KAI x JANINE MABEL DEL RIO
JANINE DEL RIO POINT OF VIEW
IT'S BEEN a week since it happened, hindi ako makalabas ng banyo, ang dumi- dumi ko, hindi ko magawang linisin ang sarili ko. Hindi na ako magiging gaya ng dati. Lumabas ako ng banyo nang madinig ko ang pagtunog ng cellphone. Si Kris, ilang araw na siyang tumatawag sa akin pero hindi ako sumasagot. Ilang araw na rin ako hindi lumalabas ng kwarto at 'di na rin ako nagpaalam sa trabaho ko. Napakadumi ko kailangan ko munang linisin ang sarili ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at agad na pinatay ang tawag, "Hindi na dapat niya ako makausap..." Bulong ko sa sarili ko at pinatay na ang buong cellphone.
Takot ako sa maaring mangyayari sa akin. Even Kris, I am afraid of what will his reaction be. I am afraid to tell him the truth. The painful truth, that because of a f*****g revenge the people that he trusted the most, killed me.
At natatakot ako, baka iwanan niya ako ng dahil doon pero mas natatakot akong masaktan siya sa katotohanan na hindi na ako para sa kaniya. I saved everything for him, I want to give my all after our marriage but what happened. I was raped because of my own carelessness. Kung hindi sana ako nagtiwala, kung sana ako naniwala. Napaupo ako at saka umiyak, pinilit kong punasan ang sarili ko. Pinilit kong luminis ulit, pero wala ang dumi dumi ko talaga.
"Anak, isang linggo ka ng walang kain at nandyan lang sa loob ng kwarto mo.Mayroon ka bang dinadamdam anak ha?" nadinig ko na sabi ng mama ko sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong umiiyak, nadinig ko ang pagbukas ng kwarto ko. Ni-lock ko 'to at binuksan ni Mama ang pintuan gamit ang spare keys niya. "Anak..."
"Umalis ka!" singhal ko sa kanya. "Anak ano bang nangyayari sa'yo? Kailangan kita maintindihan." Bulong niya at lumapit sa akin, sinubukan niya akong yakapin pero tinulak ko siya. "Huwag mo akong hawakan. Ang dumi!" sigaw ko sa kanya at saka ko pinunasan ang sarili ko.
"Anak, anong nangyari sa'yo ha? sabihin mo kay Mama hindi 'yung ganito ka. Nag-away ba kayo ni Kris? May nasabi ba siya sa'yo na naging dahilan kaya ganito siya." Umiling ako sa kanya, "Hindi... hindi niya dapat malaman na ganito ako. Mama, hindi niya dapat malaman. Iiwan niya ako." Iyak ko sa kanya. Muli ay sinubukan niya akong yakapin pero naitulak ko siya. Sa lakas ng tulak ko ay na Napasigaw si Mama sa gulat dahil sa ginawa ko, nang dahil din doon ay nagulat ang kuya Sanjo ko at bumaba siya sa kanyang kwarto.
"Mama! Okay ka lang ba?" Agad siyang lumapit kay Mama at tinulungan itong tumayo. "Ano bang nangyayari sa'yo ha? Are you still on your mind?!" tanong ni kuya Sanjo sa akin. Umiling ako, "Umalis na kayo sa kwarto ko!" sigaw ko sa kanila.
"Janine paano ka ba namin maiintindihan ha?" tanong ni Mama sa akin. Umiling ako at kinuha ang vase, hinagis ko 'yon sa pader. "Umalis na kayo sa kwarto ko! Iwanan niyo ako!" sigaw ko sa kanila at muli akong umiyak ng malakas. My Mom looked at me with pity, and my brother too. I have never been like this in front of them. At ayoko ring maging ganito pero... pero hindi ko alam ang iisipin ko.
"Kris is worried, araw araw siyang tumatawag sa akin kasi 'di mo sinasagot ang tawag niya. Pumupunta din siya rito pero hindi mo siya pinapansin o pinapapasok man lang. Anak, isang buwan na lang kasal n'yo na." Sabi niya ulit sa akin pero di ako sumagot. Umulit sa utak ko ang lahat ng nangyari. What they did to me, what those monsters did to me. Parang isang masmang panaginip sa magandang araw. Nandiri ako agad sa sarili ko. Wala sa loob kong kinuha ang vase at hinagis ko sa pintuan at saka ako nagsisigaw.
