[ O N E ]
a/n: no proofread ahead! may contain grammatical error, spelling error etc., bear with me. :)
Chapter One
"Anong ibig sabihin na hindi ako anak ni Mama at Papa?" parang tumigil tumibok ang puso ko sa narinig kong usapan ng mga kapatid ko. Natigilan naman sila at nanigas sa kinatatayuan.
Bata pa lang ako ay naramdaman ko na na para bang may kakaiba. Sa paningin ng ibang tao, sa paningin ng ibang kamag-anak naming at minsan sa tingin ng sarili kong mga magulang. Buong buhay ko ay ikinibit-balikat ko lang ang mga nararamdamang iyon dahil naniwala ako na isa lang iyong delusion. Isang bagay na gawa-gawa lang ng sarili kong pag-iisip kaya hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon.
Ngunit habang papunta sa kusina para kumuha ng tubig ay narinig ko na nagtataasan ng boses ang mga kapatid ko na si String at Lyric. Agad naman akong pumunta sa direksyon nila sa dining para pagsabihan sila pero iba yung narinig ko. Mga salitang kumukompirma ng hinala ko bata pa lang ako.
"String, Lyric. Tinatanong ko kayo. Sumagot kayo."
Nakita ko ang pamumutla ni String at napakagat ito ng bibig. Kaya napabaling ako kay Lyric na naka-tingin sa akin at nakataas ang kilay n apara bang nayayamot at naiinis.
"Lyric."
"Oo na! Totoo yung sinabi ko! Hindi ka nga anak nila Mama. Ampon ka kumbaga!" sigaw niya at parang sinampal ako ng mga usap-usapan na naririnig ko noong bata pa lang ako.
"Iyan na ba yung batang—"
"Shh! Yung bibig mo! Napakachismosa mo talaga!"
"Ate Lyric bakit mo naman—" narinig kong pagpipigil pa ng nakababata kong kapatid. Parang umikot ng mabilis ang mundo ko. Ang lakas din nang t***k ng puso ko na umaabot na sa puntong hindi ako makahinga.
"Ate Melody!" tumakbo papunta sa direksyon ko si String pero agad ko siyang sinenyasan na huwag.
"Ano ba ang sinasabi mo, Lyric? Hindi nakakatuwa iyan." Kalmang sabi ko kay Lyric. Hindi maaari. Ramdam ko ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin. Mahal na mahal nila ako. kaya hindi pwedeng ampon ako diba?
"Oh no. Drop that playing as if, Ate—" narinig ko ang panunuyang tawa ni Lyric at nginitian niya ako. "What I mean, Drop that playing as if Melody. I should call you Melody right? Total hindi naman kita totoong kapatid."
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbis na pagsabihan ko si Lyric dahil kung ano-ano ang walang kuwentang pinagsasabi niya pero bakit nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko? Kalungkutan ng katotohanan.
"Diba? Ampon. Adopted! Adopte—" hindi na natapos ang panunuya niya nang huli ko nang mapansin na tumaas na ang kamay ko at dumapo na eto sa kanang pisngi ni Lyric.
Tatlo kami ay nagulat sa nakaya kong gawin kay Lyric. Napahawak si Lyric sa pisngi niya at nanlaki ang mga mata. "Kung ayaw mong maniwala puwes itanong mo kay mama! Sinasabi ko lang kung ano ang totoo!"
Agad niya akong tinalikuran at padabog na umakyat. Naiwan kami ni String na kasalukyan nakatingin sa akin at tumutulo ang luha. Bakit naiiyak si String?
"I'm sorry Ate." Aniya at lumapit sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
Bakit ganito? Hindi ko pa man nakakausap si Mama bakit parang alam ko na ang kahihinatnan?
Sinagot ko lang ng mahigpit na yakap si String. Kahit kalian ay hindi ko naramdaman na hindi ako minahal sa pamilyang eto.
Bakit ganito? Bakit alam ko na ang sagot?
Nilapagan ko ng isang magaang halik sa noo si String at lumayo na ako sa kanya. "Akyat ka muna ng kwarto mo, String. Tahan na. Kakausapin ko pa si Mama."
Tuluyang bumitaw na ako sa pagkayakap naming at naglakad palayo.
