NAGISING ako kinabukasan dahil sa ingay sa labas ng kinaroroonan kong silid. "This is disaster!!" malakas na sigaw ng boses ni Ms. Trish na manager ni Rave. Ang aga-aga pero mukhang mainit na agad ang ulo nito. Tiyak kung isang Rave ang makakaharap mo ay tiyak mag-iinit ang ulo mo! Bigla agad akong nakonsensiya sa naisip ko dahil naalala ko ang ginawa niyang pagkanta sakin kagabi. Nabawasan ng .1% iyong inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya. "Nagwawala na ang KARAVE at halos sasabog na sa mga comments and inquiries ang lahat ng fan page natin.", problemadong dagdag ni Lolita. Napilitan tuloy akong bumangon upang tingnan kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero bago pa ako nakalabas ay tumunog iyong cellphone ko kaya sinagot ko muna iyon. " Where are you?" malamig na bungad sakin ni