hsgshs

hsgshs

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
body exchange
second chance
self-improved
bxg
kicking
apocalypse
enimies to lovers
passionate
like
intro-logo
Blurb

gggggggggggggggggggIt is the study of the mind and its functions, which include learning, memory, attention, perception, reasoning, language, and decision making. The modern study of cognition is predicated on the idea that the brain can be viewed as a complex computing system.

chap-preview
Free preview
1
If I am given a chance to wish, I will wish that you'll never forget me. That's not being selfish I just wanted that if we cross our path again and will smile at me. Those smile that you never. I look at the fountain infront of me. Many people are really crazy because of someone very interesting. I have never been in a relationship, but I wish what is best for that one person who caught my attention and also my heart. That sounds cringe to those bitter people like me and think that love is just a feeling in a book that's never existed. I look at my hand desperada kung desperada pero ihuhulog ko na'tong one thousand coins na nasa supot. Dumaan pa ako nang bangko para lang magpapalit ng barya tig pi piso para mas madami mas malaki ang chance na baka sa libo libong tao ang makasalamuha n'ya lumakad s'ya paatras at bumalik sa nakaraan pero sino namang tangang maglalakad ng paatras? Napailing nalang ako habang inaalis ang pagkabuhol sa plastic. Sobrang daming barya sa baba at ang mga tao sa paligid ko at humihiling din katulad ko. I sighed before i open the plastic saka ko na itinapon ang laman sa fountain. "Please be with someday." Pagkabalik ko ng plastic sa bag ay saka nag umpokan ang tao at nagbubulong bulongan. Pare pareho lang tayo iba't ibang level nga lang. "Ang dami oh, sayang naman." "Akala ko si queeny na ang pinakadesperada." "Tingnan mo ang daming hinulong nung babae." Naglakad na ako papalayo do'n 'wag n'yo sanang kukunin 'yan mga walang'ya ako kukuha sa inyo nang maaga.Nilapitan ko na ang motor ko at isinuot ang helmet ko sumakay na ako rito at nag simulang paandarin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo babalik pa pala ako ng pharmacy malilintikan na naman ako ni doc. I'm Ysabelle Enriquez, 16 years old ako nung umalis samin. I decided to live with my own after my mother died and my father decided to marry again. It's almost 3 years na rin akong umalis. Ipinarada ko agad ang motor ko sa tapat ng pharamacy ni doc mike. Isa lang ito sa mga part time job ko para makapag tapos at mabayaran ang mga bills ko bukod sa nasanay na ako sa ginagawa ko naguguusutuhan ko na rin. Saktong pagpasok ko sa loob ay bumungad si doc amira ang asawa ni doc mike. May clinic kase sila dito na katamtaman lang ang laki at sa gilid nito ang pharmacy nila para pagkareseta ay dito na agad bibili generic naman eh. Pareho lang naman ng content at effectiveness ang gamot na iyon kaya lang mas mahal yung iba sa eh sa brandname. "Dumiretso ka na agad sa tabi ng clinic medyo madami kaseng tao ngayon at kailangan ng asawa ko ng a alalay." tumango lang ako rito at binaba ang bag ko sa may upuan. "Saan ka pala galing?" "Ah d'yan lang po sa may parke nagpapahangin lang po." tugon ko. "Nag iisip ka na naman ba hija? May gumulo ba sa isip mo? May problema ba?" malumanay nitong tanong. "Hindi naman po ganun doc hindi rin naman po ganun kalaki iniisip ko.'Wag po kayong mag alala thankyou po sa concern doc." "Basta 'wag lang maapektuhan ang mental health mo. Osya puntahan mo na si Doc