HINDI TALAGA MAPAKALI si Alexis kahit anong hamig ang gawin sa sarili. Palakad lakad at hindi makapirmi sa isang lugar. Ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan sa pag-alis ng lalaki ng biglang matabig niya ang isang plorera dahilan upang tuluyang bumagsak at mabasag ito. Nagkatinginan sila ng kapatid. "Sabi ko na sa'yong relax ka lang eh," saad ng nakababatang kapatid. "Pati tuloy ako kinakabahan sa ginagawa mo," dagdag pa nito. Hindi rin kasi maikaila ang pagkabahala sa mukha ni Billy na nasa di kalayuan. Hindi man niya tanungin ito sa dahilan ng biglaang pag-alis ni Greg ay batid niyang ito ay may kinalaman aa sinabi sa kanya ni Daisy. Samantala, naiinis na si Black Dragon sa nakikitang pangyayari sa bahay na sinasalakay ng grupo niya. "Lintik, bulilyaso pa. Bakit may pulis," aniya