa bang mga bampira? Baka nandoon ang pamilya ko." "Oo naman. Nasa Crimson Valley ang mga bampira. Malayo yun dito. Pero tingin ko, hindi gugustuhin ni Raven na lumapit ka sa mga bampira." "Bakit naman?" Wala namang sense yun di ba? Di ba dapat mga bampira ang kasama ko kung bampira ako? "Hindi ko alam. Kung alam niyang dapat nandoon ka sa lugar ng mga bampira, matagal ka na sanang wala dito. You need to be here and I don't know why." Maraming hindi tumutugma dito. Prinoprotektahan ba ako ni Raven sa mga bampira? Bakit naman? Anong koneksyon ko sa mga werewolves na to? Parang hindi matanggap ng puso ko na masama ang mga bampira. Ewan ko rin kung bakit, siguro dahil bampira rin ako. "Wag mong pilitin ang sarili mo na maalala ang lahat. Basta nasa tabi ka ng Alpha, walang mangyayari sayo." "Psssh. Ang sungit kaya ng Raven na yun," sabi ko. Bigla kong naalala ang nakabusangot na mukha ng Raven na yun. Gwapo sana kaso yung ugali hay naku. Wag na lang. Pero nagpapasalamat rin naman ako sa kanya dahil siya ang kumupkop sa akin dito. Sana lang ayusin niya ang ugali niya. Tahimik lang kaming naglakad. Ginala ko ang paningin ko sa paligid. Para bang nasa gubat kami pero may mga bahay-bahay pa ring nakatayo. Ganito pala ang tirahan ng mga werewolves. Mas gusto nila ang gubat. "Andito na tayo," sabi ni Zach. Namangha ako sa nakatayong bahay sa harap ko. Hindi ko akalaing makakita ako ng ganito kalaking bahay o mansion na yata to eh. Simple lang ang design pero makikita talaga ang ganda nito. Sobrang lawak. Cream at Brown ang motif at napakaganda din ng landscape. Ang weird lang nito dahil nasa gitna ito ng gubat. "Bahay to ni Raven?" tanong ko "Oo. Welcome sa kahariaan ng Alpha," nakangising sagot ni Zach. Sumunod ako kay Zach papasok at sumulabong sa amin ang mga nakaunipormeng gwardya. Kung nagustuhan ko ang exterior ng mansion ay mas lalo pa akong namangha sa interior nito. "O Zach, anong ginagawa mo dito? At aba, ang ganda ng kasama mo ah. Grilfriend mo?" Tahimik lang ako habang kinakausap si Zach ng isang gwapong lalaki na may kasama ring magandang babae. Nakita ko naman na sinapak siya ng mahina nung babae. Nagselos yata. "Siya si May at hindi ko siya girlfriend. At pwede ba, Jake, bawas bawasan mo yang kaharutan mo. Nagagalit na si Sheila. Baka palitan ka pa niyan," pabirong saad ni Zach Pilyong ngumiti ang tinawag niyang Jake tsaka niya inakbayan si Sheila na ngayon ay parang kamatis na dahil sa pamumula. "Pwede ba Zach, hindi ko ipagpapalit tong si Sheila. Takot ko na lang dun sa kurimaw niyang kuya." "Alam mo naman pala eh. Babalatan ka ng buhay ni Raven pagniloko mo yang kapatid niya," sabi ni Zach. "Oo na po. Teka nga, bakit nandito kayo? Sino hinahanap niyo?" tanong ni Jake "Si Raven. Andito ba siya?" singit ko. "Nandoon siya sa study room. Mukhang aalis yata yun eh. May meeting kasi sila ni Stephen. Bilisan niyo na para maabutan niyo siya," sagot ni Sheila. Stephen? Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa pangalang yan. Parang kilala ko siya. Masyado ng malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na hinihigit na pala ako ni Zach. Hinayaan ko na lang dahil alam kong siya naman ang may alam sa pasikot sikot dito sa mansion. Hindi manlang kumatok si Zach at pumasok agad sa study room. Gaya ng inaasahan ko, malaki rin ang study room. Makaluma na ang disenyo pero wala pa rin itong kupas. "Bro!" sigaw ni Zach. Napatigil si Raven sa pagbabasa at tumingin sa amin. Wala manlang siyang reaksyon sa pagdating namin at parang mga hangin lang kami. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya "Ah.. kasi.. nakita ko tong si May sa labas kaya sinamahan ko kasi hinahanap ka eh." "Anong kailangan mo?" tanong ni Raven saka bumaling sa akin. "Uhm. May mga tanong lang ako... at uh..." Hindi na niya ako pinatapos at tumayo na siya. "I have a meeting." Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong mahihita sa kanya. Mukhang ayaw niya akong kausapin. Pero nagulat na lang ako nang maramdaman kong ang lapit niya na sa akin. Napalunok ako nang makita ko ang luntian niyang mga mata. How can this man be so beautiful? Hindi ko maiwasang mamula. Hindi ako komportable sa distansya namin, "Wala akong maiisasagot sa mga tanong mo," diretso pa rin ang tingin niya sa akin,"Ikaw mismo ang makakasagot diyan," sabi niya at tuluyan ng umalis. ***** -Raven- Lumabas na ako ng study room. Nagtatanong na si May sa mga nangyayari. Pero nangako ako kay Caleb na hindi ko sasabihin kay May ang lahat. Mas mabuti pang hindi niya na maalala ang nangyari sa kanya. Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko kay Caleb, hindi ko sana to gagawin dahil alam ko na sa oras na malaman ni Stephen na nandito si May, siguradong malaking gulo na naman ito. Naalala ko ang panahong dinala ni Caleb si May dito sa Lycan's Cove. "Caleb, sino yan?" tanong ko Sobrang payat ng babaeng buhat niya. Wala rin itong malay at mukhang patay na nga. "Anak ko," sagot ni Caleb. Hindi ko maitago ang pagkagulat ko. Ito ba ang dahilan kung bakit pinadala niya si James sa mundo ng mga mortal? Akala ko tao ang anak niya? "Anong nangyari?" Marahan niyang nilapag ang babae sa higaan bago bumaling sa akin. "Kasalanan 'to ng mga bampira," galit na saad niya. Kinamumuhian ni Caleb ang mga bampira. Alam kong pinatay ng bampira ang asawa niyang si Serene at nahiwalay din siya sa anak niya. He has nothing but scorn to the creatures that killed his wife. Kaya nga itanatag niya ang Dark Tribe, ang grupo ng mga vampire hunters. Pero hindi sila basta bastang pumapatay ng mga bampira dahil yaong mga may kasalanan lang ang pinapatay nila. Umaaligid lang sila sa Crimson Valley . They have a special pendant that masks their scent so that they will blend in perfectly with the vampire. Para silang mga vigilante na pumapatay ng mga kriminal na bampira. Nilapitan ko ang babae. Parang pamilyar siya. Sh*t. Siya nga. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko agad siya nakilala dahil sa malaking pagbabago ng katawan niya pero sigurado ako na siya ito. Kaya pala... "Si May," sabi ko. "Oo. Siya ang anak ko." "Caleb, ano ba talaga ang nangyayari? Asawa 'yan ni Stephen." "Yes. She's vampire. He turned her into one of them." He clenched his fist. I can see the hatred in his eyes. Kinuwento niya sa akin ang lahat ng nangyari. Siya daw ang pumatay kay Dimitri at tinakas niya rin si May. "Makinig ka sa akin, Raven. Itago mo si May at wag na wag mo siyang ibabalik sa puder ng mga bampira. Ipangako mo sa kin na poprotektahan mo ang anak ko. Ilayo mo siya kay Stephen." "Alam mo bang pwedeng magmitsa ng gulo to, Caleb? Hinahanap na siya ng lahat." "Alam ko. May utang na loob ka sa akin, Raven. Ito na ang hinihingi kong kapalit." Iniwan niya si May sa pangangalaga ko. Alam kong magiging malaking gulo pero wala akong magagawa dahil malaki ang utang na loob ko kay Caleb. Niligtas niya ako sa mga bampira dati kaya hindi ko siya pwedeng tanggihan. Isang buwan. Isang buwan ko siyang inalagaan. Araw araw ko siyang binabantayan. Sinisiguro ko rin na ligtas siya. Akala ko nung una responsibilidad ko lang talaga ang alagaan siya at ginagawa ko lang ito dahil may utang na loob ako sa ama niya pero habang tumatagal, nag iiba ang pakiramdam ko. I immedietly dismissed that thought in my head. I care for her. That's it. Hindi pwedeng lumampas pa dun. Hindi ko maiwasang mapangiti sa pagbabalik niya sa dati niyang itsura at lalo na nung naggising siya. Mas gumanda pa siya kaysa sa una niyang pagdating dito. Ayoko nitong nararamdaman ko. Kaya habang maaga pa, kailangan ko na tong kalimutan. ***** "Nandito na po tayo." Tumango lang ako kay Roy at lumabas na ako ng sasakyan. Nandito na ako sa Crimson Valley. Kailangan kong makipagkita kay Stephen para pag usapan ang Moonlight Festival. Isa itong malaking problema para sakin. Paano ko itatago si May mula kay Stephen kung sa lugar mismo namin gaganapin ang Moonlight festival? Sana lang ay magawa kong itago si May mula sa asawa niya. ****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD