Chapter 1

1778 Words
WHEN Akihiko Zeke came back in Cresent Golden Moon Pack after he stayed in Australia for nearly five years and he met his mate. He acted normal infront of his brothers and parents eyes like nothing happened. Si Zion lang ang nakakaalam tungkol sa mate niya at siya lang din ang nakakaalam na nahanap na rin nito ang mate nito,and Zion was now happy with his mate,Lovely,after five years na magkalayo ang dalawa. Sa mga nakalipas na taon pagkatapos niyang bumalik dito sa Italy. Umiikot lang buhay niya sa pack,sa dark forest at sa Donovan Empire. And of course,siya pa rin ang Zeke na kilala ng lahat, siya ang pumapangalawa sa kalokohan ni Zane. And I'm proud of it. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa palasyo ay narinig niya ang ingay ng mga bata sa gilid ng palasyo. Sigurado siyang naglalaro ang anak ng mga kakambal niya. He sighed. Siya kaya? Kailan rin kaya siya magkakaroon ng pamilya? Minsan naiingit siya sa mga kapatid niya dahil masaya na ang mga ito sa kanilang buhay. Napailing siya. It's his fault. Iniwan niya ang mate niya. Pumasok na siya sa palasyo at nagtungo sa kanyang kwarto. Pero nakasalubong niya sa hallway si Zion. "Hey." Bati nito. "Kailan kayo dumating?" Tanong niya. Sa Pilipinas kasi pinili ni Zion na manirahan kasama si Lovely at isang beses sa isang buwan bumisita ang mga ito. "Kaninang umaga lang,Zeke." Sabi nito. "Nasaan ang mga pamangkin ko?" Tanong niya. "Nasa gilid ng palasyo,naglalaro kasama ang anak ni Zeus at Zane." Sabi nito. Napatango siya. "Sige,magpapalit lang ko." Lalagpasan na sana niya ang kapatid ng magsalita ito. "Zeke,kailan mo siya babalikan? At bakit mo ako ginaya?" Sabi ni Zion. He sighed. "Magkaiba tayo,Zion. Kung si Lovely ay nakilala ka niya bago ka umalis,ako,hindi." Aniya. Zion looked at him with sympathy. "Zeke,an advice from me,balikan mo ang mate mo bago mahuli ang lahat." With that Zion leave. He sighed deeply. Pumasok siya sa kanyang kwarto at tinungo ang terasa ng kwarto. Humawak siya sa railing at tumingin sa ibaba. Agad niyang nakita ang mga kapatid na katabi ng mga ito ang kani-kanilang mate habang binabantayan ng mga ito ang mga bata. Nakaisip naman siya ng kalokohan ng habang nakatingin kay Zeus na nasa tabi ni Maxine. Ngumisi siya. "What the hell?!" Malakas na bulalas ni Zeus nang may mga ugat na pumulupot sa katawan nito. Zeus immediately know who did it. "Zeke!" Narinig niyang tumawa ang kapatid na nasa terasa pala ng kwarto nito. Tumawa rin si Maxine at ang mga kasama niya. Tiningala niya si Zeke at tinignan ito ng masama. Ngumisi lang ang kapatid at bumalik na ito sa loob ng kwarto nito. "Gustong-gusto ka talagang inaasar ni Zeke." Sabi ni Zion. "Hayaan mo na,Zion. Walang lovelife,eh." Sabi ni Zane na nasa tabi ni Hope. Bumuga siya ng hangin at napailing habang nakatingin sa mga ugat na nakapulupot sa katawan niya. Ang magaling niyang kapatid,hindi man lang tinanggal ang mga ugat sa kanya. "Sunugin mo na lang." Sabi ng asawa niya. "That's what I'm thinking." Aniya at sinunog ang ugat ni Zeke. While Zeke,in his room, after he took a shower. Lumabas siya ng banyo habang nakatapis lang ng tuwalya at tinungo ang closet. Kumuha siya ng isang faded jeans,plain green v-neck shirt at isinuot. He looked at the clock hanging on the wall. It's nearing 5PM. Kinuha niya ang green sneakers at isinuot. Pero sa dark forest ang patutunguhan niya,oh well,he shrug his shoulders and stormed out of his room. Nasa living room na siya ng palasyo nang makasalubong niya si Gerald,ang Beta. Yumukod ito at tinanguan niya lang naman ito. Lumabas siya ng palasyo. Habang naglalakad sa kalsada ay may mga nakakasalubong siyang mga pack