Sa gulat nila ay umalis na lamang sila ng kwarto ko. Makailang ulit pa ako sinubukan i-approach nila Mama pero mas ninais ko ang mapag-isa muna. Tiningnan ko ang cellphone ko at binuksan 'yon, pagbukas ko ay mayroon akong natanggap na iMessage mula sa isang bagong number.
From: +63912 xxx xxxx
(Attachment: 5 Photos)
Tiningnan ko ang attachment na 'yon at nakita ko ang mga screenshot mula sa nangyari noong gabing 'yon. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko magawang mag-reply.
From: +63912 xxx xxxx
Hey baby, I'm feeling like I want to do a re-shoot for this photos.
Hindi ako sumagot, "Tigilan mo ako!" sigaw ko sa phone at hinagis ko ang phone. Hindi ito namatay o nasira, sa halip nag crack lamang ang screen nito. Ang sunod kong nadinig ang pagtunog ng phone, tumatawag ang numerong nag text sa akin. Hindi ko alam kung si Kai ba 'to o si Tao pero... ayokong sagutin. Ayoko nang makipag usap sa kanila.
Tumigil ang tawag at isang message muli ang nag pop up.
From: +63912 xxx xxxx
I can easily send this to Kris. Alam mo naman 'yon diba? Answer the f*****g phone or else. He will know your nasty little secret.
Pinulot ko ang phone at binasa ang mensahe, kahit nanginginig ang kamay ko at pinilit kong mapindot ang tamang keys at tumawag sa kanya. "Kailangan lang pala kitang takutin para seryoso mo ako." Giit niya sa akin at saka siya tumawa. Sa tono ng boses nito ay si Kai 'to. "How are you doing, baby?"
"A- ano pa bang gusto mo? Na- nakuha niyo na diba?" tanong ko sa kanya. "Kulang pa, nakukulangan pa ako. I suddenly want to surprise my brother. Hindi ko pa kasi nakikita na sumusuko siya sa'yo." Giit niya sa akin.
"I - isang linggo na kami 'di nag-uusap."
"Hindi lang kayo nag-uusap, but you didn't end everything yet." Napapikit ako. "Makikipaghiwalay ako sa kanya, ayoko rin naman na pakasalan niya ako sa kabila ng kababuyan niyo."
"No, Darling... maghihiwalay kayo sa paraang gusto ko. I want it to be dramatic. I kinda want him to lose his sense of self." Sambit niya sa akin at saka siya tumawa. "A- ano bang gusto mo? Pwede bang tumigil ka na lang? Tama nang... tama nang ako ang sinira ninyo."
He chuckled on the line again, "Ayoko..." he responded. "I'm not even starting yet. Lumabas ka ng bahay mo ngayon. Naghihintay ako sa labas."
"Umalis ka na lang pakiusap!"
"Tumatanggi ka? Hindi ka ba natatakot sa hawak kong video?" tanong niya sa akin at muli ulit siyang tumawa. Nanginig ang sistema ko, "Now, inuulit ko. I want you to go out and meet me outside." Utos niya sa akin, tumingin ako sa bintana at nakita ko siya doon nakatayo sa harap ng sasakyan niya habang nakatingin sa bintana ko.
Kitang- kita ko ang malademonyo n'yang ngisi. "Huwag kang tumayo diyan at bumaba ka na dito. Ngayon na." Nakita ko ang pag-galaiti ng mukha niya na tila ba galit na galit sa akin. Dali dali akong bumaba, "Anak, saan ka pupunta?" tanong ni Mama pero hindi ko na siya pinansin. Diri- diretso akong lumabas at nakita ko siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya, "Masyado kang kabado e masarap naman ang gagawin natin." Giit niya sa akin.
