Hindi pa rin maalis sa isipan ni Haidy ang nalaman tungkol sa kaniyang asawa. At mas lalong hindi siya makapaniwala na magagawa niya ito sa kaniy a. Ang buong akala niya ay dalawang babae ang umiikot sa kaniya. Pero hindi pala. Nagkamali siya. Nagkamali siya ng hinala. Kaya pala, may honey na, may darling pa siya nang marinig niya noon ang pag-uusap nito sa kabilang linya. Wala siyang alam sa nakaraan nito o mas tamang sabihin na hindi man lamang niya siniyasat ang tunay na kasarian ng kaniyang asawa. But what pains her the most is, the other person. The guy she did not expect na makakasiping ng kaniyang asawa. Ano na lang ang sasabihin ng dating amo nito, na ang lalaking inakala nilang patay na nang matagal na panahon ay buhay pa pala. At tinatago lang ng kaniyang sinungaling na asawa.