Prologue

1842 Words
Zai pov "What? Ako bride's maid? Nababaliw kana ba ha Raven?" Halos sigawan ko na ang babaeng kaharap ko bakit kasi ako pa ang ginawang bride's maid? Bakit hindi si Zeine o si Cane? Inosenteng tumingin lang ito sa'kin habang kumakain ng strawberry. f**k! Kung hindi lang ito buntis sasapakin ko talaga ito nang-aano e' hindi talaga nakakatuwa bwisit. "Pinapunta mo ako rito sa bahay ng fafa mo at ito malalaman kong bride's maid mo ako?! What the heck! oo noong sa first wedding n'yo pumayag pa ako dahil para sa'yo naman 'yon! Pero langhiya pati sa simbahan ako pa rin ang bride's maid! You know I despise the sharing of vows. Puro lang 'yon kalokohan! Maawa ka naman sa'kin bruha ayokong ma-haggard. Madami pa kong imi-meet na boylet!" Arghh ayoko talaga sa usapang kasal kasinungaling lang naman 'yon! For better or worse?! s**t baka kamo ito ang magiging dahilan ng impyernong buhay mo! Naku sumapi ata sa'kin si Zeine. Pero I can't help it! Ako?! Magiging bride's maid! NEVER! hindi ko talaga makita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon. Naiinis na pinalo ko ang mesa na kinalikha ng malakas na ingay. Sino ba naman ang hindi mainis kung ang kausap mo ay hindi ka pinapansin? Parang hangin lang ako rito bwisit talaga. "Ang takaw mo! Hindi mo man lang ako pinapakinggan. Maawa kana sa'kin bruha. Si Zeine na lang o hindi kaya si Cane please." Tinitingnan ako ni Raven at nagulat na lang ako nang bigla itong ngumiwi at humikbi. s**t what happen? Nag-aalalang dinaluhan ko ito at nang akmang hahawakan ko ito bigla nito tinampal ang kamay ko, "Hindi mo ba ko mahal pati na ang magiging inaanak mo?" Hanggang sa hindi naglaon humagulgol na ito kaya nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko paano ba naman bawal maistress ang buntis at ito akongayon pinapaiyak ang kaibigan ko na 3 months preggy na. "Fine I will be your bride's maid!" Natigilan ito at pati ako napatigil din did I just said it? Oh ow i'm in trouble. Nakita kong nagningning ang mga mata ni Raven at dali-dali nitong pinunasan ang mga luha nito. Bwisit! Kung sana pumunta na lang ako ng bar hindi na sana ako malalagay sa sitwasyon na ito. "I love you Zai and thank you." Napaawang ang labi ko habang si Raven naman ay napayakap na sa'kin. "Walang hiya talaga iyang fafa mo binundat ka agad!" Nakapout na sabi ko kasi kung hindi lang ito buntis hindi sana ako mapapayag na magiging bride's maid. "E' noon nga atat kang mabuntis ako tapos ngayon ayaw mo na! Ang gulo mo zai kasing gulo mo ang buhok mo sa kepyas! Ble." Aba't natututo na itong mang-asar! At ano daw sabi nito? Buhok sa kepyas? Masasabunutan ko na talaga ito. Hindi sa taas sa baba para mas intense. "Nabundat ka lang nagiging maniac ka na siguro gabi-gabi ang activity n'yo ni fafa Roux. Baka sinunod n'yo ang sabi ni doctora na exercise in night is good for the preggys." Namula naman si Raven sa sinabi ko, ang cute ng reaksiyon nito. "Hmmp if I know ayaw mo lang umattend ng kasal ko dahil sa takot na makita mo doon ang isa sa mga demonyo!" Nakangising saad nito. Ako? Matatakot sa ugok na 'yon? Never! "At saka kung yan man ang problema mo edi wag kang magpaapekto kasi kapag mas ipakita mo sa kaniya na naaapektuhan ka tiyak na he will grab that opportunity to get yo--" Hindi ko na gusto marinig. "Never! At saka di ako natatakot . Wag kang mag-alaala sisipot ako!" Na-aasar na usal ko. At ang bruha ayun nilantakan na naman muli ang