mike." lumabas na ako ng pharmacy at naglakad papasok sa clinic. Marami ngang nakaupo sa mga upuan sa gilid bago pa papasok sa isang room kung nasaan si doc. Dumiretso na ako sa room nito at kumaway dito bago lumapit. "Kumain na kami,saan ka ba galing?" "Eh doc d'yan lang ho." napakamot pa ako ng ulo. "Basta itong vitamins makakatulong ito sa kanya para mas sumigla o ganahan kumain. Alam n'yo naman ang mga bata mahihilig sa mga chichirya o taba. Pwede n'yo rin gawan ng ibang putahe para mapakain n'yo ng gulay ang anak n'yo misis." "Ganun na nga doc ang ginagawa ko kaso minsan tinatabig pa n'ya. Doc baka pwede namang syrup nalang ang hirap ng tableta para sa bata." "Pa assist naman nung nasa kabilang room ysabelle." utos ni doc yumuko lang ako at umalis. Kaagad akong tumungo sa tinukoy ni doc nakahiga dun ang isang matandaang babae pero nakadilat ito kumatok ako sa pintong nakabukas. "Pagkain ba iyan?" bungad n'ya at dahan dahang umupo sa higaan. "Kakamustahin ko lang po sana ang pakiramdam n'yo. Nawalan po kase kayo ng malay kanina ano pong gusto n'yong kainin?" "Kahit tinapay lang ineng wala rin kase akong pera at ang huli ko pang kain ay nung isang araw pa.Pasensya na ha hindi ba may binibigay si doc na pameryenda nakikiusap ako kung maari akong maka hingi." ngumiti naman ako rito para kaseng nahaplos ang puso ko lalo na malapit ako sa mga matatanda. "Ah hindi pa po kase ako nakakadaan ng supermarket, kababalik ko lang ho sa clinic. Mag o-order nalang po ako meron parin po kase akong aasikasuhin sa labas at isasabay ko na po ang gamot n'yo." "Pasensya na at maraming salamat,bumubuti naman pakiramdam ko siguro kailangan ko lang ng unting pahinga." "H'wag na po sana kayo magbubuhat ng mabigat" umupo ako sa gilid ng kama nito. "May mga anak po ba kayo?" "Meron pero kasama ko lang ang asawa kong baldado sa bahay. Kung hindi ako kikilos o maghahanap buhay baka maaga kaming bawian ng buhay. Ineng hindi madaling aasa nalang sa biyaya sa itaas. Wala kaming ibang maasahan ng asawa ko kundi ako nahihiya man s'ya pero wala kaming ibang alam na paraan para makakain." "Naiintidihan ko po kayo pero paano po ngayon eh kailangan n'yo pong magpahinga?" "Baka maghahanap ako ng papasukan sa palengke bilang tindera masyado na kaseng maliit ang kinikita ko sa pangangalakal pagkatapos ay babayaran ko pa ang pag mamalagi ko rito." "Ako na ho ang magbabayad pero mag iingat na kayo sa susunod at mas mabuti nga hong maging tindera nalang kayo." "Ineng, hindi pinupulot ang pera-" "Part timer ako rito lola pati do'n sa may kabilang kanto sa may tabi ng 7/11 pero tuwing gabi naman po ako. Nagkataong wala akong pasok ng hapon ngayon kaya andito ako sa clinic." "Pinaghirapan mo ang perang iyan, nakakatuwa at sa mura mong edad eh sumisikap ka na para sa sarili mo." "Wala po akong aasahan eh." panimula ko at ngumiti rito. "Asan ang mga magulang mo?" tanong nito. "Patay na po ang nanay ko habang may pamilyang bago ang tatay ko." Kinapa ko naman ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko. "Ano pong gusto n'yong kainin?" "Nag a aral ka pa ba?" ramdam ko sa boses n'ya ang pag a alala. "Kahit sa karinderya na ineng o sa tinapay." "Opo." nag order ako sa mcdo ng isang bucket ng chicken pati isang platter ng spaghetti. "Hayaan n'yo na minsan lang ho ito." "Hindi man kita matutulungan" kinuha nito ang kamay ko "o mababalik ang kabutihang loob na ginawa mo para sa'kin alam kong may magandang plano ang D'yos sa iyo." ngumiti ako ng malawak. "Ganun din po sa inyo, ihahatid ko nalang po rito