"MATANONG ko lang hija, ano bang ginagawa niyo rito at may relasyon ba kayo?" Tanong ni Mang Toni, ang siyang barangay chairman ng lugar na iyon. Nagkahiyawan naman ang mga umiinom. "Oo nga naman! Magkaano ano ba kayong dalawa?" segunda naman ng isang lalaki na namumula na ang mga mata dala ng kalasingan. "Ah magkai---" bago pa masagot ni Andrea ang tanong ay agad na pinutol iyon ni Reeve. Hinapit siya nito sa bewang at idinikit ang pisngi sakaniya. "Mag-asawa po kami," ngiting ngiti ang loko. Mas lumakas ang tawanan at tampulan ng tukso roon. "Hayon! Iyon naman pala, magasawa na pala kayo. Bakit kayo napunta rito? Mukhang mga taga-Maynila pa kayo ah," "Ito ho kasing misis ko nagugutom, naghahanap ng makakainan, sa paglilibot namin naabutan na kami ng pag-flat ng gulong." namula ang