Chyrll's point of view Pagkaabot ni Master sa akin ang phone ay agad kong tinignan. Naiinis ako dahil naka blocked lahat ang mga lalaking kababata ko sa baryo. "Master i unblock ko sila!" Sabi ko ng papalabas na sa aking kwarto. "Subukan mo!" Sambit niya na hindi man lang lumingon. Tinanggap ko nalang ang mga request ng mga kababata at kapitbahay kong mga babae. Pagkatapos ay nakita ko na ang kanilang mga post. Nalibang ako kakapanuod sa kanilang mga post hanggang sa dumating na ang aking hapunan na dala ni Ate Cely. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na kailangan na samahan niya ako ngayong gabi. Medyo okay naman na ang aking likod at kaya ko nang mag banyo na mag-isa. "O sige, ikaw ang bahala. Ang kinakatakot ko lang ay baka mababangungot ka. Aba umungol ka habang tulog. Kaya konti nal