"Ate." Tawag ni String sa akin na hindi pa nga ako nakakalayo sa kanya. "Alam mong mahal na mahal ka naming diba? Kahit anong mangayari."
At pumatak ang sunod sunod na luha sa mga mata ko. Paano kong naging deserve na magkakapatid na ganyan? Napilitan akong tumango at nginitian siya. "Siyempre. Siyempre, String." Hindi ko alam kung sino ang pinapaniwala ko sa mga salitang nabitawan ko. Si String ba o ang mismong sarili ko?
Ilang hakbang lang ay nasaharap na ako ng opisina ni Mama dito sa bahay. Napatingin ako sa relo ko. Alas singko na nang hapon dapat tutulong na akong maghanda ng hapunan.
Dapat bang ipagpaliban ko na lang muna ang pagkausap kay mama?
Patalikod na sana ako para ipagpaliban ang pagkausap ko kay mama nang biglang bumukas ang pinto. "Oh? Melody? Naparito ka?"
Siguro hindi ko na talaga matatakasan eto. Nakita ko ang lubusang pagkagulat ni Mama nang lumingon ako sa kanya. Napasinghap siya at nanlaki ang mata sa gulat. "Melody! Na paano ka anak?"
Anak.
Kinaladkad niya ako papasok ng opisina niya at pinaupo niya ako sa couch sa gitna ng kwarto. Kinuha niya ang tissue box at kumuha siya doon para ipunas sa luha ko. Dapat tanungin ko na siya. Hindi naman totoo diba? Tatawa lang si Mama diba dahil napakawalang kwenta ng sasabihin ko?
"Napaano ka ba Melody? Bakit ka umiiyak?" tanong niya at pinunas niya ang mga bagong tulong luha gamit ang dalawang hinlalaki niya.
"Ma?" napatingin ako sa kanya. Bakit nakuha nila Lyric at String ang mga mata ni Mama? Singkit at kulay itim? Habang ako ay Malaki at brown? "
N-Narinig ko kanina si Lyric at String nag-uusap."
Tumango naman siya at nginitian ako na hudyat na ipagpatuloy ko lang ang sasabihin ko. "Ampon daw ako?"
At nakita ko kung paano nawala ang ngiti ni Mama na napalitan ng luha.
Napapikit ako at naramdaman ko ang buo kong katawan na namanhid. Halos buong paligid ay para bang tumahimik. Walang ingay ng aircon. Walang mahinang musika na nagmula sa lumang vinyl player ni Lolo.
Lolo ko nga ba iyon? Lahat ng meron ako ay hindi akin? Sino ako? Sino ang mga magulang ko? Bakit nasa kanila ako ni Mama? Bakit nila ako ipinamigay?
That hit me at napasinghap ako ng hangin dahil hindi ko nararamdaman na hindi na pala ako nakahinga. Habang si mama naman at natulala lang na nakatingin sa akin.
Sa loob ng dalawang dekada at dalawang taon ay naloko ako. Sino ako? Lahat ng meron ko ay hindi totoo. Ang daming pwedeng sabihin. Ang daming pagkakataon pero bakit pinili mag lihim? Mas matatanggap ko pa siguro ang balitang eto kung sila ni Papa mismo ang nagsabi sa akin pero bakit sa ibang tao pa?
Nalunod ang puso ko sag alit at kalungkutan.
Ang daming pwedeng pagkakataon!
"Anak—" panimula ni mama.
"Pero hindi mo ako anak." Flat at malamig kong tugon sa kanya.
Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. Pero para bang nanigas ang buo kong katawan. Tumigil na rin sa pagtulo ng luha ko. Yung lungkot na naramdaman ko ay napalitan ng galit.
"Melod—"
"Ma! Ang daming pagkakataon! Ang daming chances na pwede niyong sabihin sa akin noong bata pa ako? Bakit? Bakit!"
Nakita ko kung paano domoble ang mga luha ni mama. Ako mismo ay nagulat sa sinabi at lumabas sa baba ko.
"N-Natakot lang kami, anak, ng papa mo na mawala ka sa amin." Aniya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko.
Pero nanaig pa rin ang galit sa puso ko. Tumayo ako at kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Mama.