member at yumuyuko ang mga ito sa kanya. Tinatanguan niya naman ang mga ito. Nang biglang may tumamang bola sa kanya at sa ulo niya ang tinamaan. Hinawakan niya ang parte ng ulo na natamaan ng bola. Is it hurt? Nang-aasar na tanong ni Haven,his wolf. He almost rolled his eyes. Don't talk to me. Okay. Napailing siya at pinulot ang bola na nasa lupa at hinanap ang pinanggalingan nito. And his eyes settled on the baseball field and at the same time pwede itong gamitin para sa soccer. Pinasadya ito ng ama na lagyan ng malawak na palaruan ang pack nila para may paglibangan ang mga kabataan. Napatingin siya sa mga kabataan na nakatayo habang nagtutulakan ang mga ito kung sino ang lumapit sa kanya para kunin ang bola. Napailing siya at siya na ang lumapit sa mga ito. "Here." Inabot niya ang bola at alanganing kinuha iyon ng binatilyo. "Sorry po,Prince Zeke." Sabi ng mga ito. Nakayuko na ang mga ito. "P-please,Prince Zeke,d-don't punish us." Pakiusap ng isa habang nanginginig ng boses. He chuckled. "It's okay. Just be careful." Aniya. Yumuko ang mga ito. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Napatingala siya sa itaas nang makarinig siya ng malakas na pagaspas. And there,he saw Dawn,the white dragon,flying. At hindi niya alam kung saan ito pupunta. Nang makarating si Zeke sa bukana ng dark forest ay napabuntong-hininga siya. Bigla niyang naalala ang mate niya na minarkahan niya ng hindi sinasadyang makita niya ito sa gubat. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito doon but he's lucky dahil namarkahan niya ito,even without her consent. Sana lang ay hindi ito galit sa ginawa niya. Pumasok siya sa loob ng dark forest. He inhaled the fresh air of the forest. His eyes turned to color dark green. Don't take over my body,Haven. Sabi niya sa wolf niya. Just a minute. He tsked. No. Napailing siya ng blinock siya ni Haven sa mindlink nilang dalawa. Using his unhuman speed,tinungo niya ang tirahan ni Zaya. Ang kaibigan ng kanyang ina na siya ring nangangalaga dito sa Dark Forest. Pagdating niya sa tirahan nito ay kaagad siyang pumasok. They are always welcome here,anytime they want. "Auntie Zaya." Tawag niya nang makita niya itong nakaupo sa malaking ugat habang nagbabasa. "Mabuti at naisipan mo akong bisitahin." Sabi ni Zaya at nag-angat ng tingin. "Opo. Hindi lang po ako komportable sa palasyo." Sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi ni Zaya. "Hindi ka ba talaga komportable sa palasyo? O ayaw mo lang mainggit sa mga kapatid mo dahil nahanap na nila ang kanilang mate at masaya na sila habang ikaw," tinignan ni Zaya mula ulo hanggang paa si Zeke, "wala pa." Napailing si Zeke at umupo sa upuan na nasa gilid. "Actually,nahanap ko na siya,Auntie." "Alam ko." Sabi ni Zaya na ikinagulat niya. "P-paano niyo po nalaman-" "Nakita ko sa mga mata mo. So ngayon bakit hindi mo siya balikan para hindi ka naiinggit sa mga kapatid mo." Sasagot sana siya nang makarinig sila ng malakas na pabagsak ng puno sa kalayuan. Alam niyang nasa pinakadulong bahagi nanggaling ang malakas na pagbagsak ng puno dahil malapit na ito sa mga tao. Nagtinginan sila ni Zaya. Zaya sighed. "May pumuputol na naman ng mga puno." "Titignan ko po." Aniya at tumayo. Isa sa mga pinakaayaw niya ay nilalapastangan ang kalikasan. He's a nature lover at ayaw na ayaw niyang pinuputol ang mga punong nagbibigay sa kanila ng preskong hangin. "Samahan na kita." Suhestiyon ni Zaya. Tumango siya at magkasunod silang lumabas ng tirahan nito. Ibinuka ni Zaya ang pakpak at lumipad paitaas. Habang si Zeke ay mabilis na tumakbo patungo sa direksiyon kung saan nanggaling ang malakas na pagbagsak ng puno. Pagdating niya sa lugar ay nagtago siya sa isang puno at pinagmasdan ang ginagawa ng mga tao. One of them,holding a chainsaw. Nagkalat sa lupa ang mga natumbang puno. Kumuyom ang kamay niya at tumalim ang mata niya. His body trembled. How dare this people to cut the trees?! Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinantakip sa kalahati ng kanyang mukha,mula sa ibaba ng kanyang mata. Lumabas siya sa pinagtataguan. "Leave this place before i'll bury you all." Banta niya. His voice maybe calm but dangerous. Tumigil ang mga ito at napatingin sa kanya. "And who is this man?" Maangas na sabi ng isa. Mas lalong tumalim ang mata niya. "Leave this place before i'll bury you all alive!" "Shut him." Utos ng leader ng grupo. Tangka siyang lapitan ng mga tauhan ito pero may mga lumabas na ugat sa lupa at pumulupot sa paa ng mga ito. "What's happening?!" "What the hell is this?!" Itinapat niya ang isang kamay sa katawan ng puno na nakatumba sa lupa,iniangat niya ito at itinapon sa mga nagtotroso. Napasigaw ang mga ito. Idinipa niya ang dalawang braso. Umangat lahat ng mga katawan ng puno na nakatumba sa lupa at hinagis sa mga taong pumutol sa mga ito. "Serves you all." Galit niyang saad. "Let's go!" Sigaw ng leader ng grupo. Nagtakbuhan ang mga ito palayo at naiwan na mga gamit ng mga ito. Napailing siya at tinanggal ang panyong nakatakip sa kanyang mukha. "Last time they went here,noong nakaraang taon. Ang mommy mo noon ang humarap sa kanila pero hindi ko naiisip na babalik na sila." Sabi ni Zaya na kabababa sa lupa. Napabuntong-hininga siya. "Hindi nila alam kung gaano kahalaga ang buhay ng isang puno." Aniya at lumuhod sa lupa. "Anong gagawin mo?" Tanong ni Zaya sa anak ng kaibigan. "Just watch,Auntie." Sabi ni Zeke at inilapat ang dalawang palad sa lupa. His eyes became dark green and it gleam for a second. Habang ginagawa ni Zeke ang dapat itong gawin,tumingin si Zaya sa paligid. Hindi na siya nagulat nang magsitubuan ng mga halaman at bulaklak sa kanilang paligid. Ang pagtubo ng mga puno at mabilis na pagyabong ng mga ito. At ang kaninang wala ng buhay na mga puno na pinutol ay unti-unti ng naging lupa-kung paanong nangyari 'yon ay hindi niya alam-at tinubuan ng mga maliit na uri ng bulaklak ang lupa. Napangiti si Zaya sa kakayahan na meron ang isa sa anak ni Avery. Her sons is really gifted by the Moon Goddess. Hinayaan ni Zeke na dumaloy ang enerhiya niya sa lupa. Siguro ay dapat niyang harangan ang lugar na ito para wala ng taong pumunta pa dito para pumutol ng mga puno. Tumubo ang mga malalaking baging at tumaas ang mga ito hanggang sa naging kapantay na ng mga ito ang mga matatayog na puno. Ngumiti si Zeke nang makitang nalagyan na ng harang pwedeng daraanan ng mga tao. Hindi niya hahayaang may mga maputol muling puno lalo na dito sa Dark Forest na dating naging tirahan ng kanilang mga elemental ancestors. "Siguradong hinahanap ka na ni Avery." Sabi ni Zaya. "Aalis na po ako." Paalam ni Zeke. "Salamat sa tulong mo." "Wala pong anuman." Sabi ni Zeke at tumalikod na. "Zeke?" Nilingon niya ang kaibigan ng ina. Ngumiti ito at may ibinato sa kanya. Mabilis naman niya itong sinalo. "Huh? Ano pong gagawin ko dito sa singsing na 'to?" Nagtataka niyang tanong. It's a color brown ring that has a gold lining on each side of the ring. Gawa ang singsing sa matibay na ugat ng puno. "Gawa 'yan ng tatlong Forest Fairy. Regalo nila para sa'yo. Ibigay mo daw 'yan sa mate mo." Bahagya siyang yumukod. "Pakisabi po,salamat." Aniya at isinuot ang singsing. Umalis na siya at bumalik sa palasyo. Bago siya pumasok sa palasyo ay tinitigan niya ang singsing. Zeke smiled. You are belong to my mate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD