Chapter 2:

1198 Words
Muli niyang nilibot ang paningin. Mula sa mga salamin ay nakikita ang mga babaeng magaganda at seksi. Bagaman magaganda at seksi ang mga ito pero wala siyang balak pumatol. Wala kasi siyang natitipuhan sa mga ito. Wala ninuman dito ang umagaw ng kaniyang pansin. Sa kaniyang kinaroroonan ay para siyang nanonood ng sine sa isang sexy film. Bilang isang lalaki ay nakakaramdam pa rin siya nang pangangailangan at lalo na ngayong matagal-tagal na siyang walang babae. "s**t!" mura niya nang maramdaman ang pagkabuhay ng p*********i. Maraming babaeng nagpapakitabng motibo pero ayaw niyang pumatol sa mga ito. Gusto niya ang babaeng ekslusibo para sa kaniya. Isang birhen at handang tumihaya kung kailan niya gusto. "Kailangan kong makahanap ng babaeng pwedeng pumawi sa aking pangangailangan, isang babaeng kayang gawin lahat ng gusto ko," aniya sa sarili habang nanunood. Mas lalo pang nag-init ang kaniyang katawan ng makita ang isang costumer kasama ang babaeng natipuhan nito. Isang German na lalaki na gustong makapangasawa ng pinay. Isa iyon sa kanilang patakaran. Ang tiyaking birhen ang bibilhin nilang babae at compatibility sa kama. Kaya doon mismo sa koral nangyayari ang unang sagupaan bago iuwi kapag nasigurong birhen ang babae. "s**t!" Muli niyang turan dahil sa hindi niya mapigilang pagtayo ng hinaharap. Habang matamang nanonood sa isang one sided mirror na iyon. Binulabog siya ng tawag sa kanyang cellphone sa matamang panunood ng pagtatalik ng dalawang nasa kabilang kuwarto. Agad na sinagot ang tawag ng kanang kamay siyang si Karyo. "Hello!" naiiritang sagot dito dahil sa naantalang panunood. Mukhang tuwang-tuwa ang gago sa kabilang linya. "Bossing, tiyak na matutuwa ka. May mag-asawa dito sa labas at gustong ibenta ang anak na dalaga," anang ng kausap. Napakunot ang noo niya. Curious siya kung anong hitsura ng anak na binibenta ng mga ito. Agad na bumalik sa bahay niya upang usisahin ang mag-asawang gustong ibenta ang anak. Nabulwagan sa marangyang sala ng resthouse niya sa Tagaytay, ang mag-asawa at isang dalagang nakayuko. Ngiting-ngiti ang mag-asawa habang yukong-yuko naman ang anak na ibibenta. Mukhang naiyak pa ang dalaga dahil sa mga sinok nito. "Bossing,"agad na anang kanang-kamay niya pagkakita sa kanya. Sabayang lingon ng mag-asawa sa kanya samantalang walang reaksyon naman ang dalagang anak ng mga ito. Hindi niya makita ang mukha nito pero maganda ang katawan ng dalaga kahit balot na balot ito sa suot na damit. Ang katawang pwedeng-pwedeng ikama. Kaya lang mukhang yuyuko na lang buong araw ang babae at kahit kausap ng magulang ay hindi man lang maiangat ang mukha nito. "Magandang araw po, Sir," magalang na turan ng mag-asawa. "Hoy, Alexis bumati ka sa magiging boss mo," diga ng Nanay nito sa dalaga pero nananatiling tahimik ito. "Alexis, huwag mo kaming gagalitin," banta naman ng ama nito. Doon nagtaas ng mukha ng dalaga. Napasinghap si Greg nang makita ang magandang mukha ng dalaga. Napalunok siya ng hindi mawari. Ito ang babaeng pwedeng pumawi sa hungkag niyang p*********i. "Alexis, ano ba?" inis na na turan ng ama nito. Nakita ni Greg ang pagsungaw ng luha sa mata ng dalaga katunayang labag sa loob ang gusto ng mga magulang nito. "Alexis!" tawag ulit ng ama nito na tila nagbabanta na. "Ma-magandang araw po," nauutal turan nito. Narinig din niya ang mabining tinig nito. Agad niyang binalingan ang mag-asawa at tinanong kung magkano ibibenta ang anak. "Naku, sir kahit singkuwenta mil po kung payag kayo," anang ng lalaki. Nilahad ang kamay sa harap ni Karyo. Inabot nito ang isang tseke. "Ito, otsenta mil," aniya habang abot-abot ang tseke sa mag-asawa. Halos umabot hanggang tainga ang ngiti ng mga ito nang banggitin niya ang halaga ng pinagbentahan sa anak. Pabilis nang pabilis ang t***k ng dibdib ni Katarina habang lulan ng sasakyan papuntang Tagaytay. Nalingunan niya ang mag-asawang magpapanggap na magulang niya sa harap ni Stone Man o ni Greg. 