"At sa tingin niyo hindi ako mawawala ngayon? Mas mabuti na sana 'Ma kung sa inyo galing ang balitang iyan. Kaso—kaso bakit pinili niyong maglihim? Pinili niyong itago ang pagkatao ko sa loob ng twenty-two years tapos aasahan niyong hindi ako mawawala?"
"Anak." Bulong ni Mama. Alam kong nasasaktan si Mama. Gusto kong humakbang palapit sa kanya. Yakapin siya ng mahigpit at humingi ng patawad dahil na sinigawan ko siya at sinumbatan pero namanhid na ang puso ko. Wala na akong maramdaman.
Nabuhay ako sa kasinungalingan. Totoo nga naman. Ako lang sa magkakapatid ang walang picture si Mama nang pinagbubuntis niya ako.
"Melody. Hindi ka man lumabas sa akin pero mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Ikaw ang una naming anak. It doesn't matter kung sino ang mga totoong mga magulang mo. Ang importante ay mahal ka naming—"
"Kaya bakit hindi niyo sinabi sa akin una pa lang yan 'Ma? Nang hindi na ganito ang nangyari nung nagkabukingan na."
Umatras na ako palayo kay Mama at tuluyan na nga umalis ng bahay. Ang bahay na kinalakihan ko sa loob ng dalawang put dalawang taon. Dito na ako nagkaraon ng isip, dito na rin ako lumaki, naging saksi ang bahay na 'to sa ilang birthday na hinanda para sa akin. Na ang katotohanan pala ay isa lang itong kasinungalingan.
Nahanap ko ang sarili ko na papunta sa isang condo. Iniregalo nila Mama at Papa sa akin noong 18th Debut birthday ko. Hindi pa to kailanman nagamit dahil hindi ako umuuwi ditto dahil sa mansion pa rin ako nauwi pero kompleto na ang loon ng unit. Mula sa furniture hanggang sa mga damit at may iilang grocery ang nakastock.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay lumabay agad ang sumalubong sa akin at ang katotohanan. Napaupo ako sa sahig at nasandig sa pinto ng unit ko habang napaisip. Sa loob ng dalawang put dalawang taon—kasinungalingan. Asan na ang totoo kong mga magulang? Bakit nila ako pinamigay. Iyan lang ang mga pauli-ulit na katanungan na sinisigaw ng isip ko.
Nang biglang may tumunog sa bulsa ko. At nang kapkapin ko eto ay ang cellphone ko. Hindi ko napansin na nadala ko eto.
Ang daming miscall at messages na galing kina Mama at String. Malamang si Papa ay hindi pa natapos sa trabaho niya. Nakita ko ang isang message ng classmate ko sa isang subject.
From: Rence Villanueva
Bartending show at Lugie's Bar. 19:30.
Lugie's Bar? Hindi naman siya kalayuan sa unit ko. Napatingin ako sa oras at pasado na alas-siyete ng gabi. Sakto lang ang dating ko kung aalis na ako ngayon.
Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Agad na ako pumunta sa wardrobe ko at kinuha ang nag-iisang damit ko. Isang puting t-shirt at high waisted blue jeans. Nakita ko rin sa shoe rack na may bakanteng boots kaya agad ko namang sinuot iyon.
Kailangan magpahangin. Kailangan ko pakalamhin ang sarili ko. Dahil kung dito lang ako magmumukmok sa condo ay baka mabaliw ako o mamatay. Ayoko rin naman abalahin ang mga kaibigan ko dahil malapit na ang finals naming at for sure ay busy na sila sa pagre-review. At hindi naman delikado manood ng bartending show diba?
Agad akong pumara ng taxi pagkababa ko ng condo at nagpahatid sa Lugie Bar. Pagkababa ko ay agad akong hinanapan ng security ng ID at buti na lang ay nalagay ko sa bulsa ko kanina ang wallet at cellphone ko. Nang ipakita ko sa kanila ang ID ko ay agad naman nila akong pinapasok.
Agad ko namang nakita si Rence na pasimula na ng kanyang show. Marami na ring tao ang nag-aabang ng show niya at buti na lang ay may isa pang bakanteng stool sa bar.
Napatingin ako sa damit ng ibang tao sa loob ng bar. Halos lahat ng babae ay naka sexy dress halos maghubad na ang iba. I look so out of place.
