Bilang mga mandirigma at hinubog sa Chiang Mae ay sinanay ng limang kalalakihan at ni Fier Yan na mag-ikot-ikot muna sa buong paligid ng kingdom bago mamahinga. Matapos ang dinner ng mga studyante nila ay hinayaan na rin nila ang mga ito na magpahinga dahil gigising din ng maaga para sa daily routine nila bilang mag-aaral. Kumbaga, sila ang katiwala ng kingdom of the north. Kaya naman ay ginagawa rin nila ng maayos ang kani-kanilang trabaho. Ayaw nilang may masabi ang mga nagtitiwala sa kanila at higit sa lahat ay ayaw nilang may mapahamak sa kanilang lahat dahil sa kapabayaan nila. "Halos isang taon na tayo rito, Fier Yan, subalit kahit isang beses hindi ka pa nagbakasyon sa Thailand. Wala ka bang pamilyang uuwian?" tanong ni Aaroon. Dahil kasalukuyan silang nagpapatrolya sa paligid ng