strawberry. "And o' thanks for the Ferrari Raven." Mapang-asar na sabi ko. Ngumiti lang sakin si Raven na parang hindi napikon gaya ng dati. "Welcome." Nakuha ba ng alien ang kaibigan ko? Sino tong kaharap ko! E' sa sobrang kuripot nito hindi nga nagpatayo ng mansion tapos nung bilhan niya kami ng Ferrari parang wala lang. "Nabaliw kana ata sa hotdog ng fafa mo akalain mo ang dating kuripot parang wala lang kung gumasta ng pera wow 'a!" "Hmp.. Ferrari lang 'yon, saka tingnan mo naman ako ngayon sobrang saya ang nararanasan ko." Tinignan ko ito mula ulo hanggang papa. Oo nga halatang halata sa mukha nito ang saya. Buti pa ang bruha nakita na nito ang one true love nito. "Huwag ka rin mag-aalala hindi si Gideon of your life ang best man hindi rin ata ito makakapunta dahil may business meeting ito sa France." Tinaasan ko ito ng kilay, bakit tinanong ko ba? "Ano naman ang pinag-uusapan niyong dalawa nitong baliw na ito." Sabi ni Zeine at umupo sa tabi ni Raven. Nagpout naman ako grabe! Baliw ba talaga ako? "Grabe ka sakin Zeine, ano ba nakain mo at napunta ka rito? saka paano ka nakapasok? Bawal kaya dito ang mga KJ at hindi pa na explore na flower?" Malamig ako nitong tiningnan beastmode ang lola. "Bakit bawal na bang dalawin si buntis? At si manang ang nagpapasok sa'kin saka nagsisisi nga ako kung bakit ako nagpunta ngayon. Bakit hindi mo ako tinext Raven na may baliw rito para nakadala sana ako ng gamot. " "Bakit kasi hindi ikaw ang maging bride's maid ng babaeng 'yan! Kainis talaga." She grin like an evil she wolf. Grrrr pinagkakaisahan ba ko ng mga ito. "Busy ako sa laboratory. At ayokong pumunta dahil andon ang mga demonyo." I rolled my eyes at ano?! Ako talaga ang a-attend ako naman ang maiimbyerna. "Ang sabihin mo takot ka lang sa best man." Sabi naman ni raven patukoy kay Zeine. Kaya natawa ako. So si Kelvin pala ang best man?! Epic! "No! Bakit naman ako matatakot." Nag-deny pa siya e' halata naman. "Walang hiya ka V! Dahil sainyo ako naman itong maaagrabyado." Dumila lang ito at akmang kukuha ng strawberry sa bowl ni Raven ngunit malayo pa man ang kamay nito tinampal na ito ni buntis. Ayan buti nga! "Selfish! Ka talaga buntis! At ikaw naman Zai wag ka ngang magdrama riyan wala naman doon si Gideon." Nagtatakang tinignan ako ni Raven. "Ahmm Zai bakit V ang tawag mo kay Zeine? May mga bago na pala kayong tawagan bakit hindi n'yo ako nainform?" Dahil sa sinabi ni Raven nagtatakang tinignan din ako ni Zeine. "Wala naman kaming bagong tawagan ewan ko ba diyan sa baliw na 'yan kung ano-ano ang lumalabas sa bibig." Natatawang tiningnan ko ang dalawang nagtatakang mukha ng mga kaharap ko. "V means Virgin." Napanganga si Zeine sa sinabi ko habang si Raven ay napatawa. Tinapunan ako ng unan ni Zeine at agad ko iyong sinalo. "Bwisit ka talagang babae ka! Bakit ako na lang lagi ang nakikita mo at gustong gusto mong asarin?" Naku galit na ang toro! Umuusok na ang ilong nito. "Sige hindi na V ang itatawag ko sayo L na lang." "Ano naman 'yon?" Kagat kagat ni raven ang strawberry habang nagtatanong at nakatingin sa'kin. Hindi pa ba ito nagsasawa sa strawberry? "Naku Raven kalokohan na naman 'yan for sure." Mapipikong pahayag ni Zeine. "Nagagalit na talaga si L in short of laspag." Nanlalaki ang mga matang nilapitan ako ni Zeine at pinagsasapak ako sa braso. "Ikaw talagang babae ka! Puro ka kalokohan." Yeah i know! That's me! "Hindi ako laspag." Nangagalaiting saad nito. "Then V na