Buti na lang napansin ako ni Rence at agad niya akong kinawayan at itunuro ang direksyon ng bakanteng stool.
"Naligaw ka ata dito?" sigaw niya dahil sa maingay na sound system. Halos maduling din ako sa on-off at sumasayaw na ilaw dito.
Tinanguan ko lang siya. "Then enjoy the show na lang. it's an honor na mapanuod mo to." Aniya at kinindatan niya ako.
Napatawa naman ako kay Rence. "Bolero ka talaga! Sige na! alis na! galingan mo!" pinaalis ko na siya at sinimulan niya na ang show niya. Madaming namangha sa tricks niya habang nag mimix ng drinks habang ako naman ay tahimik lang na nanonood sa kanya.
Ilang minute rin nagtagal ang show at nang matapos ay nagpalakpakan ang tao at kanya kanyang bumalik sa kani-kanilang puwesto. Habang inaayos pa ni Rence ang magamit niya ay nagtagpo ang mga mata naming at nagngitian lang kami. Nang matapos siya ay agad niya akong nilapitan.
"Ano ba ang mapaglilingkod ko, binibini?" kung hindi niyo natatanong si Rence ay nabibilang sa Theatro Club kaya minsan ay hindi mapigilan na maging makata siya sa kanyang pananalita.
"Hmm? I will get a drink na mukhang hindi malakas pero grabe yung tama."
"Aba. I-sto-story mo lang nanaman?" aniya pero nagsimula na siyang mag mix.
"Siyempre iinumin din. Duh!" sagot ko sa kanya at nagkatawanan lang kami at pinagpatuloy niya lang ang pagmix. Nang matapos siya ang nilipat niya na eto sa baso at ang ganda ngang tignan.
Pero hindi katulad ng dati na halos lahat ng bagay ay pipictureran para mastory sa i********: ay agad ko na lang eto ininom. One shot. At nang maubos ko eto ay napangiti ako at tinignan si Rence.
"I didn't know you're a drinker?" aniya at sumandig siya sa bar para magkalapit kami.
"I'm not."
OA-ing napasinghan siya at lumaki ang mata. "First time mong uminom?"
Umiling naman ako at pinaglaruan ang payong na nakatusok sa lemon ng inumin ko kanina. "nainom naman ako pero hindi ganitong kawasted."
"Wasted?" nalukot naman ang kilay niya at napatawa na lang ako. "Eh isang drink pa lang yan ah."
"And who say's eto lang ang iinumin ko buong gabi?" I giggle at sinundot ko ang tungki ng ilong niya.
"Oh My God. Are you drunk? Who got drunk after their first shot at ang yabang yabang pa may pa who say's eto lang ang iinumin ko buong gabi. You should go home, Melody."
I immediately point out my palms na aksyong pinapatigil siya. Ayokong umuwi ngayong gabi. Ayokong umuwi sa nakakabinging katahimikan na condo. Ayokong maalala na nabuhay ako sa kasinungalingan.
Ayokong umiyak ngayong gabi. Gusto kong makalimot.
"No. Do your job, Rence. I won't go home. Just bring me more drinks." I drop my card to the bar table at napabuntong-hininga naman siya.
"Okay. Just don't go out of my sight para mabantayan kita. You get it?"
Tinanguan ko lang siya at inaksyonan na dalian niya ang pag gawa ng drinks. Biglang may tumawag sa kanya mula sa ibabaw ng club at nagpaalam siya na aalis siya saglit. May pumalit sa kanya na isa rin lalake na bartender at siya ang hiningian ko ng drinks.
Mausok. Mausok nga ba or blur na ang paningin ko?
Mainit. Mainit nga ba or tinatamaan na ako?
Maingay. Maingay nga. Alam ko na nasagitna ako ng dance floor hindi ko alam kung sumasayaw ba ako o ginagalaw ko lang ang buong katawan ko. Naramdaman ko rin na may mga kamay na nakapulupot sa waistband ng pantalon ko at bewang ko. Mula bewang ko na para bang tintrace niya ang hubog ng katawan ko pababa hanggang sa pisngi ng pwet ko.