"Hindi ka pa ba kuntento?" tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin, "I refer having you alone than with Tao, inunahan ako ng gago. Ako dapat ang first blood. Pumasok ka sa loob ng sasakyan." Giit niya sa akin, binuksan niya ang passenger's seat at sumakay naman ako doon.
Sumakay din siya at agad na pinaandar ang sasakyan. "You didn't even bother to dress nicely." Giit niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya, sa halip yinakap ko ang sarili ko. "Huwag kang kabahan, hindi ko kayang pumatay ng tao. You should be more afraid of that."
"PInatay niyo na ako nung ginahasa niyo ako." He laughed as if he heard a joke. "You're moaning that night, it's not even death."
"Hindi! Wala akong nagustuhan sa ginawa niyo! Hayop ka! Hayop kayo!" sigaw ko sa kanya. "Ouch, that hurts.But you know what, I'm really a beast." Giit niya sa akin, ibinalik ko ang tingin ko sa daan. "Kapag ba pumayag ako sa gusto mo ngayon e' titigil ka na?" tanong ko sa kanya.
"It depends. I was wondering how would my brother will react if he finds out that the girl he loves the most is f*****g his brother and best friend. Isn't that dramatic?" tanong niya sa akin at hininto niya ang sasakyan. "Ikakasal na kami pero sinira mo ang lahat. Sana naisip mo 'yan." Tumawa siya sa akin.
"You're not even breaking up with him. Wala pang nasisira, sisirain ko pa lang." Natatawa n'yang giit. Inilapit niya ang mukha niya sa akin na tila ba bibigyan niya ako ng halik kaya agad kong ginamit ang dalawang kamay ko pananggalang sa kanya. "I see, your the type who doesn't want to do it in public. Kris said that you don't like PDA that much." Giit niya sa akin at saka siya bumaba ng sasakyan. Kukunin ko sanang pagkakataon 'yon para tumakas pero ni-lock niya ang pintuan.
Hindi ako bumaba, pinanood ko siyang binuksan ang likod ng sasakyan at saka lumapit sa passengers seat at binuksan ang 'yon. "Suotin mo 'to pagbaba mo." Bulong niya sa akin at inilapag niya ang tsinelas sa harap ko. Sa sobrang kaba ko kanina sa gagawin niya ay 'di na ako nakapag tsinelas. Sinuot ko 'yon, binagalan ko ang kilos para mainis siya sa akin at paalisin na lang ako pero naghintay siya.
Nang matapos ako ay agad niya ako hinigit papasok sa loob ng building na tila ba isang condo building. "Ayoko..." Pilit ko sa kanya pero 'di siya nakinig sa akin. "You know what, I like you better back in high school, 'di ka maarte noon hindi gaya noon. I remember you did everything for me. You used to like me, right?" Giit niya muli at tumigil kami sa loob ng isang kwarto. "Noon 'yon, nung akala ko hindi ka halimaw. Noon 'yon nung pinagtanggol mo ako kay Tao kasi umiiyak na ako pero ngayon na kahit anong pakiusap ko ay 'di mo naririnig. Isa ka ng halimaw sa harap ko. Hinding- hindi na magbabago ang tingin ko sa'yo. Hayop ka!" Giit ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa loob. Nang makapasok kami ay agad niya akong hinalikan, kasunod no'n ay ang paghawak niya sa mga parte ng katawan ko.
Tila ba isang baha na rumagasa ang ala-ala ng mga ginawa nung gabing 'yon. Pinilit kong nilayo ang mukha ko at tinulak siya. "Tama na!" sigaw ko sa kanya, napangisi siya sa lakas ng tulak ko sa kanya. "Gusto mo bang dahan-dahanin ko pa? Come on, Janine! You like to do it rough, don't you?" tanong niya sa akin, sinampal ko siya ng malakas pero tila ba walang epekto 'yon kahit namumula na ang mukha niya.
"Wala akong gusto! Ang tanging gusto ko lang ay tigilan mo ako!" Sigaw ko sa kanya, tumawa siya na tila ba isang biro ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin, "Sige titigil ako pero sa isang kondisyon." Giit niya sa akin.