mamaya. Aasikasuhin ko pa po ang iba." tumayo na ako at lumabas ng kwarto. "Hija asan ang banyo?" tanong nang isang nakasaklay na matandang lalaki. "Dito ho," turo ko "mag iingat po kayo." Dumiretso na ako pabalik ng pila para magtawag ng mga susunod na pasyente nang biglang may batang lumapit sa'kin. "Hindi po ba magpapakain si doc ngayon ate? medyo nagugutom na kase ako." lumuhod naman ako para makapantay ko ito. Hinila naman ito ka agad nang nanay n'ya. "Pasensya na miss, ano ka ba cristel kay bata bata mo puro ka hingi tara dito!" umiyak naman ang bata at payuko nalang ako. Hihintayin ko lang ang order ko sa mcdo bago magtimpla ng kape or bumili sa mini mart ng zesto para sa mga pasyente. Nakaugalian na ito nina doc na may pameryenda mga bandang alas dos para sa mga pupunta sa clinic dahil sa haba ng pila. Maya maya pa ay dumating narin ang order ko ka agad kong inabutan ng bayad at tumungong pabalik sa kwarto. Ipinatanong ko lang sa gilid ng lamesa ang pagkain ramdam ko kaseng nakatulog uli si lola. "Doc bibili lang po muna ako ng tinapay at inumin." paalam ko. "Sabayan mo na rin ng kape ito oh" sabay abot ng pera "Pati narin biscuit brille baka mamaya kaseng gabi may isusugod na naman." "Sige po doc." Lumabas na ako ng clinic at bumalik sa motor ko. Regalo ito ni mama sakin nung fifteen years old ako instead of car na pwede ko ring magamit in the future daw. Ang sabi ko mas gusto ko ang sports bike kgrt-1 yung model nito. Ang sabi naman n'ya minsan lang huling ngiti na pala n'ya yun. Sinuot ko na ang helmet ko at sumakay sa motor. Sa buhay walang hindi magulo hindi ka naman siguro nabubuhay sa libro para hanapin lang ang prince charming mo literal na para kang kontrabida sa mga palabas at kung gaano ka kadesperadang matupad lahat ng gusto mo. Ipinarada ko na ang motor ko sa mini mart at inalis ang helmet ko sana talaga walang masyadong tao. Pagpasok ko sa loob ay kumuha agad ako ng basket at nauna kong pinuntahan ang sa kape iba't ibang klase ng kape na nasa sachet minsan kase hindi rin nagugustuhan pag iisang klase lang ng kape. May iba't iba naman kase tayong trip sa kape yung matapang minsan sakto lang. Kumuha na rin ako ng biscuit resbisco chocolate,skysflakes,tapos mamon din at lemon sauare cheese cake. Hindi pala enough ang isang basket. Kumuha uli ako ng isang basket at kumuha din nang mga candy na nasa garapon, nilalagay kase ni doc 'yon sa table n'ya o sa kwarto. Baka bukas mag sisimula nang ayusin yung isang kwarto dun para maging dalawa na yung kwarto sa clinic. Usually naman kaseng check up lang pag clinic pero dahil malayo layo sa city ito narin ang parang nagiging hospital sa mga mamayan. Hindi naman ito province malayo layo lang talaga sa bayan, kaya nga kauunti lang malls dito pero masasabi kong presko ang hangin at talagang hindi gaano kagulo. Gan'tong buhay ang napili kong pamumuhay. After my mother died laging sobrang gulo sa bahay I'm the youngest daughter and my older brother decided to move with his family at our own house. Malaki kase ang bahay na meron kami, actually mansyon nga iyon. Andun din yung kalive in ni ate, kami nalang ni kuya france ang nag a aral pa. Wala rin naman akong kasama madalas o kasabay kumain. Sa sobrang haba ng dinning table ramdam ko yung lungkot habang sa dulo kumakain. Tatlong dinning area ang meron kami sa kabila yung family ni kuya kaya ayun sa sobrang laki halos hindi kami magkitaan. Hindi rin naman ako hinahanap sa bahay wala rin namang bago kase kahit andun naman ako parang invisible lang din. I'm third