NAKITA NI MR. HARRISON ang pagkanunot ng noo ng kausap. "In due time you will know what I am trying to say," anang ng matanda sa kanya. Maya-maya ay may kausap na si Daisy sa earpiece nito. "Hello, Winona. Ah..okay..sige..oo narito kami malapit sa target...okay copy.." sunod-sunod na turan nito. "They're in position right now," imporma nito sa kanila. Nakita niyang bumunot na rin ng baril ang matanda. "As long as we can fight them without guns...gawin natin. Mahirap na baka matamaan natin si Alexis," utos nito sa kanila. Tumango siya sa sinabi nito dahil iyon din ang hangarin sa oras na iyon ang mailigtas sa kapahamakan ang kanyang mag-ina. "Sumuko na kayo, sasabihin ko kay Greg na huwag kayong ipakulong," sumamo ni Alexis sa mga lalaking kasama. Tumawa ang mga ito. "Kilala ko si Gre