lang." Pang-aasar ko pa kaya mas sinapak naman ako nito. "Wow live cat fight sige tuloy n'yo lang" Sarcastic na saad ni Raven na kinatigil ni Zeine. At parang wala lang nangyari na naupo sa upuan nito kanina. Pagkatapos niya kong lapastanganin babalewalain naman niya ko?! Ang harsh niya how to be her po. "Ganito na lang ba palagi ako ang parating nabubugbog?" Saglit lang akong tinapunan ng tingin ni Zeine. "Paano ba naman ginagawa mo ang bagay na ikakabugbog mo." Hmp ang daya. Pikon talaga si Zeine kaya ang sarap asarin. "Saan nga pala si Cane?" Tanong ni Raven. Oo nga asan na si dark queen? Hinintay ko ang sagot ni Zeine ngunit busy pa ito sa phone kaya napabaling ang atensiyon ko sa mga kasambahay na naglapag ng juice at cookies pagkalapag nila sa pagkain ay agad na nagsialisan ang mga ito. Wow! Nakakatakam. "Nasa Australia may business meeting." Kumuha ako ng cookies bahala kayo riyan basta ako kakain. "Patay gutom." Pampaparinig ni Zeine "Buti na lang patay gutom hindi tulad ng iba riyan boring ang life." Nananahimik ako dito e'! "Aba't hindi boring ang life ko!" I just make face. "Sabi mo nga!" Para lang nanonood ng movie si raven at aliw na aliw na pinagmamasdan kami. Ngunit napahinto ang pagbabangyan namin dahil sa mga taong dumating. "Wifee." sabay kaming lumingon sa taong nagsalita. Walang iba kundi si Roux kasama ang hindi kanais nais na tao binabangungot ata ako. "Hubbie!" Nagtama ang aming mga mata Those eyes ang mga matang pagmamay-ari ng taong Kinasusuklaman ko! Boba ka talaga Zai Sa tingin mo ba ngayon na ang isa sa mga demons ay naging asawa ng kaibigan mo makakatakas at makakapagtago ka pa? I was snap when he smirk, Ohh I hate that smirk no not just that I hate his face! Ang lahat ng tungkol dito ay kasuklam-suklam. titig na titig lang ito sakin with a hint of playfulness in his eyes. "Oh bruha may kasama palang fafa ang asawa mo pakilala mo naman Roux sa'min." I playfully said akala mo 'a! Take that asshole, gumuhit ang pagkagulat sa mga mukha ni Roux at ng gagong gideon habang ang dalawa kong kaibigan ay nakangisi lang. Yeah they know me so well. "Ohh sorry I forgot ahmm this is my friend Gideon. Siya ang isa sa mga nasa chopper noong kasal natin wifee." tumango naman sina Zeine at Raven "eh ano naman." Pabulong na saad ni Zeine ngunit rinig naman naming lahat, gusto ko pa ngang matawa epic kasi ang reaksiyon ng dalawang boys. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng ripped jeans ko ng mag-vibrate ito. Manang : Ma'am uwi na daw po kayo dahil miss na kayo ni miss Zerrah. Naiimagine ko na ang reaksiyon ng anak ko tiyak na nagpopout na ito at pinipilit si manang na tawagan ako. "Hmm.. Raven, Zeine I need to go, miss na daw ako ng baby ko." Tumango ang dalawa kaya tumayo na ko, ngunit napahinto ako nang makitang nasa daanan pala si gagong Gideon at madilim ang mukha na nakatingin sa'kin problema ng unggoy na ito? Hindi niya ba ako papadaanin? Dahil sa kaisipang 'yon agad na sinapian ako ng kapilyahan. At lumapit ako rito. "Hey there, it's nice to meet you." I grin and kiss him in his right cheek then I smirk when I saw his reaction, he's lips are parted s**t nakakatempt but no Zai! Control yourself b***h. Kaya bago pa ko makagawa ng hindi kanais nais, nilampasan ko na si Gideon I walk away. Ngayon lang ito pero pinapangako ko ipapatikim ko rin kay Gideon kung paano masaktan at mapaglaruan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD