CHAPTER 7

1504 Words
" Ano ba talaga ginagawa ko dito huh! lalaki ka!. Siyaka kanina ka pa asawa ng asawa e, Pangalawa beses pa lang natin ito pagkikita 'di ba.!" Wika ko habang naka pamayawang naiirita na kasi talaga ako kung bakit ako dinala ng lalaking ito sa condo niya. Pwede naman sa isang restaurant na lamang talagang sa Condo niya pa at kasama pa ang mga kaibigan niya. " Pwede ba Baby Umupo ka muna may pag uusapan kasi tayo!" " Pag uusapan bakit pati mga kaibigan mo kasali teka baka kung ano balak niyo sa akin huh! Atuhan niyo lang papatumbahin ko kayong lahat!" Ito nanaman ako mtapang kunwari pero bigla ako kinabahan paano kung ma gang rape ako.Bakit 'di ko naisip 'yun ang lalaking tao pa naman nilang lahat. Lord kayo na po bahala sa akin. Napapikit na lang ako ng mariin sa mga naiisip ko. " Hahahahahaha Pare ang tapang pala ng Misis mo! talagang papatumbahin daw niya tayo ohh!. 'di ba nakakatawa 'yon. hahahahaha" Napamulat naman ako ng mga mata ko dahil sa tawa ng isang kaibigan nito.Pinagtaasan ko lang ito ng kilay at ang mga Gago nagtawanan pa silang lahat. Kaya naman lalo ako nairita sa inis ko umupo na lang ako sa isang silya at humalukipkip naiinis na talaga ako. " Baliw ba kayo at tawa kayo ng Tawa!!." Wika ko habang nakataas pa rin ang isang kilay.Nakakapikon na ang mga lalaking ito. " Ha.ha Ang cute-cute mo naman Savananah pare cute siya!" "Ano daw cute ako? Ano ako Aso!" Nagtawanan nanaman sila ano bang pinagtatawanan nila naiinis na talaga ako. Kaya naman tumindig na ako at pinag kukurot ko sila ewan ko pero gusto ko silang pagkukurutin. " Aray Grabe siya ohh! Ang sakit mo mangurot Mrs. Xander huh! ha.ha.ha. " " Hoy!! Mga epal tigilan niyo nga ang Asawa ko!" Hinigit ako ni Jake at pinaupo sa tabi niya. Nawala ang inis ko ng maamoy ko ang pamango nito. Ano bang meron sa pamango nito at napapakalma ako. "Okey ka lang baby?" " Oo naman bakit?" " Nakasiksik ka na kasi sa kilikili ko mabango ba?" napaangat naman ako ng tingin ang wierd ko bakit ako nakasiksik sa kilikili niya. Nagtawanan nanaman tuloy mga kaibigan niya kaya umayos na ako ng upo. " Ohh mga pare ito na siguro order natin!" "Jasper buksan mo nga ang pinto baka yan na nga yung pagkain natin." Jasper pala ang pangalan nung kumag na tawang tawa na 'yun. "hmmmmm Ang dami mo naman inorder Jake,mauubos ba natin ito.?" "Ha.ha Jasper sayo pa lang baka kulang pa 'yan." Natawa naman ako bigla dahil sa sinabi ni Rico. Si Rico lang ang kilala ko sa mga kaibigan ni Jake, kaklase kasi nito ang pinsan ko kaya kilala ko siya. Siya din ang nagkasal kasalan sa amin nung gabing 'yun sa Bar. " Ulol!! Nagsalita ang isa d'yan for sure mag sha-sharon ka mamaya pag madami natira!" Wika naman ni Jasper kay Rico Nagtawanan ang iba mga kasamahan nila. "Anong ako hindi ako noh! yang Si Fred ang mahilig mag sharon." "Ohh! Fred Nakahanda na ba ang plastik mo d'yan!" "Hahaha pare topperware ang dinala ko. Alam naman natin bongga man libre yang si Jake eh." Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila bakit pati si Sharon nadadamay. "Wait who's Sharon?" Out of no where, naitanong ko bigla 'yun. Hindi ko rin maintindihan pero bigla gumaan ang loob ko sa mga kabigan ni Jake, Mukha naman 'di sila masasama tao puro nga sila biruan eh. " Hahahaha Baby girl wag muna alamin kung sino si Sharon." "Hoy! Cris. Wag ka ngang maka baby baby girl sa Asawa ko huh! " Napatingin naman ako kay Jake. Bigla kasi ako nitong niyakap magkatabi pa rin kasi kami sa upuan habang abala sa asaran at pag hahain ng pagkain ang mga kaibigan nito. " Sandali nga kanina ka pa dikit ng dikit may payakap yakap ka pa para kang tuko!." "Hahaha Ang cute mo talaga baby. Dali ka na kumain na tayo for sure sa haba ng tulog mo kanina ka pa gutom." Hinigit ako nito papunta sa lamesa mahaba. Ilan ba nakatira dito bakit ang haba ata ng Lamesa niya. Nakaupo na din ang mga kaibigan niya at kanya kanya kuha ng pagkain sa dami pagkain 'di ko alam kung ano uunahin ko. " Here baby try this!" Pinaglagyan ako ng pagkain ni Jake sa pinggan ko. Mukha masarap naman ang nilagay nito kaya sinubo ko agad 'yun dahil talagang gutom na ako. Hindi ako nagkamali masarap nga ang inilagay nitong pagkain sa plato ko. " Nagustuhan mo ba masarap?" Tumango lang ako kay Jake. Nagutom nga siguro ako talaga dahil panay lang ako sa pag subo at panay lang ng lagay ng pagkain sa plate ko si Jake.Bakit ang sweet ata niya. " Baby, Say ahhh! try mo itong letcheplan." Napaangat naman ako ng tingin dito at tiningnan siya ng masama bakit ako sinusubuan nito. Hindi niya ba alam na nandito ang mga kaibigan niya.Nakakahiya sakanila. "Dali na baby say ahhh masarap ito promise..." " Pwede ba nakakahiya wag muna ako subuan noh!" Pabulong kong wika dito pero 'di pa rin ito tumigil pinilit pa rin ako nito isubo ang letcheplan. " Wag kana mahiya sakanila baby,dali na masarap ito promise!" Para tumigil na ito ng kakakulit sinubo ko na lang ng mabilis ang letcheplan hawak nito. "Ohhh!! see 'di ba masarap!" Napangiwit ako sa lasa ng letcheplan. Bakit parang iba ata ang lasa nito parang panis. Parang bigla bumaliktad ang sikmura ko kaya naman tumindig ako at dalian hinanap ang lababo ng makita ko ang lababo naisuka ko ang letcheplan pati na din ang iba ko pa nakain. "Ohh! Anong nangyari sa Asawa mo Jake?" Nagkatinginan kami ng tropa ng bigla tumindig si Savannah. Hawak nito ang bibig niya at sabay takbo sa lababo nag suka na lang ito ng nagsuka. Bigla ako kinabahan at nakaramdam ng saya! Sinundan ko ito sa kitchen hinagod ko ang likod nito. Tuloy pa rin siya sa pagsuka kailangan ko makomperma kung tama ba ang nasa Isip ko. " Are you Okey Baby?" " Babyhin mo mukha mo nakakainis ka bakit mo ako pinakain ng panis huh!!" " What!? Panis alin ang panis baby?" Tumalikod ako kay Jake at pumunta sa lamesa kung saan nandun pa rin ang mga kaibigan nito masaya kumakain. Napatingin sila sa akin ng kuhain ko ang Letcheplan. " Ito ohh! panis 'yan ang sama ng lasa. Ang asim-asim at ang baho bakit 'di ikaw ang kumain n'yan nakakainis!" Nagtinginan ang mga kaibigan nito. Agad naman kinuha ni Jake ang letcheplan at tinikman 'yun. " Hindi naman panis baby ahh guys tikman niyo nga. " Agad naman tinikman ng mga kaibigan nito ang letcheplan at lahat sila umiling. " Pare masarap ahh! 'di naman panis Savannah." Wika ni Rico habang sarap na sarap sa pagsubo ng Letche plan. " Oo nga masarap naman ahh! matamis baka naman may iba ka pa nakain kaya ka nasuka." Sabat naman ni Jasper na ninamnam pang maigi ang letcheplan. " Panay subo ka kasi e baka naghalo halo na ang pagkain sa tiyan mo kaya nasuka ka na sa sobra kabusugan." Wika naman ni Fred. " Hmm... So sinasabi niyo patay gutom ako ganun ba!" Wika ko habang sinasamaan ng tingin ang mga ito. " Hala hala 'di ahh! I mean baka kasi nabigla ang tiyan mo. Hinay-hinay lang kasi sa pagkain." Wika naman ni Criz. "Ayaw ko na nga kumain uuwi na ako!" Nawala na ako sa mood sa pagkain at bigla na lang din nag iba ang pakiramdam ko. Kaya kinuha ko na ang bag ko at lalabas na sana ako ng Pintuan ng hawakan ako sa braso ni Jake. " Wait! Ayaw mo na ba talaga kumain ano ba pakiramdam mo baby.?" "Pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag usap uuwi na ako isa pa gabi na rin." " Okey ihahatid na kita sa condo mo?" "Wag na kaya ko umuwi mag isa samahan mo na ang mga kaibigan mo. Pakisabi sa kanila pasensya na!" " No! hindi wait lang intayin mo ako ihahatid kita." Agad ito tumakbo sa kwarto niya naglakad naman na ako Papunta elevator. Nagulat na lang ako ng may braso umakbay sa balikat ko. " Hala nakakagulat naman bigla bigla ka na lang nasulpot." " Sorry ang bilis mo kasi ehh." " Paano mga kaibigan mo? " " Malalaki na mga 'yun uuwi rin mga 'yun pag 'di agad ako nakabalik." "Ahmmm okey pwede bang pakitanggal ng braso mo sa balikat ko baka may makakita sa atin eh." "E ano naman okey lang 'yun mag Asawa naman Ta---." "Pstttt!! Ano ba paulit ulit yang mag asawa tayo na 'yan ehh!. Wag nga ako ang pagtripan mo ikakasal na ako okey wag ako!!" Bigla naman ito natahimik ng sabihin ko 'yun kaya naman hanggang sa makarating kami sa sasakyan nito ay tahimik lang ito nagmaneho!. Naihilig ko na lang ang aking ulo sa bintana ng sasakyan hanggang sa makatulog nanaman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD