"Pamilya mo ang nagpapahirap sa kanya at isa ka sa kanila, bakit ka naaawa? Anong karapatan mo para maawa? Kung naaawa ka sa kanya tigilan mo na ito hangga't maaga pa." napailing ako sa bulong na iyon sa utak ko. Habang tinititigan ko si Silvestre na natutulog, hindi ko mapigilang 'di humanga sa angkin niyang kakisigan. Do his hair longer and he'll be a fit role for the Greek g*d of the underworld— Hades. Napaangat ang kamay ko nang ma-realize na nilalandas na pala no'n ang pisngi ni Silvestre. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. When did I got so close? Kanina lang ay nasa may bunganga lang ako ng kuweba. Napahawak ako sa dibdib ko. Sa bilis ng t***k ng puso ko ay para akong tumakbo ng isang kilometro. "Or, better yet...patayin ko na ang nararamdaman ko para sa kanya hangga't ma