Pagkauwi ko ng bahay ay agad sumalubong sa'kin si Mommy. Nag-alala niyang ininspeksiyon kung may galos ba ako na para bang galing ako sa digmaan. "Thank God, you're okay," nakahinga ng maluwang nitong pahayag nang masigurong kompleto pa ang mga daliri ko. " OA mo Mommy, kailan pa hindi nagiging okay si Ate tuwing gumagawa siya ng gulo?" nakabungisngis na sabat ni Fel Ashley. "Magkano na naman ang babayaran ko this time?" seryosong tanong ni Daddy na para bang malaking kawalan sa kayamanan niya ang halagang babayaran. Nagsihagikhikan naman ang kambal kasama si Leicia at Fhel Ashley. Si Ate Evie lang yata ang kulang sa welcoming entourage ko. "Paano ba iyan Dad, buong hasyenda ang sinunog ko," poker face kong sagot. Mulagat na napaubo si Daddy at napatitig sakin ng mabuti upang si