Chyrll's point of view Sumunod kami na umakyat ang mga bata sa kanilang ina. Pumasok na kami sa kwarto at nakatutuwa naman dahil pwede na akong umupo sa kanilang higaan. "Yaya, can we hear you first?" Tanong ni Madeline. Pinagbigyan ko naman siya at kinanta ko ng buo ang dance with my father. Madamdam ang pagkanta ko dahil miss ko na din talaga si Itay. Pagkatapos kong kumanta ay binuksan ko na ang mga mata. Ang dalawa ay naka nga-ngang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay sabay silang pumalakpak. "Wow, ang galing mo Yaya." Sambit ni Madison na pumapalapak pa. "Thank you, thank you! masayang sambit ko at nag bow pa sa kanila kaya sila ay napatawa. "Kung gusto ninyo, ako ang mag piano at kayo ang kakanta." "Wala pa po yung malaking piano Yaya." Sabi ni Madeline na ngumuso. "Okay na a