"Congratulations Philippines! Specially their coach Master Elijah Gregg Arellano for winning the taekwondo championships for this year!" malakas na anunsiyo ng emcee kaya naman mas sumigabo ang palakpakan ng mga manonood. Kitang-kita naman kasi ng lahat kung paano lumaban ang mga estudyante na nanggaling sa MGJG. Malinis ang pagkapanalo ng tatlo sa magkakaibang bracket. Kaya naman ang mismong player ng Chiang Mae ang lumapit sa mga ito at yumukod bilang pagbibigay pugay sa pagkakapanalo. "Hanep, Kuya. Aba'y pinataob nilang lahat ang bawat deligates ah. Congratulations, Kuya at sa kanilang lahat." Umaabot hanggang sa taenga ang ngiti ni JD dahil sa kasiyahan. Masaya siya para sa Kuya at mga estudyante nito. "Thank you, bunso. Alam ko namang kahit ikaw ang coach ng mga iyan ay ganoon din.