Limang araw pa lang bago nakauwi sa kanyang bahay si Igor ay may natanggap na kaagad siyang tawag galing sa isang taong hindi niya inaasahang makakausap pa niyang muli sa tanang buhay niya. Sinagot niya ang call at gulat na gulat siya nang magpakilala ito sa kanya. "Hello. Mr. Igor Tordesillo, right?" tanong sa kanya ng nasa kabilang linya. "Yes, speaking. May I know who's calling please?" nag-aalangan man ay sinagot naman ni Igor ang tanong niya. Baka isa na namang kliyente ang nangangailangan ng tulong niya. "Mr. Tordesillo, this is Maira. Maira DelMundo vda de Cuneta. Remember me, right?" hindi makapaniwala si Igor nang sambitin nito ang buong pangalan niya. Muntik pa siyang mabulunan sa pagsagot dito sa kabilang linya. "I see. Of course. Of course. I do remember you, maam. Its be