"Hon ang bunso mong anak hindi pa ba dumating?" tanong ni Greg sa asawa. "Wala pa, Honey. Pero teka lang aba'y dati-rati namang basta na lang dumarating ang anak natin ah. Anong mayroon at hinahanap mo ngayon?" sagot at balik-tanong ni Magdalene. "Hinahanap ko sa dalawang rason, Honey. Una may dumating na invitation letter and it was addressed to him. Pangalawang rason, aba'y kanina pa siya hinahanap ang apo natin ah. Mabuti ay naisipang nagpaiwan sa gymnasium. Anong oras na ba at hanggang ngayon ay wala pa rin siya?" muli ay tanong ni Greg. Aba'y ang anak niyang nakalimutan na yatang may anak! Palaging nangangapit-bahay ang apo nila dahil kahit sino sa mga tiyuhin ay sinasamahan. Kahit ang BFF ng kaniyang ama ay madalas din doon. Subalit pagsapit ng gabi ay maghahalo ang balat ng tina