SA isang mamahaling restaurant huminto ang sasakyan ni Rave. Mukhang makakatikim ako ng libre ah. Pero ang nakakabwesit na lalaki ay parang nakalimutang may kasama siya kasi iniwanan lang naman niya ako ng walang lingon-likod. Sama talaga ng ugali ni gagu. Napaghahalataang ayaw manlibre. Kuripot! Napilitan akong sumunod sa kanya kasi naalala ko biglang wala akong perang dala at maging iyong cellphone ko ay naiwan sa kotse ko na naiwan din sa set. Tanging iyong flower crown na nasa ulo ko ang tanging dala ko maliban sa damit na suot ko. Pinigilan kong huwag umirap nang pagpasok ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao at tsaka magbubulungan. Mga ignorante! Nakakita lang ng maganda ay pag-uusapan na agad! Agad kong natanaw si Rave sa sulok na bahagi ng restaurant at may kausap siyang l