"A- anong kondisyon 'yon?" tanong ko sa kanya.Ngumisi siya muli at hinawakan ang hem ng suot kong pang-itaas, nanginginig akong hinawakan ang kamay niya. Unti- unti kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya at sa isang iglap, nahubad niya ang suot kong damit.
"I want to see how my brother would freak out if he finds out that you're f*****g me. Let me rephrase that, how about in love with me?"
"Hindi maari ang gusto mo! Kai, hayaan mo na lang ako iwanan siya sa paraang gusto ko!"
Umiling siya. "It will be boring. Alam mo bang sinamahan ni Kris si Lola sa Guangzhou saglit kaya 'di ka pa niya nadadalaw?" tanong niya sa akin."Biglaan 'yon kasi nakiusap si Lola sa kanya. Oh, Kris the perfect grandson. Lola didn't even want to see me because I'm not as successful as him." Sabi niya sa akin.
"Anong gusto mo, malungkot ako para sa'yo?" tanong ko sa kanya. He gripped my waist, inilapit niya ang mukha n'ya sa akin. "Why, do you feel sad for me?" tanong niya sa akin at saka siya tumawa.Inilag ko ang mukha ko at hindi ako sumagot. Idinikit niya ang labi niya sa aking tainga. Nanginginig akong pumikit, sa isang iglap napagtanto ko na wala na naman akong magawa. Na balewala rin kung sisigaw ako, na wala ring mangyayari sa paghingi ko ng tulong.
Ganito na ako kababa, at 'di na ako karapat- rapat para puso ng lalaking mahal na mahal ko. Ang sunod kong naramdaman ay ang kirot, isang pamilyar na kirot, tumingin ako sa gilid at nakita ko ang cellphone na kanina pa nagri-record. Ipinikit ko ang mga mata ko, hinihiling na sana matapos na lang ang lahat.
****
"KRIS, mabuti naman na nandito ka na." Nadinig ko na saad ni Mama mula sa pintuan. Agad kong tinakpan ang pintuan gamit ang isang mabigat na lamesa para hindi ito mabuksan ng kahit na sino. Napapikit ako, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya lalo na't pumayag ako sa gusto ni Kai. Nagpagamit ako sa kanya at ngayon mas madumi na ako. Napakadumi ko. "I'm sorry I took time, nasa China ako dahil sa family emergency. I was trying to contact her but she's not responding on my calls. What happening to her?" tanong n'ya kay Mama. It's been almost a month, lumipas ang araw at linggo pero para sa akin para 'tong impyerno.
Akala ko nagsawa na si Kris tumawag at baka tinanggap na lang niya na wala na pero hindi, nandito siya ngayon. "Hindi namin alam. Umuwi siya dito nang ganyan na, tuliro at hindi makausap ng maayos. Minsan aalis mag-isa tapos babalik sa kwarto niya. Kris, nag-away ba kayong dalawa?" tanong nito.
"We didn't, we were okay the last time we talked during my Grandma's birthday. Ang akala ko lang nagtampo siya kasi bigla akong 'di dumalaw sa kanya. Nagpahatid kasi si Lola sa Guangzhou biglaan at nakalimutan kong magpaalam tapos inabot pa ako ng mahigit tatlong linggo doon. I was trying to contact her but she's not responding. Texts, emails, messenger, even at work. Wala din daw siya at nag- AWOL na."
"Sa tingin ko hindi 'yon ang dahilan. Ako na kanyang ina at maging si Sanjo ay 'di siya mabasa. Maari mo ba siyang kausapin, she might open up to you." Mas lalo kong inilagay ang bigat ko sa pintuan. Ayokong pumasok siya dito, ayokong makita niya kung gaano ako kadumi. I cheated on him! Hinayaan kong mangyari 'yon, at hinayaan kong... maulit ng maulit.
Nadinig ko ang malumanay n'yang katok sa pintuan. I hid my cries, I tried my best not to make him see that there's something wrong with me.
"Babe, it's me. Can we talk?" malumanay niyang sabi sa akin nakagat ko ang daliri ko sa sobrang kaba.
"Umalis ka! Hindi kita kailangan!" singhal ko sa kanya pero 'di siya nagpatinag. Pinihit niya ang door knob pero 'di niya mabuksan. "Galit ka ba sa akin dahil 'di ako nakapag-paalam?" tanong n'ya muli sa akin
"Janine what's wrong? Talk to me please?" He asked me again pero hindi ako sumagot sa tanong niya.
"Umalis ka na! Umalis ka na! Please, iwanan mo na ako. " sigaw ko sa kanya.
"Janine...." malumanay pa din ang boses niya na tila ba sinusubukan n'ya akong intindihin.
'Janine, let's talk about this. Alam kong may problema ka kaya sabihin mo sa akin. If there is something happening to you, sabihin mo sa akin. Susolusyunan natin 'yan." sabi niya sa akin.
"Gusto mong malaman kung anong problema ko?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, kasi nahihirapan na akong makita kang ganito." I remembered what Tao and Kai said that night. I remember everything that happened, my sins, my mistake. Ang kapabayaan ko, I am no longer the woman for him. Huminga ako ng malalim at saka binuksan ang pintuan, pinilit kong gawing poker face ang mukha ko. Walang emosyon at reaksyon kahit sa totoo n'yan ay kanina pa ako iyak ng iyak. Nang makita ko siya at nakaramdam ako ng gaan ng loob, na-miss ko ang lahat tungkol sa kanya. Gusto ko siyang hagkan at yakapin pero napagtanto ko na napakarumi ko na. Na kahit kanina pa ako ligo ng ligo, at kahit anong sabon ko sa sarili ko.
Napakarumi ko pa rin. "What have you done to yourself?" tanong n'ya sa akin at kinuha niya ang braso ko. Pulang-pula at puno ng gasgas ang katawan ko sa tapang ng ginamit kong sabon pero kahit anong kusot ko, ang dumi ko pa rin. He checked on me, all I can see is that he is worried. In his eyes, I'm still precious.
"Huwag mo akong hawakan." Mariin kong giit at tinapik ko ang kamay niya.
"J, ano bang problema? Sabihin mo sa akin at ba- bakit mo 'to ginagawa sa sarili mo?" tanong n'ya sa akin.
"Ikaw ang problema ko, Kris. Hindi na kita mahal." Giit ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, ang pag-iling niya na tila ba nagbibiro ako. Oo, kailangan kong kalimutan ang pagmamahal ko para sa kanya kasi hindi na ako ang babae na nararapat sa kaniya. Hindi na ako malinis, hindi na ako karapat-dapat sa kanya. Madumi na ako at ayokong hintayin pa ang pagkakataon na ayawan niya ako dahil doon. Ako na ang lalayo, at kakayanin ko na lang ang lahat.
"Babe... " I can hear his voice crack because of it. "You're only saying that because you're sad right? I'll make you happy again. I'm sorry if I have become to comfortable with our love. Let me make up to you, just don't do this..." he begged me, hinawakan niya ang kamay ko pero iba ang nakita ko. Ang mukha ng gagong 'yon, ang pambababoy nila. "Huwag mo akong hawakan! Umalis ka na pakiusap!" Singhal ko sa kanya. "Babe..."
"Hindi na kita mahal kaya simulan mo na akong kalimutan. M- mayrong iba diyan na mas bagay sa'yo, mas dapat mong mahalin. Mas maigi, at mas malinis." Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil alam kong umiiyak na siya.
"Yung mga ginastos mo sa preparasyon ng kasal ibabalik ko 'yon. Idi-deposit ko na lang sa account mo. Pasensya ka na." Giit ko at sinaraduhan ko siya ng pintuan.
"J, don't do this. Please, hindi ko kakayanin kapag mawawala ka sa akin. I love you... kahit anong rason pa kung bakit ayaw mo na tatanggapin ko at babaguhin ko. Babawi ako, promise. Buksan mo lang ang pintuan at tingnan mo ako ulit." Pagmamakaawa niya. Tinakpan ko ang labi ko at pinigilan ang pag-iyak ko.
I'm sorry... I'm really sorry.