'Itatak mo sa isip na ikaw si Alexis Soriano, ang babaeng robot. Walang damdamin at hindi pwedeng umibig kaninuman. Mission is misson,' pagsasabi sarili. Nabungaran ang malaki at marangyang bahay. Hudyat na kailangan na niyang umarte. Hinanda ang sarili sa anumang mangyayari sa pagtira sa mga ito. Binitbit ng ama-amahan ang maliit niyang bag at hinila naman siya ng ina-inahan. Talagang marangya ang bahay. 'Nabubuhay sa kawarisan dahil sa illegal na gawain,' himutok sa sarili. Naningkit ang mga mata. Nang dumating ang isang maskuldong lalaki. Yumuko siya, ang ina-inahan ang unang nagsalita. "Ikaw ba ang namamahala dito? Gusto namin sanang ibenta itong walang kuwentang anak namin," arte ng ina-inahan. Agad siyang sinipat ng lalaki. 'Sarap sapakin,' anang sa isip ng makitang ngising-ngisi ito. Nakita niyang may kinausap sa cellphone nito. 'Bossing,' ulit ng utak sa narinig na tawag sa kausap. Napangiti siya. Hindi naman pala ganoon kadaling makita kung sino si Stone Man. "Mukhang maganda ang anak niyo, Misis. Buti dito niyo naisipang dalhin," turan pa ng lalaki sa nagpapanggap niyang magulang at patuloy siyang inuusisa nito. Matamang sinusuri siya sa paningin nito. Lalo sa kanyang dibdib. Sumilay ang ngisi sa labi habang nakatingin sa kaselanan na animo'y hubad siya. 's**t!, manyak,' mura sa sarili hanggang sa nagyuko ulit. Maya-maya ay dumating ang bossing nito. Gustong-gusto niyang lumingon at kumpirmahin kong ganoon din ba siya kagwapo sa larawan nito. 's**t,' mura ulit sa sarili ng ma-realize ang sinabi. Narinig niya ang baritonong tinig nito. Naramdaman niya rin ang maiinit nitong mga tingin sa kanya pero nananatili siyang nakayuko at umaarteng hindi siya pabor sa kagustuhan ng umaarteng magulang. Tinudo na rin ang pag-arte kaya naluha at napapasinok siya. "Alexis, huwag mo kaming gagalitin," maigting na turan ng ama-amahan dahilan para magtaas siya ng mukha. Mukha ng napakaguwapong lalaki ang nabungaran niya. Mukhang nabigla rin ng makita ang mukha nito. Nakita ang pagtaas baba ng adam's apple nito. "Ma-magandang araw po, Sir," utal niyang bati rito. Sumilay ang isang ngiti dito dahilan para lumabas ang magkabilaang biloy nito. Hindi na niya namalayang nakaalis na pala ang mag-asawang nagpanggap na magulang niya. Napalunok din siya sa uri ng tingin na pinupukol ng lalaki sa kanya. "Ibigay mo kay Karyo ang gamit mo at sasamahan ka niya sa'yong magiging silid," anito matapos kausapin ang lalaking tinukoy nito. Paakyat na sila sa ikalawang palapag ng bahay nito nang balingan niya ulit ang lalaki. Nagtama ang mga mata nila dahil nakatingin din pala ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang ang lakas ng hatak sa kanya upang titigan ito. 'Alalahanin mo, we trained to be robot. No feelings,' umaatingawngaw sa isip niya. Napakalaki ang kuwartong kinalalagyan. Agad na ginala ang kuwarto. "Bakit may mga panlalaking gamit," aniya saka agad na siniyasat ang kuwarto. Puno ng damit ang mga closet. 'Ano ito, Stone Man,' anang sa isip. "Kuwarto niya yata ito," bulalas niya ng maging ang CR ay puno ng panlalaking gamit. Alam niyang gabi na kaya inihanda ang sarili. Tumayo siya at bubuksan ang pinto nang ayaw itong bumukas. "s**t!," mura niya. Isa lang ang ibig sabihin noon ay kulong siya sa kuwartong iyon. Agad na siniyasat ang silid kung may maaari siyang matakasan. May nakitang bintana pero may rehas na bakal. Walang posibleng takasan. Agad na hinagilap sa dalang bag ang maliit na cellphone pero napamura ulit siya ng makitang walang signal. 'Paano?' inis na anang ng isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD