Pagkatapos malaman ni Georgina na buntis siya ay agad siyang sinamahan ng kaibigang si Sari sa OB-Gyne. Doon ay lalo pang nakumpirma na ang pagdadalang-tao niya. Si Sari na ang halos sumagot sa tanong ng kaibigan dahil tila hindi yata nito matanggap na may nabuo sa sinapupunan niya. O baka tahimik lang ito at may iniisip. Pero nang makalabas na sila ng opisina ng doktora ay ganoon pa rin ang ekpresyon ng mukha niya. “Hay naku, Georgina. Nandyan na 'yan. May magagawa ba tayo? Puwede ba tigilan mo na 'yang pananamlay mo. Bata 'yan e. Kung tutuusin blessing siya sa iyo. Take note of that.” Matapos sabihin iyon sa kaibigan ay agad na kinuha ni Sari ang kaniyang cellphone at may tinawagan. “Yes, Igor speaking? Who is this?” sagot ng kabilang linya. “Hindi na mahalaga kung sino ako at kung