year college student ang tagal na rin nung huli ko silang nakasama. Inabot ko na ang bayad ko sa cashier at nagpatulong sa nag ba baggage na mailabas ang mga box. Itinali ko sa likod yung mga box napaka bigat nito napasapo nalang ako nang noo at sumakay na sa motor. Nagbigay naman ako ng tip kay kuya at naabala ko pa. Nagsimula ko nang paandarin ang motor at nagmaneho pabalik ng clinic. Sana man lang madagdagan pa ang mga kwarto dun para mas madami ang mga vaccant room pag may emergency kase kadalasan nagiging died on arrival nalang yun iba sa layo ng hospital. Balita ko rin na may makakasama na kami next week ni doc, nurse daw eh galing sa manila. Excited na rin ako para mas mapadali gawain ni doc at syempre ako kase nasa 3rd year palang naman ng nursing at ka agad akong mag a apply kay doc pagka graduate. Dahil sa kan'ya naging pangarap ko maging doctor, bago lang kase itong clinic 3 years palang. Pinarada ko na ang motor ko at dinala ang mga boxes sa loob inalalayan naman ako ng mga kalalakihan do'n. "Thankyou ho." sambit ko at tanging ngumiti. Pagkalapag ng mga box sa gilid ng room or consulation are ni doc ay ka aagd kong inilapag ang bote ng candy. Inilagay ko na rin sa cabinet ang mga pinamili kong stocks. Habang yung iba naman ay sinimulan ko ng ipamahagi sa mga taong naghihintay doon. Inilagay ko muna sa ref yung mga zesto nasa labas yun nang kwarto kusa naman silang kukuha eh. Ang nakakatuwa lang eh hindi sila gahaman ang sarap sa pakiramdam dun na hindi ka nagiging madamot o sakim sa kapwa mo. Umupo na ako sa gilid ng waiting area habang hawak hawak ang mga listahan. "Next po, Ms. Sanchez pasok na." tawag ko, kaagad namang tumayo ang babaeng naka pang office attire hawak hawak ang baby nito habang papalapit sa'kin. "Miss pwedeng pabantay muna ng baby ko." ngumit ako dito at inalalayan na ikarga sa akin ang bata. "Mama" sambit nito kaya napangiti ako isa itong batang lalaki ayon sa tansya ko dalawang taon palang ito. "Sige po pumasok na po kayo sa loob ako na po bahala, paiwan nalang po ng gatas n'ya." Kaagad namang inabot nito ang bag nung bata. Pumasok na ito sa loob habang ako naman ay karga karga ang bata. "Ang cute cute mo naman." papuri ko. ———————————————————————————————————————————————————— Nakatunganga lang ako sa harap ng cashier sa Kmarket. Ito iyong convience store na pinapasukan ko sa gabi. "Miss may hot sauce kayo para sa hotdog sandwich n'yo?" tanong ng isang matangkad at payat na lalaking mukhang kasing edad ko lang. "Meron ho,katabi lang po ng mga tongs yung mga sauce" paliwanag ko. Tumango lang ito at umalis na. Pinunch ko naman ang order na tteokbokki nung isang maputing babae. Nilagay ko ito sa oven kasabay ng lasagna at ang rice bundle food nito. "Miss promo pa itong c2?" tanong nito. "Opo ma'am, 14 pesos po isa." kumuha lang ito ng tatlo sa gilid ng counter. Pagkalipas ng isang minuto nilagay ko na sa tray ang mga order nito at kinuha ang bayad kaagad ko itong sinuklian. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at naisipang mag sss muna. "Siguro naman hindi masamang unahin muna yung customer bago-"ka agad kong tiningnan ito at tinaasan ng kilay. "woah, chill you are working here right? please do your job first." "Eh wala naman ho kaseng-" "That's not an excuse, 'pag trabaho trabaho." kinuha ko lang ang water bottled nito at sandwich bago iinit ito ay pinunch ko muna. "Tss, let me guess minor ka lang ano? Asan ang manager mo I don't like that way you staring at-" "Edi don't, saka inaano ka ba nanahimik na nga ako