May mga kamay din na naglakbay sa leeg ko at pataas ng pataas mula sa bibig ko pataas sa pisngi ko hanggang sa ilong ko at sandaling nagtama ang mata namin . napakapamilyar ng mga mata niya. Saan ko 'to nakita? At sa isang iglap ay hinablot niya ang braso ko at kinaladkad niya ako palabas ng bar.
"Sa-an mo ba ako dadalhin?" umiikot na ang paningin ko kaya pumayag na lang ako magpakaladkad. Ang init din. "Wala bang aircon? Pakibukas ng aircon! Wala tayo sa baguio!"
Biglang may bumukas sa pinto ng isang sasakyan. "Wow. Magic! Biglang mag-isang bumukas! O may multo?!"
Biglang may umalalay sakin papasok ng kotse kaya agad naman akong napalingon? Kinikidnap niya ba ako?! Kidnap?! Biglang binagsak na ng lalake ang pinto at nanlaki ang mata ko. Papatayin niya ba ako? O kukunan ng atay? Kidney? Puso?! O baka gagawin niya akon chorizo?
Umikot papuntang driver seat ang lalake kaya agad ko hinawakan ang bukasan ng pinto pero nakalock eto at tuluyang nakapasok na nga ang lalake sa kotse.
Potek. Katapusan ko na.
Nagtagpo ang mga mata namin at nagulat ako ng bigla siyang lumapit ng lumapit hanggang sa maliit na lang ang distansya ng aming mukha. Nang biglang Click. Tunog ng lock ng seatbelt at bigla siyang ngumisi at binasa niya ang bibig niya gamit ang dila niya.
"Seatbelt." aniya
Nang hindi ko mapigilang mapadighay sa mismong harapan ng mukha niya. "Excuse me." Agad naman siyang napalayo sa mukha ko at naupo nang maayos sa upuan niya. Inayos niya rin ang seatbelt niya at sinimulang paandarin ang sasakyan niya.
Habang ako ay naramdaman ang bigat ng ulo ko at panlalabo na ng tingin. Ganito ba talaga kainit sa sasakyan niya? Wala ba 'tong aircon?
"Where do you live, miss?"
"Sa.."
"Sa?"
"Sa.. Sa bahay kubo. Kahit munti ang halaman doon." Sandali! Lasing ka na ba Melody? Oo. Mukhang lasing na nga ako.
"Ang init naman dito." Wala sa sarili ko ay itinaas ko ang t-shirt ko hanggang sa dibdib ko para maibsan lang ang init sa katawan ko. Naramdaman ko rin na ibinaba ng lalake ang bintana ng sasakyan niya.
Ilang minuto na nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at dumadaan sa bakanteng kalsada ng bigla akong magsalita.
"Masarap ba makipagsex?"
Nagulat ako ng biglang magpreno ang lalakeng nagdadrive buti na lang may seatbelt ako. "Hoy! Papatayin mo ba ako?!"
Inirapan ko siya ta tuluyan ko na lang itinaas at hinubad and t-shirt ko. Inincline ko na rin ang upuan para makahiga ako ng tuluyan. "Inaantok na ako. goodnight."
Naramdaman ko na lang na tumigil ang sasakyan at napabangon naman ako. ang init pa rin. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko ang lalake na napatingin din sa akin.
"Mister. f**k me. f**k me till I forgot." Nakita ko ang sandaling panlalaki ng mata niya at napakagat ng labi.
And he just smirked and nod. He went outside of the car at binuksan niya ang pinto at inalalayan niya akong tumayo. Nakita ko na hinubad niya rin ang denim niya na jacket at pinasuot niya sa akin.
"Not that you want to see guards and fron desk in your bra almost showing them your t**s right?" he said in a husky voice at napalunok na lang ako at napatango.
"Hmm. Why aren't you answering baby? That's not good." He grab my hand at pinalayo ako sa pinto at isinara niya nag pinto pero nagulat ako ng itulak niya ako pasandig dito and he trapped me.
"No. Only you."
"Only you... what?"
"Only you, sir." It feels so automatic to fell down to my submissive persona.
"That's better, doll face. Now let's go." And he drag me papasok ng condo building.
Now this is now or never.
------
Posted: March 1, 2021
Will Update this Thursday/Friday! Thanks for reading!