eh." naiinis kong tugon. Pwede naman kaseng kausapin ng maayos nagpapainit pa ng ulo. "Where. is. your. manager!" nakapamewang lang ako rito. "Wala umalis, saka andito naman ako." "Kaya ko nga hinahanap manager mo para may makausap akong matino." "At mukha ba akong hindi?" tanong ko rito nakatingin lang ito ng masama sa'kin. "Tingin mo ipapatawag ko manager mo kung matino ka?" wow ha. "Hoy sir!" duro ko gamit ang tubig nito ka agad naman nitong kinuha sa'kin. "Customer is not always right ha? pwede mo naman akong kausapin ng maayos ah or miss pa punch." "Bakit sinong tama ikaw?" tumawa naman ito. "Sinita lang kita kase nagtatrabaho ka puro cellphone inaatupag mo kanina pa ako sa tapat mo." "Eh bakit di ka nag salita?" "Eh bakit kase nag ce cellphone ka?" balik kong tanong. "Heeeeep! itigil n'yo nga iyan. Ito miss pa punch" inilapag nito ang dalawang chicken and rice meal,pag ka punch ininit ko muna. "Ayan na ho, Mr. Antipatiko may sira ang tuktok ng ulo akala mo kung sino!" abot ko sa isang matipunong maputing lalaki sandaling nakatitigan kami at napalunok nalang ako sa awkward. "Asar na ba iyan?" panghahamon nito napaawang naman ang bibig ko.Kinuha nito ang tray sa gilid at inilapag ang order n'ya. "Nice try ki-" "Hindi nga ako bata!" ngumisa lang ito at tumalikod na. "Anak yun ni lourdes," panimula naman ni nanay na sumita sa amin. "Marine engineer yun." "Eh ano naman ho kung ganun?" innosente kong sagot. "Ano ka ba naman ineng, napaka gwapo ng batang iyon ay aawayin mo lang." halatang kinikilig ito habang ako ay blanko lang. "Ay wala ho akong pake ang sungit ho n'ya." "Hahaha, ikaw talagang bata ka! bukas pa ba sina doc?" "Opo nay." "Mag ou out ka narin 'diba?" tumango ako rito. "Pasuyo naman pahatid ako." "Ho? naka motor ho ako kaya n'yo ho bang umakyat kase medyo mataas 'yon." "Maglakad nalang kaya tayo ineng." suhestiyon n'ya, inilagay ko na sa plastic ang binili nito at kinuha ang bayad. Inalis ko na ang apron ko at sinulat ang time na umalis ako sa log book. Nasa loob lang naman ng stock room kapalitan ko eh. Paglabas ko ng counter ay nasa labas na si nanay regular patient sya ni doc. Wala na kaseng kasama yun madalas kaya nalilimutan inumin ang resetang gamot. "Tara na ho." aya ko. Maglalakad na sana kami papuntang kabilang kanto nang may nagbabago ng bintana ng kotse. Gusto ba n'ya ako at kanina pa s'ya nag papansin pwes hindi sya ang tipo ko. "Sumakay na ho kayo lola." narinig ba n'ya kami? "Naku iho nakaka-" "Sakay na ho kayo." binuksan nito ang pinto ng passenger seat papalapit na sana ako sa mercedes benz nito para buksan ang likod kasabay ni lola. "Not you!" "What?" iritado kong tanong "Eh saan ako aber?" "You own a motor bike right?" -,- tang ina naman Tumalikod ako at naglakad papalapit sa store para sumakay sa motor ko. Bwiset kahit kelan yun, parang ayuko ng pumunta dun makikita ko lang yung bwiset na yun kinulang ata sa atensyon. Nakakainis, sinuot ko na ang helmet ko at pumunta sa kabilang direksyon. Uuwi nalsng ako sa apartment ko pagod na rin naman ako ayuko na ng stress makita ko na naman yung hinayupak na yun. Baka hindi ko matansya at mapatay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Saving the Hybrid's Past

read
243.9K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Revenge On The Rejected Alpha

read
23.7K
bc

Her Forbidden Mate

read
42.3K
bc

Wolfe's Blind Moon

read
83.4K
bc

The One True Alpha

read
13.6K
bc

The Blue Moon Chronicles (Book 6 of the Blue Moon Series)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook